Chapter 42:

958 62 5
                                    

Thrizel’s POV

"Aray!" Sigaw ko nang matisod ako. Ang bilis kasi maglakad ni Phryx. Matapos ang aming klase ay nakaabang siya sa paglabas ko sa aking silid-aralan. Hindi nga ako nagkakamali. May kailangan na naman siya at gusto niya akong makausap. Tsk.

Kasi ito ang huli, hindi talaga gentleman ang lalaking ito. Sobrang bilis niya maglakad na halos takbuhin ko siya. Tsk, hindi niya man lang ako inalalayan o kaya hintayin. Nakakainis itong lalaking ‘to. Bakit ba kasi uto-uto rin ako at sunod sunuran sa kaniya? Argh.

Kaya ang ginawa ko ay huminto. Likod niya ang aking nakikita, papalayo ito sa akin. Pagod na akong maglakad kaya ang ginawa ko ay tumalikod na. Ang kaso nagulat ako nang bigla akong umangat.

Is he crazy?! Bakit niya ako binubuhat?

"Ibaba mo nga ako!" Pagpalo ko sa kaniyang braso ngunit para itong walang narinig.

Nandito pa naman kami sa likod ng paaralan. Baka may makakita sa aking estudiyante ngunit wala naman ng naglalakad.

"Phryx, ano ba?! Hindi kita kilala, don’t touch me!" Kaso parang wala talaga siyang narinig, patuloy lang ito. Ako lang ang napapagod sa kakapiglas kaya nanahimik nalang ako.

Binaba niya ako nang makarating kami sa isang pasilyo. Walang estudiyante rito, bihira lang gamitin ang building na ito. Bakit niya ako dinala rito? Ano namang gagawin namin?

Dahil isip ako nang isip, tinanong ko siya. "May masama ba tayong gagawin? Bakit tayo nandidito?" Inosente kong tanong at nilibot ang paningin sa kabuoan ng pasilyo. Bigla naman akong natakot dahil naalala ko iyong nagpakita sa akin si Kristina. Gosh, bakit ko pa ba iyon naiisip?

"Tsk." Rinig kong singhal niya at tinanggal ang kaniyang bag pack sa likod. Sinabit niya ito sa isang pintuan. Nangunot ang aking noo dahil parang inaayos niya ang kaniyang likod.

"What are you doing?" Nakuha ko nang magtanong.

"I have back injury." Simpleng sagot nito.

"From fall?"

Tumango siya. "Ayos naman na ito kaso binuhat kita kaya mas lalong sumakit." Magrereklamo sana ako nang inunahan niya ako sa pagsasalita. "Nakakahiya naman kung hahayaan lang kita. Tsk."

"Saan ka ba nahulog?"

"Kay Redelyn."

"Corny." Ako kay kuya, kidding. Corny ko rin.

Naglakad na kaming dalawa. Pumasok kami sa isang silid. Dumiretso siya sa isang kabinet at may kinuha. Record book yata ito sa pagkakaalam ko. Nilapag niya ito sa aking harapan.

"Anong gagawin ko riyan?"

Hindi siya sumagot. Sinara niya ang kabinet at bumalik sa aking p’westo. Maalikabok iyon kaya napaubo ako. ‘Ngina. Binuklat-buklat niya pa, may hinahanap. Maya-maya ay may hinintuan at humarap sa akin.

"She is Redelyn Gauniria, my girlfriend." Tiningnan ko ang kaniyang tinuro. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha kaya hindi ko mawari kung totoo ba talaga ang sinasabi ni Phryx na kamukha ko talaga ito.

"Then?" Napaisip-isip ako. "Baka patay na ang girlfriend mo. Ang tagal na niyan e, inaalikabok na nga at sunog, oh."

Dumilim ang kaniyang mukha pero hindi ako natinag doon. Hindi na ako natatako—argh, I hate Blue. Nakaramdam ulit ako ng takot nang hinulog niya ako sa swimming pool.

"Remember? Nasunog ang building na ito last year." Bigla akong kinabahan sa kaniyang sinabi. Oo, naaalala ko, nasunog ito noong nakaraang taon. Nagmukha lang maayos dahil pininturahan.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now