Chapter 43:

952 60 4
                                    

Thrizelʼs POV

“Dito muna titira sa atin si Anissa.” Masayang sabi ni kuya.

Napakagat labi ako. Ngumiti sa kaniya ng pilit. “That's great, nasabi mo na ba kila mommy?” Tanong ko. Ayokong magpahalata na tutol ako sa kaniyang gusto.

“Yes, pumayag naman sila.” May pagmamalaki ang pagkakasagot niya. Halatang masaya siyang nandidito si Ate Anissa. Napatango na lamang ako sa kaniyang sagot.

“Ayos ka lang ba, Thrizel?” Mukhang nahalata niya ang pagrereaksyon ko. Marunong akong magtago ng nararamdaman pero sa ganito? Nahahalata agad ako.

Ngumiti ako rito. “Oo naman kuya, nasaan na si ate?” Pag-iiba ko ng usapan.

“Nasa kanila pa, susunduin ko mamaya.”

Masaya nga siya. Kahit naman ako ay masaya dahil may makakasama akong babae bukod sa kanilang dalawa ni Link na puro lalaki pero may parte pa rin sa aking hindi.

“Ah, sige, ipapaayos ko lang magiging kwarto niya.” Sabi ko rito at umalis.

Tinawag ko ang isang katulong at sinabing ayusin ang bakanteng kwarto sa taas dahil may gagamit no'n. Tumango naman siya, ako naman ay pumunta ng kwarto ko para makapaghalf bath na. Papasok na ako sa kwarto nang may tumawag sa akin.

“Thrizel!”

“Bakit, kuya?”

“Gusto mong sumama sa sundo ko mamaya kay Anissa?” Bakit niya ako isasama?

“Hindi na kuya, hihintayin ko na lang si ate rito sa bahay.” Itotorture ko pa ba ang sarili ko?

Tumango naman siya at naglakad papuntang pinto ng kaniyang kwarto. Tiningnan ko siya hanggang nakapasok ito. Pagkatapos niya ay pumasok na rin ako sa loob at dumiretso sa banyo. Mabilis akong natapos, nagbihis na rin.

Kinuha ko ang aking at tiningnan kung online ba si Amira, i-vivideo call ko siya. Saktong online ito kaya tinawagan ko. Agad niya naman itong sinagot.

“Thrizellllllllll!” Unang bungad ni Amira sa tawag. Kita ko sa mukha niya ang saya. Miss ko na siya. My god.

“Amiraaaaaaaaa!” Pagtawag ko naman sa kaniya at sabay kaming natawa.

“Kumusta ka riyan?”

Gusto ko i-kwento sa kaniya ang mga nararamdaman ko pero ayokong pati ako ay aalalahanin niya pa.

“Ayos lang naman ako kaso medyo boring dahil wala ka.” Sagot ko rito na may halong lungkot ang boses. Hays, kailan ka uuwi?

“Ayos lang rin ako, miss na rin kita pati si Kuya Thrale.” Kita ko naman sa likod niya ang kumakaway na si Elkhurt. Abnormal.

Lumapit siya at hinakbayan si Amira. “Hi, Thrizel baby, miss me?” Kahit kailan ang harot niya talaga.

Sinimangutan ko siya at sinungitan. “Hindi kita miss kahit hʼwag ka nang umuwi.”

“Kung hindi ako uuwi, hindi rin makakauwi ang kaibigan mo.” Ngising sabi nito sa akin. Alam niya talaga kung paano ako inisin kaya napairap naman ako sa sinabi niya. Nakita ko naman ang paghampas sa kaniya ni Amira at sabay takbo sa kung saan.

“Hayaan mo iyon si kuya, nababaliw na naman e.” Agarang sabi ni Amira pagkapasok niya sa kaniyang kwarto at naupo sa kama.

“Alam kong matagal ng baliw ang kuya mo, haha.” Napailing-iling kami roon at sabay na natawa. Abnormal naman kasi talaga iyon.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now