Chapter 73:

1K 60 15
                                    

Thrizel's POV

Umakyat na muna ako sa taas para makapagpalit ng damit. Gusto ko ring daldalin si Arella, gusto ko ang attitude niya. Nagbibihis ako nang bigla kong naalala si Brooks, hindi na pala kami gaanong nag-uusap at hindi ko rin siya nakikita. Pero hayaan na, mas ayos nga ito para naman mabawasan ang sakit sa ulo ko ngayon dahil masyado ng mahirap ang mag-isip nang mag-isip sa kanila. Dominic at Thrale sama mo na si Gio.

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking mga naiisip. Nakapaligid lang sila sa akin pero napapasakit na nila ang ulo ko. Bumaba na ako para daldalin si Arella pero wala siya sa sala. Hinanap ko ito sa hardin pero wala pa rin. Nasaan na siya? Umalis ba? Lagot kami nito kay Thrale.

Maya-maya ay may narinig akong parang may lumalangoy sa swimming pool. Hindi nga ako nagkamali, si Arella ito. And nice, she can swim.

“Thrizel, titingnan mo nalang ba ako?” Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Akala ko ay hindi niya napansin ang aking presensya. Nagkamali ako roon.

Naglakad ako palapit sa kaniya at sumagot. “No.” Simple kong sagot. “And nice, you can swim.”
Ngumiti na lang ito ng simple sa akin.

Tumango-tango siya bago bumalik sa paglalangoy. Naupo na lamang ako sa gilid ng pool. Tinitingnan siya, napataas ako ng kilay nang tumingin ito sa akin.

“Huwag mo akong tingnan lang diyan. Samahan mo ako.”

Wala akong nagawa kun’di ang sumunod sa kaniyang sinabi. Kaya naman lumusong na ako sa pool, ayoko na magpalit. Ayos naman ang suot ko. Paikot-ikot lang kaming dalawa, para kaming mga bata dahil nagwiwisikan kami. Natigilan iyon nang magsalita siya.

"You know wala talaga akong maalala. I don’t know what my name is. Hindi ko rin kilala kung sino ang mga pamilya ko. Ang alam ko, araw-araw akong nagpapalaboy sa daan."

Natahimik ako sa kaniyang sinabi, masyado siyang seryoso. Ano ba talagang nangyari dito? "Iyang peklat mo, hindi mo maalala kung sino ang may kagagawan?"

Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang kinuwento sa akin ni kuya? Saka nakakapagtaka, bakit parang ayaw siya dalhin ni kuya sa mga magulang nito kung kilala niya naman.

"Hmm, hindi, ang ganda ko sana kung wala akong peklat ‘no?" Sinalamin niya ang kaniyang mukha sa tubig.

Hindi ko napigilan ang aking sarili, nilublob ko siy—esti hinawakan ko ang kaniyang peklat. Ano kayang feeling na may ganiyan sa mukha? "Gusto mo bang makilala ang mga magulang mo?" Wala sa sarili kong tanong. Naaakit ako sa kaniyang peklat.

"Ayoko, marami ng nakupkop sa akin. Sinasabing magulang ko sila pero hindi pala. Mas pinipili kong umalis sa poder nila kaysa masaktan. Ayos nang magutom ako sa kalsada, huwag ko lang nadasin ang pagpapahirap nila sa akin."

"Bakit ka sumama kay Thrale?"

Napatingin siya sa akin. "Siya ang unang taong gustong gamutin ang sugat ko. Natigilan ako roon, kitang-kita ko sa kaniyang mata na nag-aalala siya. Pamilyar ang kaniyang mukha pero hindi ko maalala kung sino siya."

"Siyempre cousin mo siya."

"Oh, talaga ba?"

Hindi na kami nag-usap hanggang sa matapos. Pumunta na akong kwarto, mabilis akong nakapagbihis pero hindi ako agad bumaba. Nagpatuyo muna ako ng buhok. Nakaramdam ako ng antok kaya nahiga ako sa kama. Hindi ako pagod sa date namin ni Gio, pagod ako sa paglangoy pero masaya naman ito.

Nagising ako sa katok ng pinto ng aking kwarto.   “Thrizel, kakain na.”
      
Tumayo ako, tiningnan ang sarili sa salamin bago bumaba. Hindi pa kami kompleto, wala pa sina Thrale at Arella. Maya-maya ay dumating na sila, ngumiti ako kay Arella ganoon rin siya sa akin. Hindi siya tumabi kay Thrale, tumabi ito sa katabi kong upuan.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now