Chapter 8:

3.9K 114 0
                                    

Thrizel’s POV

"Buhay ka pa?" Tanong ko kay kuya habang naglalakad kami patungo sa school. Oo, ayaw niyang magdrive dahil nahihilo siya. Hang-over ang kumag. Inom pa!

"Tumahimik ka na nga lang diyan!" Pagsusungit niya. Kaaga-aga ang sungit-sungit! Pwe!

"Inom pa kasi," pang-aasar ko pa lalo.

"Wala ka namang natutulong so please, shut up."

"Pero kay ate Anissa, gustong gustong kasama." Mahinang bulong ko. Sabagay, kapag mahal naman talaga, gustog makasama. Sino bang tatanggi roon?

Pero unfair!

"Anong sabi mo?!"

"Wal—"

"Fck!" 

Sabay kaming natumba ni kuya sa lupa nang may bigla dumaan na motor sa aming harapan. Sobrang bilis no'n kaya sabay kaming na-out balance.

"Hoy!" Inis na tawag ko rito ngunit patuloy pa rin ito sa pagmamaneho.

"Baka naman gusto mo nang tumayo?"

Ngayon ko lang rin napansin na nakapatong ako kay kuya. Potek na motor iyan! Hindi man lang tumitingin sa daan, maneho nalang nang mameho.

"Sorry naman, 'di ba? May payakap-yakap ka pa kasing nalalaman tapos nadaganan kita, magagalit ka."

"Sinong yumakap sa atin?" Naghahamon ang pagtatanong niya. Oo na, ako na! "Ramdam ko na nga dibdib mo, e!"

"Manyakis 'to, sumbong kita kay mom." Kahit kailan talaga. "Atleast 'di flat kasi ramdam mo." Ngumisi ako. Tinaasan ko siya ng kanang kilay.

"Chest hindi breast."

"Ewan ko sa 'yo!" Nauna na akong maglakad.
Kaaga aga tapos gagalitin ka. May dibdib naman ako. Dibdib? Ches—breast? Pota siya! Nakakainis!

Rinig kong sumigaw siya. "Oy, hinatayin mo ako! Alam mo namang may hang over si kuya!"

"Diyan ka sa chest hindi breast mo!"

"Oo na, ramdam ko na ang de—breast mo!"

Hindi ko na siya pinansin. Nauna na akong maglakad, mabilis din naman akong nakarating sa paaraan. Habang naglalakad ako ay napansin ko si Dominic na nakatayo habang nakapamulsa at nakatitig sa akin. Kinunotan ko ito ng aking noo. Walang makikitang emosyon sa mukha nito. Seryosong-seryoso lang talaga. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na.

Adik siguro.

Nang makarating ako ay wala akong nakitang Amira. Absent o late? Kaso, nakita ko ang bag niya sa kaniyang upuan. Tiningnan ko ang aking isang kaklase at tinanong.

"Si Amira?"

Mula sa pagsusulat nito sa kaniyang kuwaderno ay humarap siya sa akin. "May kinausap, e. I think, her brother." 

"Sige." Sagot ko rito at iniwan ang bag sa upuan. Lumabas ako ng room, baka sakaling makita ko ang babaeng iyon dito sa labas. At hindi nga ako nagkakamali, nandodoon nga, sa bench habang may kausap na lalaki.

Lumapit ako rito, base sa mukha ni Amira ay halatang naiirita. Nakanguso. Tiningnan ko naman ang lalaki, si Elkhurt, siya lang naman ang kuya ni Amira.

"Oy!" Tawag ko rito. Agad naman siyang napaharap. Sumenyas ito na sandali lang.

"Kuya, umuwi ka na kasi. Nandiyan na ang kaibigan ko." 

Ngayon ko lang nakitang ganito ka-seryoso ang mukha ni Elkhurt. Mukhang seryoso talaga ang pinag-uusapan nila. Dapat pala hindi ako nakisingit.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now