Chapter 78:

1.2K 75 26
                                    

Link’s POV

Nakatulog ako mahigit isang oras, pababa ako ngayon sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Hindi ko pa kasi nasisilip si Thrizel. Nang makarating akong kusina, isang babae lang ang nakita ko roon, walang iba kun’di si Arella. Nilibot ko ang aking paningin, mukhang walang si Thrale. Walang bantay dito.

Kaya bago ako pumunta sa lababo, nilapitan ko muna ito. "Kumusta ang noo mo?" Seryoso kong pagtatanong sa kaniya.

"I-I’m okay." Nauutal siya dahil doon ay napangisi ako. Iyan, matakot ka sa akin.

"Hindi mo ba kukumustahin ang pinsan mong si Thrizel?" Napaigtad ito. Wala pa akong ginagawa sa ‘yo. Bakit ganiyan ka na agad magreaksyon?

"I know na ayos na siya dahil nasa tabi ka niya."

"Oh, exactly." Yumukod ako para magkapantay ang mukha namin. "Kapag wala ako rito, kawawa iyon. Saka wala akong pakialam kung may amnesia ka, ang dapat mo lang gawin, umusad sa pagiging isip bata. Nakita ko ang pangyayari no’n sa hardin, pasalamat ka, hindi kita nilalaglag."

"Hindi ko iyon sinasadya." Agad niyang depensa.

Tumalikod ako mula sa kaniya at nagsalita. "Kaya nga umusad ka sa pagiging isip bata, hindi ba?" Hindi na siya nagsalita kaya pumunta na akong sink para kumuha ng tubig. Nang makuha ko lahat, umakyat na ako papunta sa kwarto ni Thrizel.

"Thrizel, wake up." Tawag ko rito nang makapasok ako. Nilapag ko ang aking dala sa study table at nilapitan siya. Nakita ko itong nakatalukbong ng comforter.

"How are you? Ayos ka na—"

Muli kong kinapa ang kaniyang noo dahil sobrang init. Tinanggal ko ang comforter sa kaniyang katawan, doon ko nakitang nanginginig ang buong katawan niya. Namumutla ang mga labi at lupaypay.

"Thrizel!" Muli kong tawag dito. Hindi ko alam ang gagawin, natataranta ako.

"L-Link." Paos niyang tawag. Hirap na hirap.

Wala na akong ibang nagawa kun’di ang buhatin siya palabas. Kailangan niyang madala sa hospital.

Habang pababa ako ng hagdan. Nakasalubong ko si Anissa na takang-taka sa nakita. "What happened, Link?"

"Kailangan madala ni Thrizel sa hospital."

"Okay, okay, I’ll tell to Thrale!" Hindi ko na pinansin ang kaniyang sinabi.

Lumaba na ako ng bahay at dumiretso sa kotse. Hiniga ko si Thrizel sa backseat. "Hey, just wait, okay? Pupunta tayong ospital. I’m sorry kung nakatulog ako, hindi kita nabantayan."

Ang mga mata nito ay malamya, para itong inaantok. "L-Link."

"What? What do you want?"

Kita kong kumibot ang kaniyang labi. May tumulong luha sa kaniyang mga mata. "Where’s my mom?" Barag ang kaniyang boses.

Ramdam kong nasasaktan siya ngayon. Mukhang si Tita Threa ang kailangan nito. Kailangan niya ng may mapagsasabihan at sasandalan. Pero paano? Kung nakaconfined din si tita sa ospital.

"Shhh, I’m here. Ako muna, okay?"

Sinarado ko na ang pinto at pumasok na sa driver seat. Nagmadali akong magmaneho, laking pasasalamat ko dahil walang trapiko.

Nang makarating, binuhat ko agad si Thrizel papasok ng hospital. Walang malay ito ngayon. Sinalubong kami ng hospital stretcher, agad kong hiniga ang aking pinsan na walang malay. Sinundan ko siya papuntang emergency room. Nang makapasok na ang mga nurse, naiwan ako sa labas. Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Umupo ako sa upuan at napahilamos ng mukha. Nag-aalala ako ngayon sa babaeng ‘yon. Hindi ko alam na lalagnatin siya ng ganoon.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now