Chapter 70:

1K 54 11
                                    

Thrale’s POV

Masyado na akong pinaglalaruan ni Ryke, kilala niya ako. Alam niya kung paano niya ako maiinis. Hindi porque kaibigan ko siya, p’wede niya nang kunin ang kapatid ko at dalhin kung saan-saan. Pero... sinabi ko kay Thrizel na malaki na siya, hindi ko na siya kailangang pakialaman. Pero anong pakialam ko? Naiirita ako sa presensya nilang dalawa!

"Argh!"

Binato ko ang unan na nasa aking uluhan. Nalagay ko ang aking dalawang braso sa likod ng ulo para gawing unan. Pumikit ako para pakalmahin ang aking sarili ngunit kahit isipin ko, pumapasok pa rin sa aking isip ang presensya nila Ryke at Thrizel. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ‘to.

"Thrale."

Agaran akong napatingin sa aking pintuan. Nakakapagtaka, sa tagal tagal, ngayon nalang ulit ako tinawag ni Thrizel dito sa aking kwarto. Ano namang kailangan niya? Umiiwas siya sa akin, sigurado akong napilitan lang ito.

"Come in."

Hindi ako tumayo, binalik ko ang aking tingin sa kisame. Rinig ko namang pumasok siya kaya tiningnan ko na ito, gano’n nalang mangunot ang aking noo dahil may dala siyang pagkain.

"Hatiran daw kita sabi ni Ryk—"

"Hindi ko kakainin iyan, ibalik mo ‘yan sa baba." Matigas kong sabi. Napataas ako ng kanang kilay dahil hindi siya kumilos, nakatitig lang ito sa akin ng seryoso. Ayaw pang ilihis ang kaniyang tingin kaya sa huli, ako ang talo.

"Kainin mo raw sabi ni Ry—"

"What if you're the one I'll eat here?" Bigla siyang napaigtad sa aking sinabi. Napangisi ako roon. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin sa kaniya ang pag-amin niya sa aking mahal niya ako. Paano ba magmove on ang babaeng ‘to? Hays, Thrizel, magpatulak ka kay Ryke.

"Sige, ibababa ko na."

See? Kailangan ko pa siyang ganiyanin para sumunod siya sa akin. Alam kong hindi na ito takot sa pagiging strikto ko, takot na ‘to sa mga lumalabas sa bibig ko. Kung ganiyan ka kumilos, Thrizel. Madali kong malalaman ang kahinaan mo.

"Wait." Napatigil siya at muli akong tiningnan. Tiningnan ko ito mula paa hanggang ulo. Seryoso akong nagsalita. "Alam kong magkapatid tayo, may tanong ako."

Dahil sa aking sinabi ay nangunot ang kaniyang noo. "Ano naman iyon? Ibababa ko na ito."

"Anong naramdaman mo no’ng hinalikan mo ako?" Iyan ang gusto kong itanong sa kaniya. Anong pakiramdam na halikan ang isang kuya? Nakakadiri ba? Nakakapangsisi?

"Ikaw? Anong pakiramdam na mahalikan ng kapatid?"

Nagulat ako sa kaniyang pagtatanong. Hindi ko inaasahan na kaya niyang ibalik sa akin ang tanong ko. Nagpakampante ako, nakalimutan kong si Thrizel pala ang kausap ko. Malamang ay gaganti ito at hindi magpapatalo.

"Answer my question first."

Kalmado itong sumagot. "Kaba." Huminto siya. "Kaba naramdaman mo, kuya, ‘di ba?" Dati ay ayaw kong tinatawag niya akong Thrale, ngayon naman ayokong tawagin niya akong kuya. Tsk.

"Wala ka ng pakialam doon."

Kinuha ko ang isang unan at tinaklob sa aking mukha. Naiirita na naman ako, tama siya sa kaniyang sinabi. Kinabahan nga ako, sa oras na iyon, tarantang-taranta. Kasalanan niya iyonnnnn!

"Ako rin, kabang-kaba." Hindi ako nagsalita. "Na may pagsisisi."

Natigilan ako, agad kong tinapon ang unan na nasa aking mukha at hinarap siya. "Ang kapal ng mukha mong magsisi sa akin!" Yes, I shouted at her. "I mean, na halikan mo ako. Dapat ako ang nagsasabi niya, dapat ako ang nandidiri."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now