Chapter 52:

946 61 6
                                    

Thrizel’s POV

Nandito ako ngayon sa aking kwarto, kanina pa ako hindi lumalabas. Hindi ko makalimutan ang sinabi ni kuya. No’ng unang panliligaw ni kuya kay Ate Anissa ay tuwang tuwa ako. Sabik na maging sila pero bakit ngayon? Ibang iba ang pakiramdam ko no’ng una.

Ngayon na nasasaktan ako, hindi ko matanggap. Kahit anong gawin kong paglayo at pag-iwas, bumabalik pa rin talaga itong ibang pakiramdam. Isa nalang siguro ang paraan, ang gumamit ng tao para mawala itong nararamdaman ko kay Thrale pero iisipin ko palang nagaganap iyon, parang nakokonsensya agad ako.

Napatingin ako sa aking pintuan nang may kumakatok. Hindi ako sumagot, pinakinggan ko lang ang bawat katok dito. Nakakatamad magsalita. Hindi katagalan, nagsalita na ang taong nasa labas ng aking kwarto.

"I know you need a rest pero kailangan mo ring kumain, lumabas ka na riyan. Masyado mong dinadamdam ang hindi dapat."

Lagi namang si Link ang nandiyadiyan. Buti nalang dito siya nagbakasyon sa amin. Kung hindi at wala siya rito, baka lumayas nalang ako sa bahay o magmakaawang sumama kay mom. Hays.

Imbis na lumabas ako. Pumunta ako sa aking study table, binuksan ko ang aking laptop at tinawagan si Amira. Ilang minuto pa akong naghintay bago niya sagutin. Abala ba siya? Ngayon lang siya natagalan sagotin e.

"Thrizel, bakit? Sorry huh, naliligo kasi ako e." Naliligo pala saka mukha naman e, basa ang buhok niya.

"Amira..." Nagsalong baba ako sa kaniya. Hindi makuhang ngumiti. Tinitigan ko na lamang ang kaniyang mukha, nakukuha ko pang ngumuso dala ng emosyon ko ngayon.

"May problema ba? Nakasalong baba ka?" Kita ko agad ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Kay Amira lang ako p’wede magsabi ng mga ganito. Dati noong bata ako, kay mom at dad agad ako tatakbo pero kung ganitong sitwasyon ang poproblemahin ko. Huwag nalang siguro.

"Si Thrale..." Mahina ang pagkakasabi ko sa kaniya. Pinatong ko ang aking baba sa lamesa at bumuntong hininga. "Sila na ni Anissa." Nilapat ko ang aking mukha sa mesa, naluluha ako. Ayokong umiyak kay Amira. Ano ba naman ‘to.

"Wow, congrats!" Mabilis akong napatingin sa kaniya dahil sa naging reaksyon nito. Natuwa pa siya?! Sabagay, boto rin naman iyan si Amira kila kuya. Hays, lahat ay nakasuporta sa kanilaaaaa!

Nakita yata ni Amira ang pagsimangot ko kaya napakamot siya sa ulo. Napansin niya yatang ito ang problema ko. Pati siya ay napabuntong hininga marahil hindi rin alam ang gagawin. Kahit sino naman ay namomroblema rito, e! Bakit kasi kailangan kong maramdaman ‘to? Bakit kasi ang dali-dali?

"Ano dapat kong gawin?" Muli akong ngumuso sa kaniya.

Agad siyang sumagot. "Anong dapat gawin? Wala kang dapat gawin kun’di itigil iyan. May girlfriend na ang kuya mo, bilang kapatid dapat mo iyong respetuhin!" Pinagtaasan niya ako ng boses. Seryoso ang kaniyang mukha. "Hindi mo tinawag si Ate Anissa ng ate kanina, ang sabi mo lang ay sila ni Anissa. Kilala kita, halatang may sama ng loob ka sa girlfriend ng kuya mo. Thrizel, lahat nagiging tanga kapag pagdating sa ganiyan pero mali iyang sa ‘yo, kahit saan mo ipagsabi, maling mali! Wake up? Kahit naman pagisingin kita sa maling nararamdaman mo, babalik ka na naman sa ganiyan. Sabi na kapag wala ako mas lalong lalalim ang nararamdaman mo kay Kuya Thrale." Napabuntong hininga siya. "Lagi ka tuloy nandiyan sa bahay niyo. Si Link lang  ang p’wede mong makausap. Araw-araw mong makakasama si Thrale. Mahirap ang sitwasyon mo ngayon, Thrizel."

"Ayos lang naman ako." Umayos ako ng upo at ngumiti sa kaniya. "Tama ka. Dapat ko talagang respetuhin iyon. Salamat, lagi kang nandiyan."

Nang matapos kaming mag-usap ni Amira. Doon lang ako lumabas ng aking kwarto. Nangunot ang aking noo dahil nakita ko si Gio sa dulo ng hagdan namin. Gabi na, hindi pa ba ito uuwi? Napatingin siya sa akin, napansin niya yata ang aking presensya. Nakipagtitigan ako sa kaniya, nawala lang nang tumunog ang aking selpon.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now