Chapter 53:

975 56 16
                                    

Thrizelʼs POV

Walang nagawa si Thrale kun'di ako ang paunahin ang pagligo sa banyo. Ako ang bunso, dapat siya ang magparaya. Ayaw pa niya magpaubaya kanina tapos ako rin pala ang papaunahin. Nyenye.

"Ang bagal mo, Thrizel." Iritable ang kaniyang boses.

Bahala siya riyan. Matagal talaga akong maligo. P'wede namang sa labas nalang siya e.

"Maghintay ka!" Sigaw ko naman mula sa loob ng banyo.

Nagsasabon naman na ako ng katawan at sinigurado kong sinarado ko ang pinto. Nang matapos na akong maligo. Nagsuot na rin ako ng damit sa banyo dahil ayokong matulad muli ang nangyari noong dait. Pahamak na tuwalya at sabon na iyan.

"Oh, I'm done, atat." Sabi ko agad pagbukas ko ng pinto.

Agad namang naglakad palapit si Thrale. Nagkasalubong kami pero hindi ko na ito pinansin pa. Nakadadala kasi ang pangyayaring iyon. Kapag nandodoon ako sa banyo, dapat talagang iwasan ko si Thrale.

Umakyat na ako para mag-ayos. Naghanap na rin ako ng mga dadalhin kong gamit. Sinukbit ko ang aking bag. Kinuha ang sling bag at bumaba na. Nakita ko sila Link at Ate Anissa. Wala pa si Thrale, mas mabagal talaga siya kumilos kaysa sa akin. Kupad.

"Tara na, sa sasakyan nalang natin hintayin si Thrale." Sabi ni Link kaya tumango naman ako. Tinulungan niya rin ako sa pagdala ng aking mga gamit.

Nakapuwesto na kaming lahat. Mamaya ay lumabas na si Thrale, papunta na siya sa sasakyan. Napatingin naman ako sa paligid, doon ko na napagtantong nasa tabi ko pala ang bakanteng upuan pero hindi ko na iyon pinansin pa.

"Usog, Thrizel." Nagulat ako sa boses ni Thrale. Kung ano-ano kasi iniisip ko kaya ganito nalang ako magreaksyon. My god.

Umusog naman ako 'gaya ng kaniyang sinabi.

Ngayon ay magkatabi kaming dalawa. Mukhang mahaba-haba ang byaheng ito. Kinuha ko ang aking earphones at nilagay sa dalawang kong tainga. Ang gaan ng pakiramdam ko kapag nakikinig ng kanta. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang may kumuha ng isang earphones kaya tinignan ko ito ng masama.

Agad kong inagaw ito sa kaniya. "Akin 'to, Thrale. Kumuha ka ng sa 'yo!"

"Gagawin ko kung sa 'yo? Hati tayo, huwag ka ngang madamot." Sagot niya at muling iniligay ang earphones. Wala na akong ibang nagawa kun'di ang umirap nalang. Pansin ko ngayong araw, puro kami pagtatalo.

Tahimik ako sa buong biyahe, ayokong kausapin ang aking kuya baka masipa ko siya palabas ng kotse. Saka nakakapagtaka, puro Thrale ang pagtawag ko sa kaniya. Napapansin niya kayang hindi ko siya tinatawag na kuya?

"Matagal pa ba tayo?" Tanong ni Thrale. Boses niya na naman ang naririnig ko. Ganiyan ba ang epekto ni Anisaa sa kaniya? Ang daldal, grabe.

"Medyo, hijo." Sagot naman ni manang.

Kumuha kami ng driver. Napatingin ako kay Link at Anissa, makatabi silang dalawa. Hindi nag-uusap.

Pumikit nalang ako para kahit papaano ay dalawin ng antok ngunit ramdam ko ang pagtingin-tingin sa akin ni Thrale. Ano ba 'to? Naiilang ako. Kitang nagpapaantok 'yong tao.

"Matulog ka na muna tutal ikaw lang ang gising. Pagkarating natin sa probinsya namin ay gigisingin ko nalang kayo." Dagdag na sabi ni manang kay Thrale.

"Sige po."

Ramdam kong inayos niya ang kaniyang upo at sinandal ang ulo sa bintana. Hindi ko na ito pinansin, bahala na siya sa buhay niya.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now