Chapter 22:

1.5K 74 1
                                    

Thrizel’s POV

Mag-isa akong naglalakad sa hallway. Papunta sa aking silid-aralan, malayo pa ang aking lalakarin dahil nasa ibang edipisyo ako. Inutusan lang naman ako ng guro na nasalubong ko kanina. Angas ‘no? Puro pa ako pagtatanong sa mga estudiyante dahil hindi ko talaga alam. Hindi makapal ang mukha ko para gawin iyon nang paulit-ulit. Kaya sa susunod, ayoko nang sumunod.

Pero may isa pa, ramdam kong kanina pa ako sinusundan ng lalaking ‘to. Pamilyar ang kaniyang mukha pero hindi ko maalala kung anong pangalan niya, ano bang kailangan nito sa akin? Para malaman, nang paliko ang daan, mabilis akong pumunta roon. Tumayo ako ng tuwid at handang harapin ang lalaki, nagcross arm pa ako. Hindi ako nagkamali, sa mismong harap ko ito napahinto, nakaharang ako sa kaniyang daan.

"Anong kailangan mo, Phryx Recas?"

Naalala ko ang kaniyang pangalan nang makita ko ang kabuohan ng kaniyang mukha. Yeah, tama si kuya, gwapo nga ito ngunit walang ka-ayos ayos. Ang suot na uniporme ay lukot lukot. Ang kaniyang buhok ay walang suklay, malaki ang kaniyang eye bags at palagi siyang nakatikom. Pag-iisipan mo itong baliw lalo na’t bigla kang hahawakan tulad nang ginawa niya sa akin.

Ano bang hinahabol sa akin ng lalaking ‘to?

"Don’t blocking my way." Bigla ako nitong tinabig, nagulat ako roon. What? Siya lang talaga ang lalaking nakakapanakit sa akin! Gaya ng pagkulong niya sa akin sa pader!

"Hoy, Phryx Recas, ang dami mong atraso sa akin!" Sigaw ko rito. Salamat naman at nasa dulo kami ng hallway, walang gaanong makakarinig sa amin.

Huminto siya at muling tumingin sa akin. "Anong mga atraso ko sa ‘yo?"

"Please, be a gentleman, lagi kang nakakasakit."

"Sino ka ba?"

"I’m Thrizel Wrent, ang hinahanap mo dati kay Thrale Wrent!"

"Wala na akong pakialam sa ‘yo, sino ka ba para bayaran ko ang sinasabi mong atraso? Masyado kang nagpapatawa." Rinig ko ang kaniyang pagsinghal.

"I hate you." Diretso kong sabi.

"Ano naman? Wala nga akong pakialam sa ‘yo, alangan maapektuhan ako riyan."

Nakikipag-usap siyang nakayuko, minsan ay nakatalikod. Ayaw na ayaw niyang tumingin sa aking mukha. Siguro ay nakasanayan niya na ang gano’n pero wala naman itong pakialam sa akin. Bakit ko pa ba ito binibigyan ng pansin?

"Okay." Sagot ko nalang. Naglakad na ako. Nang makarating sa kaniya ay binangga ko ang balikat nito. Wala siyang naging tugon. Dapat lang, ilang beses niya na akong sinaktan. Nakakainis.

Napaisip ako habang naglalakad. Si kuya Thrale ay kaya akong i-under. Si Ryke ay kaya akong paamuhin. Si Dominic ay kaya akong pag-isipin nang pag-isipin. Si Elkhurt ay kayang kunin ang curiosity ko at si Phryx ay kaya akong saktan physically. Hindi ba p’wede iyang mga personality niyo ay mapunta lang sa iisang tao? Ang hirap kapag ganiyan, literal.

Nakarating naman agad akong silid-aralan. Wala pa ang aming guro. Nilapitan ko si Amira na nakaupo sa kaniyang upuan. Abala ito sa pagsasagot kaya mas pinili ko nalang sumandal at tumingin sa bintana. Isang buwan nalang ang aming pasok, malapit ko na ring matapos ang school year na ito. Thanks.

Kung magbabakasyon na, wala na naman akong gagawin sa bahay kun’di ang pa-ikot ikot lamang. Kung magbabakasyon ako sa iba? Ay, pupunta pala rito si Link kapag natapos ang pag-aaral niya. Buti naman at may iba akong makikitang mukha sa bahay. Kahit papaano ay sumasang-ayon sa akin ang mga ganitong pangyayari.

Nang magbreak time, sabay kaming lumabas ni Amira, lagi naman. Alam kong magkakasalubong namin si kuya, tama ako. Mag-isa lamang ito, sinulyapan niya ako at nilagpasan. Wala naman na iyong kaso sa akin, dapat masanay na akong gano’n.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now