Chapter 10:

3.7K 114 2
                                    

Thrizel’s POV

"Kuya." Saka ako yumakap sa kaniya nang mahigpit at doon umiyak nang umiyak. "Sorry, sorry, sorry hindi ko napigilan ang sarili ko."

Wala siyang naging tugon pero nakayakap siya sa akin. Tuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil dito.

"Where's Ryke?!" Galit na sigaw ni kuya sa loob ng cafeteria. Alam kong nandidito pa rin ang Dean. "Nasaan ang gagong lalaking 'yon?"

"I'm here." Boses ni Ryke 'yon. Gusto ko siyang sigawan dahil ang tanga niya. Bakit pa siya nagpakita kay kuya?

Dahan-dahang tinanggal ni kuya ang mga braso kong nakayakap sa kaniya. Sa isang iglap ay biglang sinuntok ni kuya si Ryke. Si Ryke naman ay napaupo sa sahig, nakangising nagpupunas ng labing may dugo.

"Fuck you, bastard!"

Biglang tumayo si Ryke at binawian ng suntok si kuya. Tanging panonood na lang ang nagawa ko, hindi ko sila nagawang pigilan.

"Stop!" Sigaw ng Dean na halatang galit na. Inutusan ang dalawang guards na pigilan ang dalawang lalaki 'to.

Maya-maya ay may humawak sa aking braso, tiningnan ko ito at si Amira. Ngumiti ito sa akin ngunit tinanguan ko lang.

"Ang tanga mo talaga, Thrale!" Sigaw ni Ryke kay kuya habang pinipigilan siya ng isang guard. "Kung hindi ko pa sasabihin kay Thrizel, hindi niyo pa malalaman? Pinoprotektahan mo ba talaga ang kapatid mo? O nagpapakakuya ka lang na hindi magawa ang tungkulin niya? Alam mo? Hindi ganiyan ang kuya! Under na under ang kapatid mo sa 'yo! Ni hindi niya magawa ang gusto niyang gawin! Selfish ka! Bakit hindi mo hayaang sumaya ang kapatid mo sa iba? Dahil ba, gusto mo na sa 'yo lang ang atensyon niya? Anong klase kang kuya? Hindi sa lahat ng oras ay magkasama kayo! Hindi sa lahat ng oras ay kailangan ka niya dahil dadating ang araw na ikaw ang mananakit at magpapaiyak sa kapatid mo!" Matigas na sabi nito at pabalibag na tinanggal ang mga kamay ng guard na nakahawak sa kaniya. Galit itong lumabas sa cafeteria. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.

Napatingin ako kay kuya. Walang ibang naging kilos 'to, tanging nakatulala lang. Titig na titig sa kung saan ang pwesto ni Ryke kanina. Ang mga kamao niya ay nakayukom pa rin. Ang galit niyang ekpresyon kanina ay dahan dahang nawala.

"Kuya," usal ko sa kaniya at hinawakan ang kamay pero ayaw niya akong pansinin. "Kuya, hayaan mo na 'yon si Ryke." 

Wala pa rin siyang naging kilos. Maya-maya ay dumating si ate Anissa at hinawakan ang dalawang pisngi ni kuya.

"Thrale, anong nangyari sa 'yo? Gamutin ko muna ang sugat mo."  Doon lang lumingon si kuya nang marinig niya ang boses ni ate Anissa. Tinitigan niya muna ito sa mukha bago yinakap nang mahigpit, napagilid naman ako.

"Follow me, we need to talk." Matigas na sabi ng Dean sabay labas. Sumunod naman ang ibang mga guro doon.

"Ayos ka lang ba, Thrale? Gagamotin ko muna 'yan." Mabilis na sumunod si kuya kay ate Anissa. Nang lumabas silang dalawa ay sumunod naman kami ni Amira.

Halos manlaki ang aking mga mata habang naglalakad kami sa hallway. May mga nakadikit na papel at nakasulat ang 'TRIZHEL WRENT IS A KILLER'. Nang mabasa ko 'yon saka ko lang napagtanto na masama ang tingin ng mga estudiyante sa akin.

"Sino namang punyetang naglagay niyan?!" Inis na sabi ni Amira habang tinatanggal ang ibang nakadikit.

Tiningnan ko si kuya, napahinto siya at tiningnan din ang mga nasa pader. Akala ko ay magagalit siya pero hindi, nagpatuloy lang ito sa paglalakad na parang walang nabasa. Parang ang sikip tuloy ng ginagalawan ko, parang bawat kilos ko ay sinusuri nila. Malaman ko lang talaga kung sinong naglagay niyan.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now