Chapter 30:

1.3K 62 1
                                    

Thrizel’s POV

Natapos din naman ang aming pagiging exchange students. Salamat naman dahil hindi ko na makikita si Blue dahil alam kong gaganti iyon sa akin. Siya ang nanguna at sigurado akong hindi siya magpapatalo. Ewan ko kung anong naisip no'n at nakuhang makipaglaro sa akin. Pagiging isip bata na yata ito dahil pinatulan ko? No, naglalaro lang naman kami.

Nandidito ako sa aking kwarto, matamlay. Matapos kami naming magkita ni Phryx, pag-uwi ko ay hindi na maganda ang aking pakiramdam. Feel ko lalagnatin ako kahit anomang oras. Mamaya kami pupunta sa kaarawan ng SSG President at sigurado akong hindi papayag si kuya na hindi ako sumama. Ayaw niyang maburyo ako rito.

Kailangan kong matulog para makapahinga, pagod lang yata ako. Baka umayos ayos ang aking pakiramdam kapag natulog ako. Pumikit na ako. Medyo nahirapan pa ako sa pagtulog ngunit ‘di kalaunan ay tuluyan na akong bumagsak.

Nagising lamang ako nang maggabi na. Nakita ko si kuya’ng nakatayo sa aking pintuan, nagsalita ito. "Kumain ka na at mag-asikaso."

Tumayo na ako pero gano’n nalang akong mapaupo muli sa kama dahil kumirot ang aking ulo. Hays, naging malalala pa yata. Hindi ko na ininda iyon at tumayo na, dumiretso akong kusina. Nakita ko si Manang Perry na naghahain, ngumiti ako sa kaniya. Nandito rin si kuya pero mukhang nagmamadali ito.

"Late na ba tayo?" Tanong ko sa kaniya. Umupo ako at nagsimula nang kumain.

"Yes, kaya bilisan mo."

Tumango na lamang ako sa kaniya. Nang matapos ay umakyat na ako sa taas para mag-asikaso. Ang suot kong damit ay red dress lang, bagay naman ito sa akin dahil maputi naman ako. Ayoko ng pumorma, wala naman ako sa magandang kondisyon. Kinuha ko na ang aking sling bag at bumaba.

Nakita ko sa kuya’ng naka-formal attire. Aaminin kong gwapo siya sa kaniyang suot pero tinatamad akong puruhin siya kaya tiningnan ko nalang ito.

Nang makalapit ako, nagtanong ako. "Ayos lang ba ang suot ko?"

"Yes, mas maganda ng ganiyan. Let’s go, Thrizel."

Nagpaalam muna ako kay Manang saka na sumunod kay kuya. Sa backseat ako sumakay dahil alam kong dadaanan namin si ate Anissa, hindi nga ako nagkamali. Huminto siya sa bahay ng kaniyang nililigawan, lumabas si ate Anissa. Pati si kuya ay lumabas ng kotse para pagbuksan ito ng pinto. Siya passenger seat siya umupo.

"Hi, Thrizel, good evening." Matamis na ngiti ang kaniyang binigay sa akin.

Nakakabelieve talaga siya kahit alam niyang may sakit ang kaniyang nanay, nakukuha niya pa ring magganiyan. Kaya siguro gano’n nalang siya kamahal ni kuya.

"Hello po." Ngiti kong ganti.

Wala na kaming naging pag-uusap hanggang sa makarating. Labas palang ay alam mo ng maraming tao. Bumaba na kaming tatlo at pumasok sa loob. Agad kaming binungad ng may kaarawan. Hindi ko mabanggit ang kaniyang pangalan dahil hindi ko alam.

"Nice nice." Sabi nito nang makita si kuya. "You came, dude."

"Of course, happy birthday." Sagot ni kuya Thrale at may binigay na regalo. Agaran siyang nagpasalamat. "This is Anissa, hahaha." Tumango ito. "And my sister, her name is Thrizel, Gio."

Gio is his name.

"Hi, Thrizel." Baling niya sa akin.

"Hello, happy birthday." Pilit akong ngumiti kahit masama ang aking pakiramdam.

Salamat nga hindi ako hinahawakan ni kuya dahil mararamdaman niya. Iginaya kami ni Gio kung saan ang aming puwesto ngunit nakita ko sila Amira at Elkhurt kaya hinawakan ko si kuya.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now