Chapter 48:

955 64 3
                                    

Thrizel’s POV

Nang maghapon ay umuwi na kami ni Link. Malapit lang naman ang parke sa bahay kaya nakauwi agad kami. Tiningnan ko siya dahil kanina pa nakakunot ang kaniyang noo, simula nang bumili siya ng tubig. Ang wirdo niya rin talaga minsan, I asked him kung may problema ba kaso ngumiti lang ito at umiling. Wala raw pero ganiyan siya ngayon.

"Are you okay?" Muli kong tanong, hindi ako mapanatag. Gusto kong alamin kung anong gumugulo sa kaniya.

"Pasok na tayo." Nilagpasan lang ako nito. Napabuntong hininga ako at sumunod nalang sa kaniya.

Nang makapasok, hinanap agad ni Link si Thrale. Bakit? May nagawa ba si kuya? Kita ko namang pababa si Thrale ng hagdan, kunot noong tiningnan si Link.

"Why?"

"Sino ‘yong kasama mong babae kanina?" Agad na tanong ni Link. Iyon ang bumabagabag sa kaniya?

"Babae?" Inisip pa ni Thrale kung ano ang tinutukoy ni Link. "Buong maghapon kong kasama si Anissa."

"I saw you." Matigas na sabi pa nito. "Kanina, sa parke. Nakaput—" Hindi natuloy ang sasabihin ni Link nang lumabas si ate Anissa. Nakaputi itong damit, iyon dapat ang sasabihin ni Link.

"I told you." Seryosong sabi ni Thrale.

"Anong ginagawa niyo sa oras na ‘yon?" Link asked Thrale again.

"Sa park ba?" Nagsalita si ate. Humarap ito kay Link. "Sabi kasi ni Thrale ay sundan namin kayo, akala ko ay makikibonding si Thrale sa inyo kaso ewan ko rito, biglang nagyaya umuwi e."

Nang sabihin iyon si ate, agad akong napatingin kay Thrale. Medyo nagulat pa ako dahil nakatingin din pala ito sa akin ng seryoso. Iniwas ko ang aking paningin dahil alam kong wala siyang balak iwasan. Tutok na tutok talaga siya sa akin.

"Seriously?" Hindi ko mawari kung nagagalit ba si Link o hindi. Natatawa siya dahil sa nalaman. "Delikado ka na." Tinapik niya ang balikat ni kuya saka kami iniwan.

Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin. Si ate Anissa ay nagtataka naman habang si kuya ay nananatiling nakatingin sa akin. Hindi niya pa ba iyan aalisin? Kanina pa ako naiilang.

"Anissa, go to your room." Seryoso pero may paglalambing ang boses niya sa pag-uutos dito.

"W-Why?" Sa oras na ito, puno na ng pagtataka si Ate Anissa. Umalis siya pero hindi patungo sa kaniyang kwarto kun’di sa labas.

Akala ko ay susundan siya ni kuya pero hindi, sinundan niya lang ito ng tingin. Mukhang may kailangan talaga siya sa akin.

Thrale’s POV

Napabuntong hininga ako dahil sinabi ni Anissa ang dahilan kung bakit kami pumunta roon, hindi ko siya nasabihan kanina. Ngayon ay kami nalang dalawa ni Thrizel, hindi ko talaga inalis ang tingin ko sa kaniya. Gusto ko siyang suriin.

"Punta na ako sa kwarto, Thrale."

Naglakad siya ngunit hinawakan ko siya sa pulsuhan, wala siyang naging galaw. Naiinis talaga ako kapag tinatawag niya ako sa pangalan. Nakakairita sa pandinig.

Nagsalita siya nang hindi sa akin lumilingon. "Anong kailangan mo?"

Natigilan ako roon, ano nga bang kailangan ko sa kaniya? Basta sa oras na ‘to, naiinis ako, naiirita. Para bang ako ang talo sa pinag-usapan kanina. Para bang kasalanan iyon ni Thrizel.

"Anong ginagawa mo sa akin?" Iyan ang lumabas sa aking bibig. Gusto kong malaman ang sagot.

Napaharap siya ng puno ng pagtataka. "Huh?"

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now