Chapter 12:

3.6K 130 12
                                    

Thrizel’s  POV

Hawak-hawak ko ang aking ballpen habang nagtutuktok sa desk kakahintay ng oras. Ang tagal naman matapos ng asignatura na ito, makikipagkita pa ako kay Dominic.

Lunch break namin ang 1:00 pm, ang tagal magbell. Nakatitig lang ako sa kawalan dahil wala rin naman akong maiintindihan sa tinuturo ng aming guro about sa dressmaking, iyan na yata ang pinakanakakatamad na pinapagawa.

Hanggang sa magbell.

Salamat naman.

Tumayo na ako at niligpit ang aking mga gamit. Lumapit pa si Amira sa aking pwesto para tanungin ako.

"Makikipagkita ka ba kay Dominic?" Tanong nito sa akin.

"Oo."

"Baka pinagtitripan ka lang no'n. Hindi ako makakasama dahil may assignment tayo sa math about Law of Cosine, papakopyahin na lang kita basta bilisan mo baka malate ka."

"Sige, una na ako." Saka na ako lumabas ng aming room. May isang oras kami ni Dominic na mag-usap bago bumalik sa klase.

Mabilis na ang naging takbo ko papunta sa rooftop. Pagkarating ko roon ay wala pa si Dominic. Gusto ko siyang tawagan o i-text kaso wala akong cellphone number niya. Naghintay pa ako ng ilang sandali kaso wala pa siya. Niloloko lang ba ako ni Dominic? Seryoso siya kahapon kaya alam kong dadating iyon.

"Sorry, I’m late." Sabi ni Dominic na kakarating lang. Magulo pa ang buhok nito at nakapamulsa siya kaya aaminin kong ang gwapo niya sa ganoong style.

"A-Ah, okay lang." Bakit ba ako nauutal?

"Tara na? Kailangan nating lumabas sa paaralan at magtago."

Nanlaki naman ang aking mga mata sa sinabi niya. "Huh? Tayo? Magtatago? Lalabas ng school?"

Tumingin ito sa kawalan at bumuntong hininga. "Lalabas tayo ng paaralan para puntahan ang bahay ni Kristina Altejano dahil kakausapin natin ang nanay niya. Kaya tayo magtatago dahil maraming magagalit na babae sa 'yo at higit sa lahat pagkakamalan nila tayong..."

Okay. Nakalimutan kong heartrob pala 'tong si Dominic. Malamang ay maraming babae na naman ang makukuha niyang atensyon. Saka bawal kami magpakita, ako na naman pag-iinitan kung bakit ko kasama ang crush nila.

"Let's go?" Pagyayaya niya. Tumango naman ako kaya bumaba na kami. Si Dominic ang nasa una, ako naman ay nasa likuran niya. Magaling naman ako sa ganito kapag tinatakasan ko si kuya.

Patingin-tingin ako sa paligid. Malikot ang aking mga mata kaya nagulat nalang ako nang mabangga ako sa likod ni Dominic. Nauntog ang mukha ko sa likod niya, sabagay mabango naman siya.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo." Medyo inis na sabi niya pero nandoon pa rin ang pagkacool. Kahit sino ay maiinlove sa mokong na 'to. Pero iba ako! Hindi ako mahuhulog dito.

"Hoy! Tara na?!"

Nagising nalang ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Dominic. Nandoon na pala siya sa kabilang hallway. Tanga ko 'no? 'Di ko man lang siya naramdaman. Wala na akong nagawa kundi tumakbo sa direksyon niya. Pagkarating ko ay isang guro agad ang humarang sa dadaanan namin ni Dominic.

"Lunch break, 'di ba dapat nasa cafeteria kayo?" Tanong sa amin ni ma'am Dellara na nakataas ang isang kilay.

"Inutusan ho kasi kami ng SSG President na kuhain ang requirements sa third floor dahil nadodoon ang secretary." Palusot ng kasama ko. Hindi niya na hinintay ang sagot ni ma'am Dellara. Kinuha niya ang aking kamay at hinawakan iyon sabay takbo. Hindi naman na umangal ang guro, halata namang kilala ni ma'am itong kasama ko kaya malaki ang tiwala.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now