Chapter 24:

1.3K 66 0
                                    

Thrizel’s POV

"Kailan pa naging ganito ang oras ng uwi ng babae, Thrizel?" Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong naka-abang si kuya sa main door namin. Kung titingnan, kanina pa siya naghihintay.

Wala akong naging salita. Dire-diretso lang akong naglakad papasok ngunit bigla ako nitong hinawakan sa pulsuhan. Alam kong gagawin niya iyon kaya hindi na kataka-taka sa akin.

"I’m asking you." Matigas pa nitong dagdag. Ewan, nang makarating kami sa bahay bigla akong nawala sa mood. Parang bumigat ang pakiramdam ko.

Humarap ako kay kuya, walang gana akong sumagot dito. "I’m tired, I’m going to sleep."

"You have not eaten yet!" Pigil niyang sigaw. Sabi ko ay pagod ako, mas lalo tuloy bumigat ang aking pakiramdam sa panenermon niya.

"I’m not hungry." Muli akong naglakad. Sumunod siya sa akin pero hinayaan ko nalang. Nang papasok ako sa aking kwarto, tiningnan ko siya. "Papasok ka rin ba?"

"Yes, kaya kong pumasok sa kwarto mo."

Nangunot ang aking noo. "I’ll take off my clothes, I’ll take a bath. Bumalik ka na sa kwarto mo at matulog."

Napanganga ako dahil walang pasintabi na naman itong pumasok sa aking kwarto. Nahiga siya sa aking kama at saka tumingin sa akin. Kunot noo akong pumasok sa loob, binaba ko ang aking bag sa study table.

Muli akong humarap sa kaniya. "Kailan pa kita naging body guard, kuya? Seriously? Babantayan mo ako?"

"I’m not." Angal niya agad. "Aalis lang ako rito kung sasabihin mo sa akin kung saan ka galing. I texted Amira and Ryke, ang sabi nila hindi ka nila kasabay. Now, Thrizel, tell me, where have you been?"

"I want to sleep, go to your room, kuya." Lumapit ako sa kaniya para ayusin ang aking higaan kaso ang kapal talaga ng lalaking ito, hindi tumayo.

Pumunta na akong closet para maghanap ng aking damit. Pumasok na akong banyo at naghalf bath. Nakadamit na akong lumabas dahil alam kong nakahiga pa rin si kuya. Hindi nga ako nagkakamali, nakabantay talaga siya sa akin.

"Matutulog na ako, hindi naman ako gutom." Ulit ko panpaalala rito. Mukha kasing wala siyang balak umalis.

"Again, where have you been?"

Hindi ko siya sinagot. Humiga ako sa kama ng medyo malayo sa kaniya. Pumikit na ako, ngayon lang talaga ako napagod. Gusto ko nang magpahinga kaso sobrang likot ng taong nasa likod ko. Binabangga ako nito, halatang ayaw ako patulugin.

"Kuy—" Napatigil ako sa pagharap sa kaniya. Nakakagulat naman kasi, ang lapit ng mukha niya at nakatingin pa sa akin. Mukhang nagkasabay kami, buti nalang mabilis akong huminto.

"Lumabas ka na, I can’t sleep because of you."

Bumuntong hininga siya at muling nahiga. Nahiga ako nang paharap sa kaniya at tumingin dito. "Dito nalang ako matutulog." Wow, first time. Anong nakain nito?

"Ikaw bahala."

"Btw, Thrizel, our cousin, si Link." Pagbubukas miya ng usapan.

"Oh, anong mayroon doon?"

"Is he a gay?"

"Huh?" Pagtatanong ko agad. "Pinagsasabi mo? Malamang lalaki iyon, abnormal."

"E, bakit noong nasa bahay nila tayo tingin siya nang tingin sa akin?" Ngumuso ito. "Hindi ko alam kung anong sadya no’n kung bakit laging nakatitig. Ang nakakainis pa ay parang sinusuri ang buong pagkatao ko. May gusto siguro iyon sa akin."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now