Chapter 6:

4.3K 128 0
                                    

Thrizel’s POV

Nasuspende ang pasok namin ngayong araw. Kaming tatlo ang pinapunta sa paaralan para magbigay ng mga impormasyon, kami kasi ang nakakita. Kitang-kita namin kung paano balutan ng puting tela ang babaeng patay na. Ayon sa pulisya, kaya raw hindi ka-pansin pansin na may nagbigti sa kwartong iyon dahil iyong nakaraang gabi lang nagbigte ang dalaga.

Kaya malabong may makaalam lalo na't hindi pa bumabaho. Buti nga ay nakita agad. Sa daming dumaan sa stock room ay walang nakapansin, siguro kaya walang nagtangkang pumasok doon ang akala ay nakasarado. Wala naman daw suspect dahil halatang nagsuicide ang babae. May upuan sa kaniyang paahan at nakapaloob ang hawak ng babae sa lubid. Kung nakahawak lang ito sa lubid ay halatang may pumatay pero hindi. Wala rin namang bakas na finger prints.

May mga nakalap naman ang mga pulis about sa babae. Base rin sa personality ng babae ay tahimik. Lagi rin itong binubully ng mga estudiyante, siguro ay hindi kinaya. May mga titser din naman dito na nakakakilala sa dalaga, mga kaibigan din. Iyak naman nang iyak ang yaya ng babae. Ewan ko kung nasaan ang mga magulang nito, walang binanggit.

Hindi na rin pinakalat pa ang pangyayaring ito. Tanging mga nandidito lang ang mga nakakaalam. Ayaw rin ng mga magulang nito ipakalat ang sinapit ng kanilang anak. Sinisisi nila ang kanilang sarili dahil naging pabaya sila.

Siya si Kristina Altejano.

"Hindi ba siya nanghihinayang sa buhay niya?" Biglang usal ni Amira sa aking tabi. Nakita ko rin si manong Ello na kausap ang mga pulis, kakatapos lang kasi kami kausapin.

"Depressed siguro." Sagot ko rito na may halong pagtataka. Nagtataka pa rin kasi ako. Bakit siya nagpapakita sa akin? Tiningnan ko kasi ang mukha niya kanina, magkamukha sila ng multo. Oo, multo. Multo iyon.

Lumapit sa amin si Chief. "Maraming salamat sa mga binigay niyong impormasyon, Ms. Wrent at Ms. Aqullion."

"Welcome, chief," sabay na sabi namin ni Amira.

Naglakad na kami palabas ng paaralan. Kakaunti lang ang tao dahil wala ngang pasok. Nakita pa namin ang guard nito na natutulog. Hay naku.

Pumara na kami ng taxi, ang unang pumasok ay si Amira. Papasok na sana ako ngunit ganoon nalang akong natuptop sa aking kinakatayuan nang makita ko si Kristina sa tabi ng guard na natutulog. Dahan-dahang may sumilay na ngiti sa labi nito habang nakatingin sa akin.

"Miss, riyan ka nalang?"

Doon ako napapasok sa loob nang magsalita ang taxi driver. Akala mo naman hindi kami magbabayad.

"Parang may kakaiba sa 'yo? Kanina ka pa, ah?" Puna ni Amira.

Napabuntong hininga ako ritong humarap na may halong pagtataka. "Bakit sa dinami-dami na pagpapakitaan ni Kristina ay sa akin pa? Diyan ako naguguluhan."

"Huh? Pagpapakitaan?"

"Naalala mo 'yong sinabi ko na may pumasok sa pangatlong abandonadong kwarto. Same uniform and grade level?"

"Oo, 'yong nag-usap tayo."

"Si Kristina 'yon, Amira. Siya 'yong pumasok doon sa pangatlong room."

"Ang sabi ng pulis, 'di ba? Noong nakaraang gabi pa siya namatay. E, sino 'yong nakita mo? Huwag mong sabihin na..."

"Tama ang nasa isip mo. Patay na nga si Kristina sa oras na 'yon, nagpapakita siya sa akin. Ang pinagtataka ko, bakit sa akin?"

Halata naman sa mukha ni Amira ang natakot. "Ewan ko rin, Thrizel. Bakit nga ba sa 'yo?"

"Dahil alam niyang ikaw lang ang makakatulong sa kaniya." Biglang sabat ng taxi driver. "Nabalitaan ko ang nangyari diyan sa loob ng Circuim High School. Malamang siya na ang nagdala sa 'yo para makita mo siya."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now