Chapter 60: Confession

1.7K 68 18
                                    

Brooks POV

"E, anong sinabi ni kuya?"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtatanong ni Thrizel. Nandito kami ngayon sa pinagparkehan ko kanina ng kotse.

Sumandal ako sa harap nito. Pinaikot sa daliri ang susi bago siya sinagot. "Sa tingin mo, anong sinabi niya?" Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil nag-iisip ito. Masyado niya talagang kilala si Thrale, hindi na kataka-taka kung bakit nagtatanong siya ngayon.

"Uhm, ano ba, ako nagtatanong!”

Napatawa ako nang mahina dahil sa reaksyon niya. May red days ba ito? Kanina pa kasi ako nito sinusungitan. Parang ayaw niya akong kasama e. Isako ko ‘to.

"Pumayag naman siya, may tiwala iyon sa akin. Nagtataka nga siya kung bakit kita niyaya for a date, sabi ko friendly date." Bigla akong humalakhak sa aking naisip. Potek. Ang corny ko pala.

"Friendly date, mayroon ba no'n?"

"Oo, itong atin." Tinalikuran ko na siya at pumasok na sa kotse. "Sakay na, hindi kita pagbubuksan ng pinto. Minsan lang kasi ako dapuan ng pagkagentleman. Pasensya, huh?"

"Maputulan ka sana ng kamay.”

Masama ang loob nitong umupo sa passenger seat. Natawa naman ako sa kaniyang pagdadabog. See? May red days ito, panigurado. Sobrang sungit.

Nagmaneho na ako, binabalingan ko si Thrizel kung nabuburyo ba ito. Nakatingin lamang siya sa labas, ayaw magsalita. Base sa kaniyang pagcross arm, pakiramdam ko ang lalim ng iniisip niya. Sabagay, kahit ako hindi makamove-on noong nakaraang pangyayari.

Paano nalaman ng pinsan nilang nagkagusto kaming lima sa iisang babae? Nakakamangha ang pagiging matalino no'n pero sabi niya nga, kaibigan niya si Dominic. Iyon yata ang kaeskwela ni Thrizel. Hindi ko pa nakikita ang lalaking 'yon, kilala ko lang siya sa kaniyang pangalan. Siguro matagal na itong nagmamanman sa amin. Pero anong dahilan niya para alamin ang nangyayari sa aming buhay? Bakit pati iyon ay kailangang ilabas noong nakaraang araw? Masyado silang pakialmero.

"Nga pala, nagtataka ako. Bakit hindi mo ako magawang ipagtanggol kay Blue?" Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko na naman ang boses ni Thrizel. Sinulyapan ko siya, seryoso ang kaniyang mukha.

"Si Blue? 'Yong alaga ko?"

Hindi naman kami madalas magkita no’n. Magkikita lang kapag pupunta kami sa boxing area o sabihing tambayan na rin namin. Mukha lang akong adik pero kung sa aking limang magkakaibigan, ako ang mangunguna sa kagwapuhan.

"Yes."

"Masyado naman akong isip bata kung papatulan ko ang batang 'yon."

"Wow. E, siya? Bakit ako ang trip niya?"

"E, isip bata iyon." Simple kong sagot.

Rinig ko pa ang kaniyang pagsinghal pero hinayaan ko na. Malaki na si Blue, hindi niya na kailangan ng aking pagbabantay. Bahala siya kung anong gagawin niya sa buhay, marami na siyang nagawang kasalanan at kahit kailan, hindi ako sumabit. Mabuti.

Nagmaneho pa ako ng ilang minuto bago makarating sa pupuntahan namin. Nagparke ako at bumaba. Pinagbuksan ko ng pinto si Thrizel baka magdabog na naman ito.

Kunot noo niyang nilibot ang kaniyang paningin. Humarap sa akin saka nagreklamo. "Dito na naman tayo? Brooks, hindi ako mahilig sa suntukan. Saka noong nakaraan, grabe sila makatingin sa akin."

"Ngayon lang kasi sila nakakita ng maganda." She rolled her eyes, ayaw pa sabihing kinilig sa aking sinabi. "Saka don't worry, habang kasama mo akong pumunta rito, walang kahit sinong hahawak sa 'yo."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now