Chapter 38:

1K 66 4
                                    

Thrale’s POV

Kakatapos lang ng libing ng nanay ni Anissa ngunit nandidito pa rin kami sa sementeryo. Nakatingin ako kay Anissa na nakaupo pa rin sa bermuda grass, iyak siya nang iyak. Hindi ko naman siyang magawang iwan dito.

"Anissa, umuwi na tayo." Kanina ko pa sinasabi iyan sa kaniya ngunit ang laging sagot niya ay mamaya nalang. Siguro ay samahan ko nalang siya rito, naiintindihan ko naman kung bakit siya ganiyan ngayon.

"Hindi ka pa ba nagugutom?" Kanina pa talaga kami nandidito. Ang mga tao ay wala na, ang mga nakilibing. Kakaunti na lamang. Nagugutom na rin ako.

Inilibot ko ang aking paningin. Nakita ko ang kotse ni Link, alam kong sa loob no'n ay nandodoon si Thrizel. Sabi ko ay mauna na sila pero mas pinili nila kaming hintayin ni Anissa.

"I'm not, Thrale." Mahina niyang sagot.

Kumuha ako ng upuan at umupo roon. Binantayan ko na lamang siya. Isang oras pa ang lumipas, nandidito pa rin kami. Siguro ay mahirap talagang mawalan ng magulang, nararamdaman ko ‘yon kay Anissa. Intindihin ko nalang ang aking nobya. Sa oras na ganito, she needs me.

Napatingin ako nang bumukas ang pinto ng sasakyan ni Link, bumaba roon ang aking kapatid. Napapikit siya dahil tinamaan siya sa mukha ng sinag ng araw. Nang maging maayos ang paningin, agad itong tumingin sa amin. Naglakad siya papalapit.

"Sobrang init na, wala pa kayong balak umuwi?" Seryoso ang kaniyang pagtatanong. Mula kasi kanina ay ramdam ko nang wala ito sa magandang kalagayan. Hindi ko naman alam ang kaniyang dahilan. Iba siya kapag nagtatampo, iba siya kapag wala sa mood. May problema siya kapag gano’n.

Tumayo na si Anissa, humarap ito sa‘ming dalawa. "Let's go, Thrizel, Thrale." Maga ang kaniyang mata. Halatang umiyak siya nang umiyak.

Inalalayan ko siyang maglakad. Pinauna kami ni Thrizel, nakasunod siya sa amin ngayon. Sa kotse kami ni Link sumakay, sa backseat kaming dalawa ni Anissa, sa passenger umupo si Thrizel.

"Hi, Anissa, magiging ayos ka rin." Ngumiti naman ito ng pilit dito ang aking nobya.

Nag-umpisa nang magmaneho si Link. Tahimik lang kami, wala si Amira na madaldal, si Link naman ang pumalit. Panay ito pagtatanong kay Thrizel.

"Hmm? E, kailan ba uuwi sila Tita Threa?" Nangunot ang noo ng aking kapatid, kita ko iyon sa salamin. Para bang may ibang binanggit sa kaniya si Link.

"I don’t know, Link." Sagot niya, maayos ang boses. Maayos naman kasi ang pakikitungo sa kaniya ni Link, ayaw niya itong idamay sa pagkakawala niya sa mood.

"By the way, anong ginagawa mo kahapon sa coffee shop?" Nangunot ang aking noo dahil sa tanong nito. Nagpatuloy siya. "I can locate you. I can track your cellphone number, Thrizel."

Ewan ko kung nananadya si Link. Bakit kailangan niya ngayon itanong kung kailan kasama nila kami. Pero ayos na ‘yon, alam ko na kung saan galing itong kapatid ko.

"Meeting someone." Tipid na sagot ng aking kapatid.

Tumingin siya sa labas ng bintana. Alam kong hindi na siya mapakali dahil may nalaman ako kay Link na hindi niya sinabi sa akin kahapon.

Tumikhim ako at nagtanong. "Someone?" Nasa harap ko lang siya. Tiningnan ko ito kahit nakatalikod, hinihintay ang kaniyang sagot.

"Labas ka na ro’n."

"Tsk."

Nagsalita naman si Anissa. "Malaki na si Thrizel, alam niya na ang kaniyang ginagawa. Alam kong ang protective niyong dalawa pero hindi sa lahat ng oras ay gano'n."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now