Chapter 13

3.5K 124 3
                                    

Thrizel’s POV

"Bakit ka naman nagtaka na may gustong tumulong sa akin? 'Di ba dapat masaya na tayo no'n dahil hindi na tayo mahihirapan. Halata kasi sa reaksyon mo kanina ang gulat at hindi makapaniwala." Sabi ko kay Dominic habang naglalakad kami papasok sa loob ng paaralan.

"Huh?"

Napasimangot ako. "Sabi k—"

"Hindi talaga ako makapaniwala." Biglang sabi niya at nagpamulsa. "Dahil hindi nga ikinalat iyon, 'di ba? Bakit may nag-imbestiga? Sariling pamilya na ni Kristina Altejano ang nagsasabing huwag ipakalat."

"So? Nagtataka ka kung bakit may nag-imbestiga dahil wala naman nakakaalam no'n?"

Tumango naman siya. "Saka paano nakapasok ang nag-imbestiga sa loob ng school? Pinagbabawala—"

"Hayaan mo na iyon, basta ay ayos na ang problema ko." Saka na kami nakapasok sa loob. Hanggang ngayon ay tulog pa ang guard. Mapapatanggal din 'to balang araw. 

Rinig ko pang bumuntong hininga si  Dominic bago magsalita. "Curious ako kay Mr. X. Sino kaya iyon? Para kasi siyang misteryoso sa aking palagay."

"What do you mean?"

"Dalawa kasi ang nasa isip ko, e." Ngayon ay nandidito na kami sa hallway patuloy pa rin sa paglalakad. "Maaari nag-imbestiga siya para makuha ang hustisya ng biktima o kaya maaaring nag-imbestiga siya para malinis ang iyong pangalan."

"Taas din ng intelligence quotient mo, ano?"

"Naiisip ko lan—"

Sabay nanlaki ang aming mga mata ni Dominic at tumingin sa aming paligid.

"Waaahhh! Tumatalon ang aking puso!"

"Si Dominic, besh!"

"Ang gwapo niya, huhuhu!"

"Iinomin ko lahat ng tubig sa dagat kapag pinansin ako niyan!"

"Wait—bakit kasama niya si Thrizel?!"

"Don't tell me..."

"SILA?!"

"Takbo!" Tumakbo kaming dalawa ni Dominic dahil nagsipuntahan sa aming pwesto ang mga obsessed girls.

Hingal kaming parehong napasandal sa pader. Sinilip ko pa kung nakasunod ngunit wala na kaya naman humarap ako sa kasama ko.

"Salamat, ah?" Ngumiti ako rito. "Dahil tinulungan mo ako."

Ngumisi siya sa akin at tumalikod na. "Wala 'yon, bumalik ka na sa klase mo." Sinundan ko pa siya ng aking paningin hanggang sa mawala.

Nag-umpisa na akong maglakad. Habang naglalakad ako ay hindi makawala sa aking pandinig ang kanilang mga pinagbubulungan.

"Grabe naman 'yong student na 'yon."

"Ang balita ay matalino raw 'yon pero bakit gano'n?"

"Ano na kayang mangyayari roon?"

"Si Dean na ang bahala sa kaniy—"

"Thrizel! Thrizel! Thrizel!" 

Napalingon ako sa tumawag ng aking pangalan. Si Amira ito na tumatakbo papalapit sa akin kaya nangunot ang aking noo.

"Why?"

"S-Si T-Thrale." Hingal na hingal na sabi nito. "Galit na galit doon sa Dean's Office."

"Why?"

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now