Chapter 35:

1.1K 59 2
                                    

Thrizelʼs POV

Nandito ako sa silid. Iniisip ko pa rin 'yong nangyari sa kotse ni kuya, ang puso ko ay sobrang bilis.

“Lalim ng iniisip mo.” Bulong sa akin ni Amira. Sino pa nga ba?

“Medyo." Huminto ako. "Bigyan mo na lang ako ng cpr kapag nalunod ako.”

“Yuck, Thrizel, crush mo ba ako huh?” Sabi naman nito. Grabe, sobra na sa pagiging abnormal ang babaeng ito. Hindi ko na lamang siya sinagot at sinamangutan na lang siya.

“Hoy, baka humaba nguso mo, hahahaha.” Hays, nag-uumpisa na naman siyang mang-asar.

“Abnormal.” Sagot ko nalang.

Wala pang guro pero maya-maya ay dumating na ito. Mabilis na lumipas ang oras hanggang dumating ang breaktime. Naglabasan na ang iba habang si Amira naman ay sumilip sa pinto at mukhang may kausap ito. Parang tuwang-tuwa siya sa kaniyang kausap. Pagtingin ko ay si kuya pala ang kausap niya. Kaya pala tuwang tuwa. Narinig ko pa ang kaniyang sinabi kaya napasimangot ako rito.

“Hoy, Thrizel, magbreaktime na tayo kasama si Kuya Thrale.” Sabi nito sa akin.

Tiningnan ko na lang siya at binalik ang tingin sa white board. Hays, himala naman kasi. Bakit nandidito si kuya? Dati lang siya pumupunta sa aking room ‘no.

May humatak sa akin, walang iba kun’di si Amira na naman. Binalingan ko siya pero siya ay pinangdilatan pa ako ng mga mata. Wala akong nagawa kun’di ang sumama sa pagkakahatak niya. Papunta kami ngayon sa cafeteria. Si Amira lang ang dumadaldal sa aming tatlo. Pansin ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin hanggang nakarating kami sa cafe. Naupo na kaming tatlo.

“Ikaw, Thrizel, anong kakainin mo?” Tanong ni kuya. Tiningnan ko siya ng saglit at humarap sa crew na naghihintay sa sasabihin ko.

“Just one bottle of water.” Humarap ako kay Amira dahil sinisiko ako nito.

“Iyon lang? Kakainin hindi iinomin.” Pabalang niyang sagot. Hindi ko na siya pinansin, isa lang ang ibig sabihin. Ayokong pahabain ang pag-uusap namin.

“Ito na po ba lahat, sir?” Tanong ng crew kay kuya.

“Hindi, mayr’on pa.”

“Rice, fried chicken, burger, fries and juice.” Dagdag nito sabay tingin sa akin ng seryoso.

Anong akala nito matatakot ako sa kaniya? Hindi na. Kung dati ay gano’n, iba ang ngayon. Tiningnan ko siya ng walang gana. Pinapahalatang hindi ko siya gustong makasabay ngayon, totoo naman iyon.

Si Amira naman kahit saan ay napakadalda. Puro ito pagtatanong sa akin, hindi ko magawang sagutin kaya tango lang ako nang tango.

“Here's your order, ma’am, sir.” Sabi ng crew nang dumating.

Inilapag nito ang mga pagkain sa mesa. Ang kinuha ko lang ay tubig. Binuksan ko ito at ininom. Nagulat ako nang ilagay ni kuya sa akin ang mga pagkain na dinagdag niya kanina. ‘Gaya ng ginawa ko kanina, tiningnan ko lang ito at hindi pinansin.

“Hindi ka makakatayo rito hangga’t hindi mo na uubos ang mga pagkain na 'yan. You know me very well, Thrizel.” May pananakot sa kaniyang boses. Napailing-iling siya at nagsimula nang kumain.

Napabuntong hininga na lamang ako at hindi pinansin ang sinabi niya.

“Thrizel, kumain ka na baka mahuli tayo sa next subject after breaktime.” Sabi naman ni Amira habang ngumunguso sa mga pagkaing nasa harap ko.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now