Chapter 57:

971 56 2
                                    

Thrizelʼs POV

Nagising ako ng sobrang pawis na pawis. Damang dama ko ang kamay ng lalaking iyon sa aking panga. Parang sa akin niya ginawa. Sino ba ang batang iyon? Bakit pati ako ay nakakaramdam ng sakit na nangyayari sa kaniya? Patuloy ako na naguguluhan. Bakit nadadamay ako?

“May nangyari ba sa ‘yo, Thrizel?”

Agad akong napatingin sa nagsalita. Ganoon nalang ang aking gulat nang makita ko si Thrale.

Agaran ko siyang tinanong. “Oo, bakit ka nandito?”

“Para gisingin ka at kumain. Ligpitin mo na rin mga gamit mo. Uuwi na tayo maya-maya but again, eat first.” Mahabang lintaya nito. Buti hindi siya nagtitipid ng salita ‘gaya ng dati.

Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi at naunang lumabas ng kwarto. Nakarating ako sa hapagkainan. Hindi ko na dapat iniisip ang mga gano’n lalo na’t alam kong hindi ako konektado. Bangungot lang ba iyon? Panaginip? O gawa-gawa ng aking isipan? Hayaan na.

“Good morning.”

Naupo ako sa tabi ni Link. ‘Gaya ng lagi niyang ginagawa, nilalagyan niya na naman ako ng pagkain sa plato. Hindi katagalan, bumaba na rin si Thrale. 

Tahimik lang kaming kumakain. Nang matapos, napagpasyahan naming maligo. Umakyat para kumuha ng mga damit na gagamitin namin ni ate, tahimik lang kaming dalawa. Natapos na ang lahat ng aming gagawin. Ilang minuto pa kaming tumambay sala hanggang magyaya si Thrale na umuwi na.

Tahimik akong nakatingin sa bintana ng kotse, kung titingnan, pauwi na kami. Pilit kong inaalala ang mga napanaginipan ko pero mas lalo lang sumasakit ang aking ulo. Kakasabi ko lang na dapat hindi ko na ito isipin kaso kusa siyang pumapasok sa aking isipan. Na para bang huwag kong baliwalain.

Nawala ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Link. Nagtanong siya. “Ayos ka lang?”

Tinignan ko siya sabay tumango. Muli akong tumingin sa bintana nang biglang tumigil ang sasakyan kaya na patingin ako sa harap. Ipinahinto pala ni Thrale. Lumabas siya, ako naman ay sinundan ko siya ng tingin. Pumasok ito sa seven eleven, anong gagawin niya riyan? Hays. Maya-maya lang, nakaramdam ako ng inip dahil sa tagal bumalik ng aking kuya. Tatawagan ko na sana ito nang makita kong hawak ni Ate Anissa ang selpon niya. Malas.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. “Ate, bakit pumasok si kuya sa seven eleven?” Kainis naman ang lalaki na 'yon. Malapit na kami sa bahay saka pa nag-inarte.

“May bibilhin raw siya.”

“Bakit ang tagal?” Bago pa siya magsalita. Naunahan ko na. “Pupuntahan ko na lang.” Ngumiti naman ito sa akin at tumango bilang sang-ayon. Ewan ko rin kung anong naisipan ko. Bakit ako pa ang kailangang pumunta?

Hay nako, Thrizel.

Lumabas naman na ako ng kotse. Pumasok sa seven eleven. Tahimik akong tumingin sa paligid, inilibot ko pa ang aking paningin. Hindi katagalan, nakita ko siyang kausap sila Brooks at Gio. Bakit nandito ang dalawang ito? Saka, nakipag-usap pa talaga si kuya, huh? Alam na may naghihintay.

Thrale, ang tagal mo.” Tamad akong tumingin sa kaniya, nakasimangot. Naagaw ko naman ang atensyon ng tatlo. Si Brooks lang ang seryoso habang sila Gio at Thrale, kalmado lang.

“Ang daldal kasi ang dalawa na 'to.”

Pft, nakalimutan niya bang uuwi pa kami? Hindi ko rin alam kung maiilang ba ako o hindi. Kanina ko pa kasi nahahalatang sinusuyod ni Brooks ng tingin ang aking kabuoan. Ano na namang problema nito?

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now