Chapter 81:

1K 58 5
                                    

Thrale's POV

"Why? Hindi niyo ba nakitang umalis?"

Napahilamos ako ng aking mukha. Nakailang tawag ako kay Thrizel sa kaniyang kwarto ngunit hindi ito sumasagot. Wala akong double key ng kaniyang pinto kaya hindi ko alam kung paano ako makakapasok. Sarado rin ang kaniyang balkonahe at bintana sa taas. Anong pakana ng babaeng 'yon?

"Wala, nandito ako sa sala. Wala akong nakitang Thrizel na lumabas." Pagpapaliwanag sa akin ni Arella.

Napailing-iling ako at napahilamos ng mukha. "Argh!"

Iba ang pakiramdam ko ngayon. Nakailang tawag na rin ako sa kaniyang selpon ngunit tunog lang ito nang tunog sa kaniyang kwarto.

"Thrale." Biglang pumasok si Anissa. Tumingin ako sa kaniya. "Wala ang kotse ni Thrizel sa garahe. Marunong ba siya magmaneho? Wala siyang student license." Iyon ang hindi ko alam. Hindi ko alam kung marunong magmaneho si Thrizel. Nang matapos ang school year, wala na akong alam sa kaniyang pinaggagawa.

"Lagot ako kay mom kapag naglayas ulit si Thrizel." Inis kong sabi sa kanilang dalawa.

Sila ang palaging pumupunta kay Thrizel, hindi man lang nila nakita kung anong ginawa n'on? Kinuha ko ang susi ng aking kotse, I need to find her. Kailangan ko siyang makita ngayon, ayoko nang paabutin ng gabi.

Umalis ako sa bahay. Wala akong alam kung saan nagpunta ang aking kapatid. Kinuha ko ang aking selpon at dinial ang numero ni Amira, baka may alam siya o baka nasabihan siya ni Thrizel kung anong plano ng aking kapatid. Hindi katagalan, agad sinagot ni Amira.

"Thrale, napatawag ka? Is there a problem? Anong nangyari kay Thrizel?" Kabisado na ako ni Amira. Kakausapin ko lang naman siya tungkol kay Thrizel kaya agaran siyang nagtanong.

"Uhm, alam mo ba kung nasaan ang kapatid ko?" Pagtatanong ko na nasa kalsada pa rin ang tingin, tuloy pa rin sa pagmamaneho.

"Hindi e. Actually duration we haven't talked. I also don't call her because I'm busy here. By the way, how is she?"

Napabuntong hininga ako sa kaniyang sinabi. "That is the problem. Thrizel is missing again. She was not in her room. I called her number but her cellphone just rang in her room. She also doesn't have a car in our garage. Feel ko naglayas talaga e."

"Sa anong dahilan?"

Sa kaniyang pagtatanong, natigilan ako roon dahil alam ko sa sarili kong ako ang dahilan. Naalala ko ang sinabi niyang nakakapagod ako kasama sa iisang bahay. Iyon ba ang dahilan kung bakit siya naglagay?

"Thrale, umaalis lang si Thrizel sa bahay kapag may problema. Nag-away na naman ba kayo? Anong nangyayari sa kaibigan ko? Bakit parang kawawa naman diyan?"

"No, she's okay. May hindi lang nakapagsunduan. I'll hang up the call. Salamat na rin." Hindi ko na hinintay ang kaniyang sasabihin. Pinatay ko na ang tawag dahil nandidito na ako sa bahay nila Gio.

Bumaba ako ng sasakyan, sakto namang nakita ko siyang papunta sa kotse niya. Bihis na bihis ito, halatang may pupuntahan. Nangunot pa ang kaniyang noo dahil nakita ako.

"Why are you here, bro?" Huminto siya sa paglalakad at tiningnan ako.

Agad akong lumapit sa kaniya. "Thrizel is missing again." Bumaling ako sa iba. Ganito pala pakiramdam kapag naghahanap ng tao. Hindi alam ang gagawin. Nakakaconfuse.

"Malaki na siya, alam niya na ang ginag—"

"Paano kung ano na nangyari sa kapatid ko? Paano kung napagtripan siya ng mga lalaki riyan? Babae 'yong kapatid ko, Gio! Hindi niya kayang idepensa ang sarili niya sa gan'ong pangyayari!" Hindi ko napigilan ang sarili kong pagtaasan siya ng boses.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now