Chapter 79:

1.7K 97 46
                                    

Thrizel's POV

Nahiga ako sa aking kwarto habang iniisip kung nasaan si Link. Ayokong lumabas, ayokong makita si Thrale. Link, where are you now? Huminga muna ako nang malalim bago ipinikit ang aking mga mata. Gusto kong magpahinga ngayon. Pakiramdam ko ay wala akong lakas kahit wala akong ginagawa.

"Thrizel, gising ka ba?"

Narinig ko ang boses ni Arella.

Hindi ko ito sinagot, ayoko muna ng kausap. Gusto ko magpahinga kaya hinayaan ko lang siyang kumatok nang kumatok sa aking kwarto. Nakakawalang gana makisalamuha, mas gusto kong mapag-isa rito sa aking kwarto.

"Siguro nagpapahinga, Arella. Hayaan na lang muna natin, kakain din iyon kapag nagutom." Rinig kong sabi ni Thrale.

Alagang-alaga niya talaga ang pinsan namin, pati sa pagtawag sa akin ay sasamahan niya pa. Mukha ba akong mananakit ng tao? Napagat ako ng labi sa aking naisip, kapatid ako nito dapat ay kilala niya ako. Kapatid ako nito dapat iniintindi niya ako kahit na umamin ako ng nararamdaman ko sa kaniya. Sana hindi siya ganiyan sa akin ngayon

Maling umamin sa 'yo, Thrale. Kung noon na tinatago ko ang nararamdaman ko sayo, nasasaktan na ako. Mas lalo akong nasasaktan ngayong alam mo na. Unfair sa parteng iyan. Naramdaman ko na lang umiiyak na ako dahil sa mga naiisip. Ayoko na mag-isip ng kung ano-ano. Katotohanan man, gan'on talaga.

"THRIZEL, wake up. Let's eat."

Nagising ako dahil sa boses na nasa aking harap. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata ko. Si Ate Anissa ito.

Nakahinga ako nang maluwag.

"Ayos ka lang ba?" Muli niyang pagtanong. Nahalata niya sigurong nag-aalinlangan akong dumilat kanina at kinakabahan kung sinong bubungad.

"Sige, halika na sa baba nang makakain. Anong oras na rin. I know you're hungry."

Agad naman akong sumunod sa kaniyang sinabi at tumayo. Nauna na itong maglakad, kasunod niya lamang ako. Pagkababa ay nandoon na sila Thrale at Arella, masayang nagkukwentuhan. Tumahimik sila sa pagdating namin ni ate Anissa.

Tahimik lang din akong naupo sa laging pwesto ko. Napatingin ako sa aking tabi, naalala ko tuwing pupunta akong kusina ay nakapwesto na si Link dito. Pero ngayon ay blanko, wala. Wala talaga.

"Thrizel kumusta ang tulog mo?" Pansin ko ang kaniyang pag-aalala. Nakita niya sigurong nakatulala ako sa inuupuan ni Link. Alam niyang hinahanap ko ang aking pinsan.

"Ayos lang."

Nagsimula na kaming kumain. Dapat ay bibigyan ako ng pagkain ni Thrale sa plato ngunit inuhan ko na ito. Ayokong nagdidikit kami kahit mga balat ko lamang. Ayoko na kay Thrale. Nakakadala siya.

Kumain nalang ako pero hindi ko maiwasang mapatingin kila Thrale at Arella, masaya silang nag-uusap kasama na roon si ate Anissa. Tahimik lamang ako, pinapanood sila. Kapag mapupunta ang tingin nila sa akin, nililihis ko ang aking tingin.

"Thrizel, dahan dahan lang sa pagkain."

Napatingin naman ako ng saglit kay Thrale bago kumain muli. Sinunod ko ang kaniyang utos, dahan dahan akong kumain. Para kasing gusto ko nang tumayo rito sa upuan at magkulong nalang sa kwarto.

"Baka mabulunan ka." Pagkasabi ni Thrale n'on ay nabulunan nga ako.

Agad itong tumayo para alalayan ang aking likod ngunit mabilis akong umiwas sa kaniya. Kumuha ako ng tubig para sa aking sarili.

"Salamat, kaya ko naman na." Walang gana ang tono ng aking boses. Ayoko nang huminga ng tulong, ayoko ng tulong na galing sa kaniya. Kung siya ang makakasama ko, kaya ko ang aking sarili.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now