Chapter 15:

1.8K 72 1
                                    

Thrizel’s POV

Nandito ako nakatayo sa labas ng room. Iniisip ko pa rin 'yong sinabi saʼkin ni kuya kagabi, wala si Amira may pinuntahan na guro. Maaga pa naman para magsimula ang klase, tulala ako habang iniisip kung magkapatid ba  kami ni kuya o hindi dahil hindi ko makalimutan ang sinabi ng aming kasambahay kahapon.

“Argh, nababaliw na ‘ko.” Bulong ko sa sarili ko. Kung ano-ano aking iniisip. Dahil ba may iba akong nararamdaman kaya nag-iisip ako ng ganoon?

“Matagal ka ng baliw. ” Sulpot ng boses mula sa aking tagiliran, tiningnan ko ito, si Amira.

“Alam ko.” Tinatamad kong sagot sa kaniya at nauna nang pumasok sa room, umupo sa aking upuan.

“Ayos ka lang ba?” Tanong nito sakin habang nakatingin. Nag-aalala pa rin ba siya?

“Oo, bakit?” Tanong ko pabalik. Ayos lang naman ako, ano bang napapansin ng babaeng ‘to?

“Ang lalim kasi ng iniisip mo kanina pa.” Halata sa boses nito ang pag-aalala. Sabi na kaya pala palatanong e.  Ganon na ba kahalata? Grabe, ang lakas naman ng epekto sa‘kin ni kuya para pag-isipin ako ng ganito. Saka bakit ko nga ba iniisip? Hays, napapraning na talaga ako.

Sumagot ako rito. “Hindi." Nagpatuloy ako. "Iniisip  ko kasi, paano kung...” Pabitin kong sabi sa kaniya. Kita naman ang  curiosity sa mukha nito at hinihintay ang kasunod ng sasabihin ko.

“Kung?” Kitang-kita ang pagtataka. Kunot ang noo.

“Kung kailan magpapasok si ma’am, ang tagal tagal e. Nagugutom na ako, gusto ko nang kumain sa cafeteria.” Ngumiti ako sa kaniya para kumbinsihin siya na iyon talaga ang aking iniisip.

Pero kita ko sa mukha nito na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Totoo naman na nagugutom na ako, maaga akong umalis ng bahay, tinapay lang ang aking kinain dahil ayokong makita si kuya.

“Hindi ka ba kumain sa inyo?” Tiningnan ko siya. May hinahanap siya sa kaniyang bag.

“Kumain kaso tinapay lang.” Sagot ko at tumingin sa labas ng bintana. Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay ni Amira na may inaabot sa‘kin.

“Oh, ito sandwich, kumain ka muna, masamang nagugutom dahil matagal-tagal pa ang breaktime.” Tiningnan ko ang binigay niya. Wow huh, nag-abala pa talaga. Infairness, maasahan talaga siya kahit kailan.

Tinitigan ko muna ang binigay niyang sandwich dahilan para mapatanong siya. “Aba, bakit? Walang gayuma iyan saka kung manggagayuma man ako, syempre kuya mo na ang gagayumahin ko. HAHAHAHAHAHAHA!" Pagtawa nito kaya pati ako ay natawa na rin sa kanya. Kinuha ko na ang sandwich na binibigay ni Amira at kinain.

Saktong pag-ubos ko aking kinakain ay siya namang pasok ng aming guro. Discuss lang ito nang discuss pero hindi ako nakinig, ukupado ng utak ko ang aking mga iniisip dahil sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan umalis na pala ang unang subject teacher namin.

Tapos na pala ang klase.

“Hoy!”

Tamad akong tumingin kay Amira. “Bakit?” May nginunguso siya sa bandang bintana kaya napatingin ako doon. Paglingon ko ay si kuya agad ang aking nakita at kasama ang kaniyang nililigawan niya, nakangiti ito sa akin kaya mabilis kong ginantihan iyon.

Nangunot ang aking noo dahil tutok na tutok si Amira sa aking mukha, ano na namang problema ng babaeng ‘to? Hindi siya nakapagpigil kaya nagtanong.

“Ayos ka lang?”

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now