Chapter 31:

1.1K 58 2
                                    

Thrizelʼs POV

Nagising ako sa kwarto. Umupo muna ako para pakiramdaman ang katawan ko kung ayos lang na na ako o hindi. Mukhang mabuti na ang aking nararamdaman kaya pumunta na akong banyo para maligo. Dinadama ko ang pagdaloy ng tubig sa aking katawan ko. Naalala ko ang nangyari kagabi, pag-uwi namin ay hindi nagalit si kuya. Nalaman niya ring nilalagnat ako no’n kaya ang ginawa niya ay binantayan ako hanggang sa makatulog.

Maya-maya lang ay natapos na ako sa pagligo, nagbihis na rin ako ng uniporme. Lumabas na ako at bumaba para kumain dahil nagugutom na ako. Epekto siguro ng nangyari kagabi. Pagkarating ko sa kusina ay naabutan si manang.

“Good morning, manang.” Nakangiting bati sa kaniya at naupo.

Ngumiti naman ito sa akin at binati ako pabalik.
“Good morning, hija. Kumain ka na.” Hinainan ako nito ng mga pagkain na nasa mesa. Tumango naman ako sa kaniya at nag-umpisa nang sumubo.

Tahimik lang akong kumakain dito. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig sa loob ng kusina. Wala si manang, mamalengke raw muna siya dahil wala ng stock na mga pagkain sa pridyeder.

Natapos na ako sa pagkain, niligpit ko na 'to at hinugasan na rin. Nakaupo ako ngayon sa sala. Bukas ay pasukan na kaya parang tinatamad ako. Bigla kong naisip kung nasaan si Link kagabi kaya hinanap ko ang telepono ko. May nakita akong mensahe galing sa kaniya.

From: Link

Hi, Thrizel, good morning. Nandito na ako sa bahay namin. Kinuha ko rin ang mga natirang gamit ko rito. Nakalimutan kong magpaalam sa ‘yo kagabi pero alam naman ni Thrale. Have a nice day.

Napangiti ako rito at napatango-tango. Napaisip naman ako kung nasaan si kuya. Hindi ko siya nakita simula kaninang paggising ko. Inilibot ko ang aking paningin sa buong bahay baka sakaling nandito siya pero wala akong kuyang nakita. Ni kwarto niya ay pinuntahan ko, wala roon.

Napabuntong hininga na lamang ako iniling ang aking ulo, hays. Binuksan ko ang telebisyon at nanood nalang. Nakaramdam ako ng antok kaya nahiga ako sa sofa bed at pumikit.

May nararamdaman akong tumatapik sa aking mukha kaya napamulat ako ng mga mata. Malabo ang aking nakikita kaya kinusot ko ang aking mga mata, nagsalita ang taong nasa harap ko.

“Oh, hija, tara na’t kumain. Nakatulog ka na riyan.” Saad ni manang kaya tumango na lamang ako at sumunod sa kaniya.

Napatingin ako sa labas, gabi na pala. Ang bilis ng oras, ngayon alam ko na sa sarili kong pagod nga ako.

“Manang, bakit hindi niyo po ako ginising kaninang tanghalian?” Tanong ko rito habang nakatingin sa paglalagay niya ng ulam at kanin sa mesa.

“Masarap kasi ang tulog mo kaya hindi na kita ginising saka kailangan mong magpahinga, Thrizel.” Napatango na lamang ako sa kaniya at itatanong ko sana kung nasaan si kuya pero mukhang alam na ni manang ang nais kong itanong kaya muli siyang nagsalita. “May pinuntahan ang kuya mo.” Ngumiti na lamang ako at kumain na.

Nakatapos na ako sa pagkain, umakyat ako sa kwarto at nahiga. Matutulog na naman ba ako? Kakagising ko lang e. Pumunta akong banyo at naghalf bath. Kakagising ko lang pero inantok na naman ako. Ganito ba talaga kapag mabigat ang pakiramdam.

“Thrizel, gumising ka na.” Rinig kong sabi ni manang habang kumakatok sa pinto ng kwarto kaya tumayo ako at sumagot sa kaniya.

Sige po.” Pumuntang na akong banyo para maligo. Kung ano ang mga dapat kong gawin sa umaga ay ginawa ko na, natapos naman na agad ako.

Tiningnan ko ang orasan. Kapag binagalan ko ang kilos ay lalo akong mahuhuli sa klase kaya wala akong ibang nagawa kun’di ang bilisan. Pagkabukas ko ng aking pinto ay kakalabas lang ni Link, halatang bagong gising. Ngumiti ako sa kaniya, kumaway at nagpatuloy sa pagbaba. Mahuhuli na kasi ako sa klase.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now