Chapter 7:

4K 130 0
                                    

Thrizel’s POV

"Mom! Dad! Hinalikan ako ni kuya!" Pagdedeliryo ko.

Bigla-bigla naman lumabas si mom na may hawak na sandok. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Sino?! Sinong humalik sa 'yo?!"

Tiningnan ko si kuya. Bakas ang kaba sa mukha nito. "Si kuya."

Napasimangot naman si mom habang si dad ay natawa. "Pinakaba mo 'ko, akala ko kung sino."

Nagmaktol ako. "Si kuya nga, mom, si kuya!"

Hindi man lang sila nagalit! Nakakainis! Dapat magalit sila! Magalit! Pati si dad tinawanan lang ako! Sama ng pamilya ko! Dapat magalit sila! Babae ako at lalaki siya!

"Ano naman kung hinalikan ka, anak?" Sabi ni mom habang tinatali ang apron. "Magkapatid naman kayo, walang problema ro'n."

"Kahit na, mom! Malaki na ako, malaki na siya! Bawal na 'yon." Naiinis na sabi ko at pumunta kay kuya. Pinagpapalo ko ito.

"Oy, ano ba, Thriz—Ouch! Pwede na—sabihin mong gusto mo pa ng is—"

"Kapal ng mukha mo!" Saka ako umupo sa sofa habang nakacross arm. Masamang tingin ang pinukol ko kay kuya. Masyado siya.

"Tama naman ang mommy mo, anak." Kausap sa akin ni dad at tumabi ng upo. Sinuklay niya ang aking buhok gamit ang kaniyang isang kamay. "Wala namang problema roon. Magkapatid kayo, buti nga at ganiyan ang kuya mo, swee—"

"Sweet ba 'yan?" Angal ko agad. "Lagi nga akong binabatukan niyan, dad, e. Laging galit sa akin. Ina-under ako! Gusto niya siya lagi nasusunod! Ta's 'yong kinukwento ko sa 'yong si Ryke, dad. Manliligaw ko 'yon, 'di ba? Binantaan niya kaya tumigil sa panliligaw! Hmp!"

Sinamaan naman ng tingin ni dad si kuya. Si kuya naman ay napakamot sa ulo. Akala mo. "Bakit mo naman binantaan ang manliligaw ni Thrizel, Thrale? Malaki na ang kapatid mo, alam niya na ang gagawin sa manliligaw niya. Iwasan mo rin ang pangbabatok dito, huh?"

"Ang kulit kulit niya kasi, dad. Laging nasasangkot sa gulo, ayoko lang siya masaktan. Hindi na nakikinig sa akin 'yan."

"Iyon naman pala, 'nak. Ayaw ka lang masaktan ni kuya kaya makinig ka. Buti may ganiyan kang kuya, nagmana sa akin."

"Dad, kanino ba kayo kampi?" Biglang tanong ko.

Natawa naman si dad sa reaksyon ko. Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa palabas. Potek! Commercial, ano papanoorin ko? Babangon tayo? Nescafe? Gano’n?

"Tara na't kumain." Pagyayaya ni mom sa amin.

Pumunta naman na kaming tatlo sa dinning room.
Tahimik lang kaming kumakain. Maya-maya ay binasag iyon ni kuya.

"Noong isang araw pala, mom, dad." Sabi niya at uminom ng tubig. "May lalaking naglocked kay Thrizel sa pader, sa paaralan. Hindi ko kilala kaya inaalam ko pangalan."

Patay.

Ayaw nila mom at dad na ginagano'n ako ng mga lalaki. Ayaw na sinasaktan ako ng physically. Ayaw nilang may nananakit sa akin dahil ang katwiran nila. Hindi nga ako sinasaktan ni dad, bakit ako magpapanakit sa ibang lalaki? Except kay kuya pero minsan nagagalit din sila.

Nangunot ang noo ni dad at nagpunas ng napkin sa bibig saka nagsalita. "Kilala mo ba 'yon, anak? Bakit ka ginano'n?"

Tumikhim naman ako. "H-Hindi, dad, hindi naman ako masyadong nasaktan, nagtatanong lang siya."

"Dapat lang na hindi ka niya saktan," saka ito bumalik sa pagkain.

Tumingin naman ako kay kuya. Tinaasan ako nito ng kilay at saka tumayo. Pumunta ito sa sink para magtoothbrush.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now