Chapter 20:

1.6K 75 0
                                    

Thrizel's POV

Sobrang tahimik ng aking kwarto nang magsalita si kuya. "Thrizel." Humarap ako sa kaniya. Nagulat ako dahil nakatingin ito sa akin. Hindi ko mabasa ang kaniyang nasa mata, anong gusto niyang iparating?

"K-Kuya, bakit po?" Utal kong tanong dito.

Napatingin ako sa kamay niyang ngayon ko lang naramdaman na nakahawak sa aking braso. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata, aaminin kong ngayon ko lang ito natitigan nang matagal.

Maya-maya lang ay lumuwag ang hawak niya. Pinilig niya ang kaniyang ulo at umayos ng upo. "Are you not yet sleepy?"

Hindi ako sigurado sa kaniyang tinanong. Alam kong may iba pa siyang gustong sabihin sa akin. Hindi ako sumagot, tiningnan ko siya sa mga mata muli ngunit pilit niyang iniiwas ang kaniyang paningin. Nagtaka ako dahil napahilamos siya ng kaniyang mukha, parang problemado.

"Spill it." Kalmado kong sabi. "Anong problema?"

"You."

"What do you mean ako?"

"No, I mean." Nangunot ang kaniyang noo, sinuri ako nito. "Bakit may-argh, fuck!" Huminga siya nang malalim at muli tumingin sa akin. "Kilala ko ang kilos mo, bakit parang may ka-parehas ka? Bakit parang-fuck it, I forgot that you are my sister!" I don't understand him, anong sinasabi niya? Akala ko ako lang ang naguguluhan dito, pati rin pala itong si kuya. Anong sinasabi niyang may kaparehas ako? Na kapatid niya ako? Anong pinupunto nito?

"We're siblings, kuya, what's wrong with you?"

"Kanina, ibang babae ang tingin ko sa 'yo."

"Sino naman?"

"Hindi ko siya kilala." Lumamig ang kaniyang boses. "Patayin mo na 'yan, ayokong mag-ingay at baka magising pa 'yang mga 'yan." Tumayo siya ngunit hinawakan ko ang kaniyang pulsuhan. Nagtataka siyang tiningnan ako nito. "Why?"

"M-Magkatabi kami ni Ryke?"

Tumingin siya sa kama, kita niya ngang magkatabi ang dalawa. "Yes, he's your suitor."

"Yes, he's just my suitor."

"Do you want me to sleep next to you?"

"No, guest room nala—"

"Anissa is her—"

"What? Akala ko ba nasa kwarto mo siya."

"I'm just her suitor, mas mabuting sa guest room muna siya matulog." Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak. "P'wede namang tumabi ka nalang kay Anissa."

"Dito nalang ako." Saka ako bumalik sa pagkakahiga.

"Sure?"

"Yes." Naramdaman kong hinawakan niya ang aking ulo at hinalikan sa buhok. "Good night, my princess, ngayon lang ako mabait, bukas tama na dahil huling gabi mo na 'to." Pinalo ko ito sa braso dahilan para humalakhak siya.

"Good night, kuya, lablab." Kumaway na siya at lumabas ng aking kwarto. Mahihiga na sana ako kaso gano'n nalang ako gulatin ni Elkhurt, nasa tabi ko na 'to habang nakatingin sa akin na may nakakalokong ngiti, kahit kailan talaga.

"Narinig ko usapan niyo." Sabi nito at tumingin sa nilabasan ni kuya. "Alam mo iyang si Thrale, napapraning talaga 'yan minsan, hindi ko na nga iyan maintindihan. Like kanina, sabi niya may ka-parehas o tingin niya sa 'yo ay ibang babae. Tsk, tsk." Umiling iling ito at muling nagsalita. "Isa lang sulosyon niyan, magtawag na kayo ng psychiatrist, nababaliw na 'yan."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now