Chapter 47:

1K 58 2
                                    

Thrizelʼs POV

Walang gana akong bumaba para uminom ng tubig. Iniisip ko kung totoo ba ang napanaginipan ko o hindi. Napabuntong hininga ako. Nakarating na pala ako ng kusina nang hindi ko namamalayan. Kumuha ako ng tubig at ininom ito.

“Kumusta ang tulog mo?” Tanong ng nasa likod ko pero hindi ko ito sinagot. Nanatiling iniisip ang aking napanaginipan.

“Hey, Thrizel, wala ka yata sa sarili mo!” Napapitlag ako nang makita ko si Link. Nakatayo siya sa aking harapan pero hindi ko ito pinapansin.

Nakaramdam ako ng wisik ng tubig sa aking mukha kaya napatingin ako rʼon sabay irap sa kaniya. Naglakad ako papuntang sala, wala si ate Anissa rito marahil nasa kwarto niya.

“Iniiwasan mo ba ako dahil sa nalaman ko?” Tanong ni Link. Nakasunod pala ito sa akin. Psh.

Tinignan ko siya at huminga nabg malalim. “Hindi kita iniiwasan, may iniisip lang ako.”

Tinignan niya naman ako ng may pagsusuri. “Ano naman ang iniisip mo?” Tinaasan ako nito ng kilay. Gusto niya talagang malaman.

“Hindi ko rin alam. Masyado na akong naguguluhan, Link.”

Tumabi ito sa akin. Umupo at yumakap. “I'm always here, tutulungan kita.”

“I know, thank you.” Nagpaalam muna ako babalik ako sa aking kwarto. Hindi naman na siya nangulit.

Hindi kaya wala lang ang panaginip na iyon? Baka masyado lang akong nag-iisip ng kung ano-ano kaya napapanaginipan ko ang mga iyon.

Pumasok ako ng banyo. Gusto kong magbabad sa bath tub. Pinuno ko muna ng tubig ang bath tub at naghanda ng damit. Lalabas ako pagkatapos nito, gusto kong gumala tutal maaga pa naman. Pupunta akong parke, malapit lang naman ito sa subdivision.

Nasa ganoon ako nang biglang may kumatok. “Thrizel, meryenda na.”

“Mamaya po, maliligo lang ako.”

“Sige.”

“Makaligo ka nga. Mamaya na ako kakain.”

Oo, Thrizel, mamaya ka na kumain. Makikita mo si Thrale. Baliw na ako pati sarili ko ay kinakausap ko na. Iba na ang epekto nito, charaught.

Pumasok na ako ng banyo at nagsimulang ibabad ang sarili. Magaan ito sa pakiramdam. Hindi na ako nag-isip at nagrelax na lamang. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapahinga nang biglang kumalabog ang pintuan ng aking kwarto kaya napakunot ang aking noo. Tumayo ako sa bathtub, nagbanlaw saka lumabas. Nagdamit na rin ako.

“Anong problema niy—” Hindi ko natapos ang pagsasalita nang bigla akong yakapin ni Thrale. Akala ko wala pa ito? Paano at bakit niya ako niyakap?

“A-Anong problema?” Utal kong tanong. Hindi ako makapagsalita nang maayos dahil ramdam kong sobrang bilis na naman ng tibok ng aking puso.

“Akala ko kung napano ka na. Kanina ka pa tinawag ni Anissa, hindi ka bumaba. Malapit na maghapunan.” Ang babaw ng dahilan ni Thrale. Iyon ba talaga? Gusto kong isang-ayon ang sarili ko ngunit hindi ko magawa.

Napatingin ako kay Link, nandito rin pala.

Huminga nang malalim si Link at nagsalita. “Ano bang ginagawa mo at hindi mo kami naririnig? Kanina pa kami tawag nang tawag dito.”

Napakamot naman ako ng batok bago sumagot sa kanila. “Nasarapan kasi ako sa pagbabad ko sa bath tub kaya hindi ko namalayan ang oras. Sorry."

“Let’s eat, papaayos ko nalang lock ng kwarto mo." Ani Thrale.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now