Chapter 37:

1K 62 2
                                    

Thrizelʼs POV

Abala kami ni Amira sa paggagawa ng mga activities nang biglang tumunog ang aking selpon kaya napatingin ako roon. May mensahe galing kay kuya. Binasa ko ito.

From: Kuya Thrale

I’m with Anissa, where are you?

Basa ko. Malamang nandoon siya kila ate, kailangan siya ng nililigawan niya e.

“Hoy, ayos ka lang? Natulala ka sa cellphone mo.” Agaw pansin ni Amira kaya napatingin ako sa kaniya.

Napatanga pa ako rito na iniintindi ang kaniyang sinabi. “Huh? Wala naman.” Tumugon na ako sa mensahe ni kuya.

To: Kuya Thrale

I’m here, Amira's house.

Tipid ko na reply sa kaniya. Binaba na ang selpon at ginawa na ang kaninang naudlot kong pagsusulat. Hindi katagalan bigla namang tumaginting ang aking selpon kaya napatingin ako roon.

From: Kuya Thrale

Alam kong may iba ka pang pinuntahan. Nagpapaalam ka kapag kay Amira ka lang pumupunta. Tumakas ka ba, Thrizel?

Sa tingin ko ay pikon ito pero hindi ko na pinansin. Bigla na namang siyang tumawag pero hindi ko ito sinagot. Ibababa ko na sana ang aking selpon nang biglang nag-appear ang mensahe galing na naman sa kaniya. Problema nito sa akin?

From: Kuya Thrale.

Answer my call.

E, bakit ko sasagutin? Alam ko naman na papagalitan niya lang ako. Muli akong sumagot.

To: Kuya Thrale

I’m busy, later.

At pinatay ko na ang aking selpon para hindi ko na mabasa ang mensahe niya. Para ‘di niya rin ako matawagan dahil masyado akong naiinis kay kuya. Baka magsagutan lang kami gamit ang message.

“Hays.” Buntong hininga ko. Napansin kong kanina pa pala nakatingin sa akin si Amira.

“Nag-away kayo ni kuya Thrale?” Kilala niya talaga ako, alam na alam niya kung anong reaksyon ko kapag may problema.

“Hindi, may tinanong lang siya. Tara na, tapusin na natin ang mga ginagawa natin.” Sabi ko rito ng may ngiti sa labi upang hindi na siya mag-alala sa akin.

“AH, nakakapagod.” Hikab at unat ni Amira habang nakatingin sa mga gawain na kalahati pa lang ang natatapos namin, hapon na.

Oh, magmeryenda na muna kayo.” Singit naman na sabi ni Tita Ae-Ae sa amin kaya tumayo kami ni Amira at pumunta sa dinning area para magmeryenda.

“Ang sarap, mom.” Puri ni Amira sa bake ng mommy niya, cupcake. Masarap nga. Mukhang mahilig magbake si Tita at si Amira ang tagatikim para purihin.

“Oh, Thrizel, kumain ka ng marami. Mukhang marami pa kayong gagawin ni Amira.” Sabi nito sa akin kaya ngumiti na lamang ako sa kaniya at tumango.

“Hi, baby Thrizel.” Boses mula sa likuran ko. Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino ito dahil alam ko naman na si Elkhurt 

“Mom, si kuya hinaharot si Thrizel!” Sumbong ni Amira sa mommy nila kayaʼt napatingin si Tita sa gawi namin at tinawag si Elkhurt.

“Elkhurt.” Pagtawag niyang may pagbabanta ang boses.

“Hindi naman, mom e.” Sabay kamot sa batok niya. Kumuha na lamang ito ng cupcake at umakyat sa kaniyang kwarto pero nakita ko na may binulong siya kay Amira. Muling agsumbong na naman si Amira sa mommy nila.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now