Chapter 61:

1.2K 65 16
                                    

Thrale's POV

Tanging pasunod nalang ng tingin ang aking nagawa nang tumakbo na si Thrizel. Matapos niyang umiyak sa aking harap bigla itong lumusot sa aming tatlo. Nang mawala siya sa aking paningin, humarap ako kila Amira at Link. Ang mga tingin nila ay nandodoon pa rin kung saan tumakbo ang aking kapatid. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, hindi ito panaginip. Grabe ang kaba sa aking puso.

Paulit-ulit pumapasok sa aking isipan ang kaniyang mga sinabi. My sister is in love with me? Dahil sa aking pagtatanong, mas lalo akong kinabahan. Iba ang kakaibang kaba na ito, ngayon ko lang ito naramdaman. Lalo na noong halikan ako niha ako. Hindi ako tumugon dahil nanigas agad ang aking katawan. Bigla agad akong nablanko, hindi alam ang aking gagawin. Why did you do that, Thrizel? What's wrong with you?

Napahawak ako sa aking labi, hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang labi niyang gumalaw ng dalawang beses. May kakaiba sa babaeng iyon ngayon, iba ang kinikilos niya. Uminom ba ito? Lasing ba? Pero wala akong naamoy na alak sa kaniyang hininga kanina. Malamig ang aking kamay, ang mga binti ko ay nanginginig. Bakit ganito siya umepekto sa akin? Hindi ko alam ang gagawin dahil ngayon ko nga lang ito naramdaman.

"What's up with your friend, Amira?" Nauutal pa ang aking pagtatanong, pilit ko pang inaayos ang aking pananalita.

Huwag dapat akong maniwala sa pinagsasabi ni Thrizel, mahilig magbiro ang babaeng iyon. Itong biro niya ay hindi nakakatawa. Pinag-iisip niya ako nang malalim, pinapakaba niya ako ng labis.

"She confessed her feelings." Napaharap ako kay Amira, seryoso ang kaniyang pagkakasabi. Malungkot din naman ang tono ng kaniyang boses. Hindi niya sinundan si Thrizel, nananatili siyang nandidito. Sabagay, kahit ako, hindi ko susundan si Thrizel dahil nagagalit iyon kapag gusto niyang mapag-isa.

Para mabawasan ang aking pag-iisip. Hinarap ko si Link. "Link, what is this? Anong pangyayari ba ang nangyayari ngayon? Baka may camera sa loob ng rest room then prank?"

Paulit-ulit kong kinukumbinsido ang aking sarili na hindi iyon totoo. Na nang-aasar lang si Thrizel pero hindi ko magawa. Naninira ang pangyayaring iyon sa aking isipannnnn!

"Like what she said." Tukoy ni Link kay Amira. "She just confessed her feelings, she's inlove with you, Thrale."

Walang humpay ang mabilis na pagtibok ng aking puso, sobrang kaba na ang aking nararamdaman. Ano ba dapat kong gawin? Puntahan ba si Thrizel at tanongin? Pero ano itong nararamdaman ko? Parang wala akong lakas na loob para harapin siya.

"But you said Link my sister is in love with another man."

Ilang beses ko pa bang kukumbinsihin ang aking sarili na hindi nagsasabi ng totoo si Thrizel? Ayokong tanggapin ang pinagsasabi niya kanina.

Natigil ang aming pag-uusap nang biglang dumating sila Anissa, nakasunod sa kaniya ang aking mga kaibigan. Nang makita ko ang mukha ni Anissa, agad bumalik sa aking isip ang paghalik ni Thrizel sa akin. Did I cheat on her? Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang pangyayaring iyon? Pero ‘gaya kay Thrizel, wala akong lakas na loob.

"What happened? Kanina pa kasi kami naghihintay roon. Where's Thrizel?" Malumanay na pagtatanong ng aking girlfriend.

Tiningnan ko ang dalawa sa aking likuran. Nakatingin din sila sa akin. Sinasabing ako na ang sumagot.

"Uhm, she's not feeling well, pinauwi ko na." Pilit akong ngumiti sa kanilang lahat. Bahagya pang nangunot ang noo ni Anissa, marahil ay nagtataka kung bakit iba ang kinikilos ko. Halata ba ako?

"Bakit hindi mo hinatid?" Biglang tanong ni Brooks na nakatingin sa gate nila Amira. May balak ba siyang habulin ito?

"Gusto niyang mapag—"

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now