Chapter 68:

1.1K 60 9
                                    

Dominic’s POV

I’m here at the coffee shop, I’m with Link. Bago pa magbakasyon si Link kila Thrizel ay magkakilala na kami. Magkaklase kami noong elementary, magkaibigan na rin at sa hindi inaasahan, ang kumuha ng atensyon ko ay pinsan niya pala. What a coincidence, I like it.

"I can’t locate Thrizel that time. Iniwan niya ang kaniyang cellphone sa kwarto. Paano ko malalaman kung saan siya?"

Like me, confused si Link kung saan nga ba pumunta ang kaniyang pinsan. Pumasok lang yata kami sa buhay ni Thrizel para mag-aalala sa babaeng ‘yon. Para ipagtanggol siya sa kuya niyang walang ibang ginawa kun’di isipin ang sarili.

Sumimsim ako ng kape at humarap sa kaniya. "I don’t have idea too."

Iniisip ko rin kung saan pumunta si Thrizel, hindi ko naman alam na aalis siya ng kanilang bahay kaya hindi ko nasundan. Ang iniisip ko ngayon, sinong nagtago sa babaeng ‘yon? Halos magdadalawang araw na bago niya naisipang umuwi. Hindi palakaibigan ‘yon kaya wala siyang mapupuntahan.

Tumingin ako kay Link at nag-isip isip. Bukod sa mga kaibigan ni Thrale na sina Kein, Ryke, Gio at Elkhurt? Kung sakali mang pupunta si Thrizel kay Ryke, hindi naman iyon gagawin ng babaeng ‘yon lalo na’t wala pa silang closure nitong manliligaw niya dati. Link said earlier, Gio is with Thrale, wala ring alam si Kein. Saan ka p’wedeng pumunta? Si Amira ang pinakamatalik niyang kaibigan pero wala ring ala—wait?

"Link, you remember what I told you?"

Agad siyang napaharap sa akin. "Ano?"

"Na may kinikita si Thrizel dito, dito mismo sa coffee shop. Nabanggit niya sa akin ‘yon."

Naliwanagan naman ang mukha ni Link, halatang naalala ang aking sinabi. "Who is he?"

Ngumisi ako sa kaniya. "Phryx Recas."

"I remember that name, pupuntahan ba natin?"

"Of course."

Sabay kaming tumayo ni Link at lumabas ng coffee shop. Iyon nalang ang naalala kong kilala ni Thrizel. Ang tagal niyang pumasok sa isip ko dahil hindi naman iyon bukambibig ng babae. Sa ngayon, sigurado akong siya ang tumulong kay Thrizel. Malakas ang pakiramdam ko.

AGAD kaming nakarating sa bahay nito. Yes, alam ko kung saan siya nakatira lalo na nang marinig ko ang kaniyang pangalan na maraming estudiyanteng takot dito, isama na ang ibang guro. Isa rin ‘to sa inobserbahan ko kaso masyado ‘tong malihim kaya kakaunti lamang ang nakuha kong impormasyon tungkol sa kaniyang pagkatao.

"Sobra mo talagang pakialamero ‘no? Pati bahay ng lalaking ’to, alam na alam mo." Komento sa akin ni Link at pumunta na sa gate para magdoor bell.

"Palibhasa mahina ka sa ganito." Balik ko naman sa kaniya. "Wala kang malalaman kung hindi dahil sa akin, Link. Lalaking mahina ang pag-oobserba."

Natawa siya sa aking sinabi. Nagsalita siya habang lumilinga-linga sa gate. "Ang kapal ng pagmumukha mo, ako ang nakadiskubre na may gusto si Thrizel kay Thrale. Ang alam mo lang ay masasaktan si Thrizel kay Thrale, wala kang alam na gusto ng pinsan ko ang kuya niya ‘no. Thrale is right, hambog ka talaga."

Napasinghal ako. "Nasanay lang ako na gano’n ang magkapatid kaya hindi ko nakita. Ang pagkakamali ko, akala ko si Thrale ang may gusto, si Thrizel pala. Sa ano naman kung hambog ako? Dapat lang ipagmayabang ang nalalaman ko. Tsk."

Nangunot ang aking noo nang biglang humalakhak si Link. "Alam ko na iyang singhalan mo, Dominic. Napipikon ka na sa akin, ikaw ‘tong nag-umpisang mang-asar, ikaw din pala ang talo. Mahina." Nainis pa ako sa pag-iling-iling nito. "Saka mo na nga ako hambugan kapag nalaman mo na kung sino ang naglagay ng sex drugs sa inumin ni Thrizel."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now