Chapter 5:

4.5K 126 7
                                    

Thrizel’s POV

Nagmamadali akong maglakad dahil hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ramdam kong nakasunod sa akin ang kaibigan ko. Alam kong nagtataka na siya kung bakit ganito ang kinikilos ko. Huminto ako sa pinakadulo ng pasilyo kung saan kakaunti ang estudiyanteng dumadaan. Tahimik dito at ang tatlong silid ay hindi ginagamit.

"Uy, ano bang nangyayaring sa 'yo? Umayos ka nga!"

Tuloy pa rin ako sa pagluha. "Hindi ko alam! Hindi ko alam kung ano ‘to! Am I over acting?"

"Pinapalabas mo na naman na may gusto ka sa kaniya?"

"Hindi, ayoko!"

"Pati ako ay naguguluhan sa 'yo, nagseselos ka 'no?" Tumango ako na may pag-aalinlangan. "Ituon mo kasi ang atensyon mo sa iba, huwag lang sa kuya mo. Alam kong wala kang gusto sa kuya mo. Kaya ka nakakaramdam ng ganiyan ay baka gusto mo ay sa 'yo lang siya nakatuon, ayaw mo na siyang mapalapit sa ibang babae." Kinukumbinsi niya ang aking sarili.

Natigilan ako. Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. "Siguro ganoon nga." Malumanay at tumigil sa pag-iyak. Kailangan kong tigilan iyon. "Hays, ewan ko na lang."

"Tara na? Huling-huli na tayo sa klase. Anong oras na, e."

"Tara n—"

Natuptop ako sa aking kinakatayuan nang may mapansin akong babaeng nakauniporme na kasing tulad ng sa amin. Pumasok siya sa isang silid-aralan, abandonado na iyon. Ang likod ko kasi ay pader, ang nasa likuran naman ni Amira ay ang pasilyo. Sa pasilyo na may tatlong silid-aralan na abandonado na. Nakita ko talaga na may babaeng pumasok doon. Oras ng klase, malamang ay walang pagala-pagala na ka-grade level namin dahil mahigpit dito. Iyon din ang dahilan kung bakit dito ako tumuloy.

"M-May napansin ka?" Utal na tanong ko.

"Saan?"

"M-May babaeng pumasok sa pangatlong silid-aralan, ka-grade level natin. Bawal pumasok doon, hindi ba?"

"Wala, tayong dalawa lang ang nandirito. Wala akong tunog ng sapatos na narinig."

"Guni-guni ko lang." Sabi ko at hinatak na siya. Ewan ko pero nangilabot agad ako nang makita ko iyon.

Habang papalapit kami nang papalapit ay siya ring bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako kahit hindi ako sigurado na tao ba iyon. Nang matapat kami, hindi ako tumingin sa silid-aralan. Kaso biglang huminto si Amira. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking kamay kaya pati ako ay natatakot na. Kami lang ang dalawa sa pasilyo na ito.

"Thrizel." Kabadong sabi niya. Ramdam ko ring pasmado ang kaniyang palad at malamig. "T-Thrizel."

"B-Bakit?"

Kinakabahan na rin ako, Amira! Ano ba iyon? Hindi pa rin kasi ako lumilingon.

"T-Thrizel."

"Ano nga?!"

"Waaahhh! May ipis!"

Sabay kaming napatakbo pababa ng hagdan ni Amira. Ang bilis ng takbo namin kaya hingal na hingal kaming huminto sa baba. Kingina, may ipis. May ipis? May ipis?!

"IPIS?!" Sigaw ko rito. Kingina, ipis lang pala. Dala siguro ng takot ko ay hindi ko na naintindihan ang sinabi niya.

"Oo, mayro'n, e. Nasa tabi ng paa ko kaya hindi ako makahakbang baka lumipad."

"Tinakot mo ako, akala ko naman kung ano," sabi ko sabay irap dito.

"Ano bang akala mo?!"

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now