Chapter 56:

980 60 5
                                    

Thrale’s POV

"Kailan kayo matatapos?"

Agad silang napatingin sa aking gawi, naglayuan din sa isa’t isa. Bumaling ako sa iba at humawak nalang ng kung ano-ano. Nagtatanong lang ako, wala ng ibig sabihin iyon. Maayos ang reaksyon ko, walang kataka-taka roon. Gusto ko lang alamin kung bakit kailangan pang mangganoon? Lumalabas ba na wala akong tiwala kay Link? Hindi, may tiwala ako sa kaniya. Nagtataka ako sa aking isipan. Inuulit ko, anong gusto nilang iparating?

"Thrale, magpinsan naman sila. Wala ka dapat ipag-alala."

Nanlaki ang aking mga mata, natigilan ako. Hindi ko alam kung paano gagalaw para humarap kay Anissa. Anong ibig sabihin niya? Anong nasa isip nito? Ang pagtatanong ko ay kung kailan sila matatapos. Bakit iba ang pagsasabi nito sa akin? May nahahalata ba siyang iba? Wala dapat, dahil wala naman talaga.

"What are you saying, hon?" Lumapit ako sa kaniya. Pinulupot ko ang kanang kamay ko sa kaniyang baywang. "I’m just asking, wala naman dapat akong ipag-alala." Huminga ako nang malalim at humarap sa dalawa. Tuloy sila sa paghuhugas ngunit ang mga mata, sa amin nakatuon.

"Pero..."

Hindi natuloy ang sasabihin ni Anissa nang tingnan siya ni Thrizel. Gamit ang mga mata, alam kong nag-uusap sila. May tinatago ba ito sa akin? Bakit parang nag-iba ang temperatura sa loob ng kusinang ito?

Pansin kong naghugas si Thrizel ng kaniyang kamay. "Lalabas muna ako." Dumaan ito sa aming harapan na hindi kami tinitingnan. May mali talaga.

"We don’t need help." Malamig na sabi ni Link. Anong nangyayari sa kanila? "Dapat natulog na kayo, ayos naman kami ni Thrizel dito." Hindi ko gusto ang ugaling pinapakita ni Link ngayon sa akin, parang naglalabas siya ng sama ng loob.

Para makumpirma. "What’s wrong, Anissa? May mali ba?" Alam kong may alam siya, kitang-kita ko iyon sa mga mata niya. Kabisado ko siya kung kumilos. Sagutin mo ako.

"Wala naman, Th—"

"Just answer."

"I think..."

Lumipat ang kaniyang paningin kay Link. Ang pinsan ko naman ay tutok na tutok kay Anissa, inaabangan kung anong sasabihin nito. Parang maiinis siya kapag nagkamali ang girlfriend ko.

"Anissa?"

"Magkaaway lang yata sila Link at Thrizel? Ano bang nasa isip mo, Thrale?"

Nakampante naman ako sa kaniyang sinabi. Napapraning lang yata ako, pati siya ay natatanong kung ano bang nangyayari sa akin. Wala naman dapat akong ipag-alala. Isip ko lang ang nag-iisip ng kung ano-ano.

"I’m done." Pagbasag ni Link sa katahimikan. "Puntahan ko nalang si Thrizel  sa lab—"

"Ako na." Putol ko sa kaniyang sasabihin, wala naman naging tutol si Link sa akin. Para pa itong napangisi, umiling-iling na parang natutuwa. May iba sa kaniya.

Pinahatid ko nalang si Anissa kay Link, lumabas na ako ng bahay. Malamig na simoy agad ng hangin ang bumungad sa akin. Masyadong malamig lalo na’t malapit kami sa dagat. Saan nagpunta si Thrizel? Anong oras na.

Pero hindi kalayuan, nakita ko agad siya. Nakatalikod ito mula sa akin. Agad ko siyang pinuntahan at hinawakan sa balikat. Bigla itong napaharap, agad nangunot ang aking noo. Gano’n nalang siya magulat nang hawakan ko ito. Para bang hindi niya inaasahan na may hahawak sa kaniya. Sabagay, gabi na rin naman. Nasa madilim pa siya.

Thrizel’s POV

Nang makalabas sa bahay. Agad kong sinagot ang tawag ni Amira. Hindi ito ang dahilan kung bakit ako lumabas, kitang-kita ko sa mga mata ni ate Anissa na gusto niyang sabihin ang pagkakaintindi niyang si Link ang gusto ko. Hindi p’wedeng malaman iyon ni Thrale. Iisipin ko palang, alam kong magagalit siya sa amin. Kilala ko siya.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now