Chapter 46:

976 63 6
                                    

Thrizel's POV

"Arella."

Lahat kami ay nagtaka sa pagtayo ni kuya. Nakatingin ito sa labas. Para siyang may hinahanap o sinisipat. Nandodoon pa rin ang kaniyang atensyon kahit ilang beses itong tawagin ni ate Anissa.

Kaya tumayo si mom. "Thrale, are you okay?" Tumingin naman sa akin si mom at muling bumalik kay kuya. "Arella? Thrale? Are you dreaming? Bakit mo pa binabanggit iyon?" Tiningnan din ni mom ang tinitingnan ni kuya, tiningnan ko rin iyon. Wala namang tao sa labas kun'di mga sasakyang dumadaan lamang.

Arella? Naalala ko, binanggit ito sa akin ni kuya. Ito 'yong pinsan naming namatay, si Arella. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang banggitin iyon ni Thrale. Minumulto kaya siya?

"M-Mom." Paos ang kaniyang boses. Hindi niya alam kung paano sasabihin. "I saw Arella."

"She's dead, Thrale, umayos ka nga." Kalmado ang boses ni mom kaya napabalik ulirat niya si kuya.

Umupo ito pero hindi mawala ang pagkunot ng kaniyang noo. Kahit kumakain siya, alam kong iniisip niya pa rin iyon.

"Who's Arella?" Mahinang bulong sa akin ni Link na kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Our cousin." Sabi ko sa kaniya. Hindi niya ba iyon kilala? Ay, sabagay, medyo kasing edaran ko lang si Link.

"Ah." Tango tango nitong sabi.

Base sa obserbasyon ko, mukhang iniisip din ni Link kung sino ang Arella na iyon. Para bang narinig niya na ang pangalan.

Kanino bang pamilya si Arella?

Nasa gitna ako ng pagkain nang maramdaman kong nakatingin sa akin si kuya kaya tiningnan ko rin siya. Nakunot pa rin ang kaniyang noo, nag-iisip pero bakit kailangan pa akong tingnan?

"Thrale?" Mahina kong banggit sa pangalan niya. Hindi naman maririnig ni mom, magagalit iyon dahil hindi ko siya tinawag na kuya.

Pumikit siya at umiling-iling. Nagpapanggap na ayos na siya pero sa aking palagay, hindi.

LUMIPAS na naman ang ilang araw, wala na naman si mom sa bahay kaya medyo kabado ako sa aking sarili. Oo, sa sarili ako kinakabahan baka ano na namang maramdaman nito. Ayoko nang maramdaman ulit 'yon, bihira nalang iyon dahil minsan ko nalang lapitan si kuya. Mukha namang hindi siya nakakahalata dahil nandiyan naman si ate Anissa. Wala siyang hahanaping atensyon ko.

Dahil buryong-buryo na ako sa loob ng bahay, kinuha ko ang aking laptop at pumunta sa balkonahe. Tinawagan ko si Amira na nasagot naman niya agad.

"Hello, Thrizel, kumusta ka? Kumusta ang graduation ni Kuya Thrale? Pakisabi congrats." Nakaupo siya sa sala, kumakain.

"Mamaya." Sagot ko sa kaniya.

Nangunot ang kaniyang noo at sinipat ako ng maigi. "Are you okay?"

"Of course." Tumawa ako sa kaniya para ipaalam na ayos lang talaga ako.

"By the way, naalala mo pa si Kein?" Kein? Sino?

"Who's Kein?"

"'Yong kaibigan ni kuya, nakasigaw nga iyon kanina." Sa pagkaka-alala ko, kaibigan iyon nila Thrale kaso sobrang tagal na. Hindi na nagparamdam.

"Oh, tapos?"

"Tanga e, banggain ba naman 'yong truck, iyon nasa ospital HAHAHAHAHAHAHAHA." Umiling-iling si Amira. "Narinig ko lang kay kuya, hindi ko na rin kasi nakikita iyon."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now