Chapter 14

5.4K 181 85
                                    


Thrizel’s POV

Halos ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni kuya. Nakikisabay naman ako sa pagtatampo niya sa akin. Siya ang nauna at wala naman akong nagawang mali. Ngayon ay nasa paaralan ako, pinagkakaguluhan ng mga estudiyanteng babae. Tanong sila nang tanong kaya wala akong ibang nagawa kun’di ang sumimangot. 

"Kayo ba ni Dominic?"

"Wahhhh! Bakit kayo ni Dominic?!"

"Huhuhu, wala na ang papa natin."

"Dominic ko 'yon, e!"

"Hindi kami." Malamig na aking sabi. "Isa kayong malaking tangang nilalang kapag naniwala kayo sa usap-usapan." Umirap muna ako bago umalis doon. Nakakairita kasi! Porque magkasama ay kami na? Mga pananaw nga naman ng mga tao. 

Dumiretso ako sa silid-aralan para kunin ang aking bag. Nakita ko pa si Amira sa pintuan na halatang kanina pa ako hinihintay. Nang maayos ko ang aking mga gamit ay pumunta ako sa kaniyang gawi. 

"Tara na?" Pagyayaya ko. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon. "Lalakad lang ba tayo?"

"Ikaw ba?"

"Ikaw? Kapag maglalakad ka, maglalakad din ako."

"Maglalakad ako."

"Maglalakad din ako."

"Baliw ka talaga, Thrizel. Hahahaha!"

Wala kaming ibang ginawa sa kalsada kun’di ang magkwentuhan tungkol sa kung saan-saan. Napahinto lang kaming dalawa nang may humarang. 

"Oh, nakita kita ulit? Hihingi ka na ba ng tulong?" Lumapit ito sa akin habang naninigarilyo. Siya, siya ang nagyayaya sa akin na maging referee sa suntukan nila. 

"Ikaw na naman?" Inis na aking sabi. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ayoko."

"Nakikipagkita ka sa kaniya, Thrizel?" Sabat ni Amira. 

"Nakita, hindi nakipagkita."

"Hahaha, malay ko bang magkikita tayo rito? Basta kapag gusto mo ng tulong, puntahan mo lang ako rito!" Sabay turo niya pa sa aming pwesto. Tsk, ano ba siya? Dito nakatira?

"Tara na, Amira?" Tumaray pa ako rito ngunit siya ay nginisihan lang ako kaya mas lalo akong nainis.

"Adik ba 'yon, ba't ang daming tattoo? Sayang, ang gwapo pa naman."

"Hindi adik 'yon," sagot ko. "Mayaman iyon, sadyang gano'n lang ang itsura."

Hindi naman na kami nag-usap ni Amira hanggang sa makarating sa aming bahay. Kumaway muna siya bago pumasok sa loob nila. Papasok na dapat ako nang mapansin ko si Elkhurt sa bintana ng kaniyang kwarto na nakatayo, naninigarilyo pa. Nakatingin ito sa akin na parang sinusuri ang kabuuan ko.

Takte, ano ba 'to?

Hindi ko na siya pinansin, pumasok na lang ako sa loob. Pagkapasok ko ay sila kuya at dad ang bumungad sa akin.

Nagmano ako kay dad. "Papasok na ho kayo?"

"Oo, anak, kailangan ako ni Chief."

Pulis kasi si dad kaya madalang lang siya rito sa bahay lalo na't maraming nangyayari dito sa ating bansa. Tumango ako at tumingin kay kuya na ngayon ay nanonood sa telebisyon. Nagpapanggap na hindi niya napansin ang presensiya ko.

"Oh, 6:00 pm ka na nakauwi, anak? Ang tagal mo naman." Puna ni mom na pababa ng hagdan.

"Naglakad lang ho kami ni Amira." Magalang kong sagot habang hinuhubad ang aking sapatos. "Masaya naman din po."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityDove le storie prendono vita. Scoprilo ora