Chapter 28:

1.2K 62 12
                                    

Thrizel’s POV

Dumating ang uwian. Laking pasasalamat ko naman doon dahil kanina pa ako buryong-buryo sa klase. Tiningnan ko kung saan nakaupo si Blue, wala akong nakitang pigura niya. Ano nalang ang ipapaliwanag nito sa kaniyang mga guro dahil sa pagliban niya sa apat na asignatura? Tsk.

Hinatak na ako ni Amira palabas ng silid. Naglakad na kaming dalawa ngunit huminto ako at nag-isip. Taka pa akong tiningnan ni Amira, ang mga tingin ay nagtatanong kung bakit ba ako huminto.

"May pupuntahan lang ako." Sabi ko sa kaniya. "Tara?"

Walang naging angal si Amira, sumunod nalang ito sa akin. Kahit naman kasi saan ako pumunta nakasunod talaga itong si Amira sa akin. Bawat estudiyanteng nadadaanan namin ay tinatanong ko dahil hindi ko alam kung saan ang patungo papunta roon. Tumitingin din si Amira sa mapa ng paaralan. Salamat naman, hindi kami naligaw sa pangalawang pagkakataon.

Pumunta ako sa detention room. Binuksan ko ang pinto, bumungad sa akin si Blue na nakaupo sa sahig na nag-iisip. Sumandal ako sa pader at nginisihan siya. "Kumusta ka naman dito?" Pumasok ako sa loob at inilibot ang paningin. "Poor man." Napailing-iling ako. "Ano kayang punishment mo? By the way, nakakapagod ba?" Humarap ako sa kaniya. Ngisihan ko siya.

Nakuha nitong magkunot noo marahil ay nagtataka kung anong sinasabi ko. "What do you mean?"

Napatawa ako. Natutuwa na wala siyang kaalam-alam. "Do you still remember when you took my phone?" Tinaasan ko siya ng kanang kilay. "You’re playing with me so ginawa ko rin." Umupo ako para magkapantay kami. "Mr. Blue Valle, I borrowed Brooks cellphone to get revenge on you." Tumayo ako saka tumawa. Humarap ako kay Amira. "Let's go."

"Seriously, Thrizel?" Seryosong pagtatanong nito. Ngayon lang ito naging nagseryoso. "For fuckin’ fuck’s sake, I was late for class and I was even punishe—"

"So I don’t care." Putol ko sa kaniyang sasabihin. "Nakikipaglaro ka pero hindi ka tumatanggap ng pagkatalo?” Seryoso akong nagsalita. "Nakipaglaro ka sa hindi mo kilalang tao. So anong tawag sa ‘yo ngayon, Blue? You are freaking stupid."

"Asawa ka lang naman ni Brooks, ano bang pinapalabas mo?" Nakuha na nitong tumayo. Pumunta siya sa aking harapan at tumingin sa aking mga mata. "Malala ka pala gumanti." Napatango-tango siya. "So I’m not done with you yet." Tumingin siya sa pintuan. "Sir is coming, lumabas na kayo." Nginisihan niya muna ako bago bumalik sa inuupuan niya kanina.

Akala niya natakot niya na ako? Of course not. "I'm waiting." Ngiti ko sa kaniya ng matamis at tuluyan nang lumabas. Good luck, Blue.

"Kaya pala hiniram mo ang cellphone ni Brooks." Sabi ni Amira sa gitna ng paglalakad namin. "Buti pinahiram sa ‘yo ‘no? Grabe naman ang tiwala sa ‘yo no’n."

"Medyo." Sagot ko nalang.

NAKARATING na ako sa bahay. Walang tao ang bumungad sa akin kaya sumigaw ako. "Mom! Dad!" Hays, tuwing ganitong oras ako umuuwi ay sumasalubong sila.

Lumabas si Manang Perry dahil sa aking sigaw. "Hija, nasa kwarto ang mommy’t daddy mo, nag-iimpake."

Iimpake?

"Bakit po?"

"Luluwas yata sila ng bansa."

Dahil doon ay napatakbo ako sa kanilang kwarto. Naabutan ko nga silang nag-iimpake. Nagsalita ako. "Mom, dad, where are you going?"

"I’m sorry, baby, kailangan naming lumuwas ng bansa, nalulugi na ang kumpanya natin doon." Lumapit sa akin si mom para yakapin ako. "Uuwi agad kami ng maaga kapag naayos na, ah?" Humarap siya sa akin at ngumiti. "Thrale is here, may mag-aalaga sa ‘yo, nandiyan din si Manang Perry."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now