MD 57B - MOMENTS

128 3 0
                                    


| YESHA VERA |


Kasalukuyan akong mag-isa sa sofa sa labas ng kwarto namin, wala sa sariling nakatitig sa pintuan. Napabuga ako ng hangin. Bakit ba naman kasi napakatsismoso ng letsugas na 'yon? Makikinig na nga lang, hindi pa nag-ingat. Engot! Did he really think I won't notice him just because he was hiding behind the wall? Tangina! Nagtago na siya sa lagay na 'yon? Wow, effort, ah!

Pero...naalala ko ang nangyari sa pagitan nila ng grupo ni Owen. May ibubuga din naman. Malakas, magaling, at mabilis. Bahagya akong natawa at napailing sa naisip. May gano'ng side pala siya pero ako ang war freak? Iba rin!

Patuloy ako sa pagmumuni-muni dahil wala namang pasok at wala si Ellie. Isa pa ang amazona na 'yon at ang simpleng assignment daw niya. Simple pero nag-extend? Sinong niloko niya? But then again, ano kayang assignment 'yon? I'm not worried dahil alam kong kaya niya. Nakakapagtaka lang na sa kanya binigay at kasama pa si 'Nay Lucy.

I should probably look into that. A simple assignment wouldn't require the best that we have. Something's off.

"Ate," naputol lang ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Liam. "Lunchtime." Tumayo na ako at sabay kaming bumaba.

"Bored?" tanong ni Mama sa kalagitnaan ng lunch namin.

"Medyo, Mama. Wala si Ellie, eh. Hindi ako sanay na wala siya."

"That's so sweet."

"Hindi ako sanay na hindi pinapasakit ang ulo niya." I laughed. Asa pa siyang ma-miss ko siya. Minsan lang ako makawala sa kanya!" Mama chuckled, obviously not buying what I said. "Pauwi na po siya mamayang gabi." Dahil kung mag-e-extend pa siya, susugod na talaga ko. Pero hindi ko talaga siya miss. Hindi talaga!

Mama nodded. "Mamaya pala we'll have dinner at your Tita Olivia's house."

Halos maibuga ko ang isinubong kanin. "What? Why? We just had lunch out yesterday."

"Kaya nga lunch out 'yon. Ngayon gusto nila sa house naman nila."

"Okay, Mama. Pero dito na lang po ako. Hindi na ako sasama." No way! Hinding-hindi ako pupunta sa teritoryo ng letsugas na 'yon!

"No! Sasama ka. Wala kang kasama rito."

"Mama, I'll be fine kahit mag-isa ako rito." At ayon na nga nag-drama na siya na sinamahan pa ni Liam. I let out a heavy sigh. "Okay, sasama na ako."

"Really?"

"Yehey!"

Sabay nilang saad. I lazily nodded. May magagawa pa ba naman ako kung pang-award winning acting niyo?

"Great! After kumain maghanda na kayo at pupunta na tayo."

"Ha? I thought dinner pa?"

"Oo nga, but of course, we will prepare also. Sa garden kasi 'yon tapos barbeque and ihaw-ihaw ang peg namin." Mama giggled.

Napailing na lang ako. "I wonder where I got my wits from."



"Chase, ano pa bang ginagawa mo riyan? Baba ka na rito," pagtawag ni Tita Olivia matapos kaming papasukin sa bahay nila.

Sinundan ko ng tingin ang kausap ni Tita. Nasa second floor si Chase at nakatingin sa amin—more like sa 'kin. And needless to say, his stare was shouting I'm not welcome in their house. Trust me, napilitan lang din ako.

Tinungo niya ang hagdan at bumaba. "Hi, Tita Reese," bati niya kay mama tapos tumingin sa 'kin, head to foot. Tapos agad nag-igting ang panga niya.

Anak ng! Ano, ayaw na naman niya sa suot ko? Oversized jacket, jeans, and white sneakers, hindi pa rin pwede? Balot na balot na nga ako!

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon