MD 38 - MYSTERY VOICE

1.1K 40 2
                                    


| YESHA VERA |


"Okay check muna kita."

"What the hell are you talking about, Ellie?" Nakatayo kami sa parking lot ng school at pilit niya akong pinapaikot para sa checking daw. Kung ano mang checking ang tinutukoy niya.

"Baka kasi wala ka pa sa mood para alam ko kung paano mag-a-adjust."

I can't help but roll my eyes. "Are you serious?!" asik ko. Alam ko namang nitong mga nakaraang araw Wala ako sa huwisyo pero kailangan ba talagang may checking pang maganap? Anong paki ko kung masungitan sila sa 'kin? Bahala sila sa buhay nila!

She laughed at me. "Nah, I'm just messin' with you. But, seriously ayos ka na ba?"

"Maayos ako, Ellie," walang emosyon kong sagot. Binigyan niya ako ng tinging hindi naniniwala. Sometimes, nagtataka ako kung paano naming natitiis ang isa't isa. "Fine! As long as wala na namang letsugas na sisira ng araw ko o mang-aangkin ng kung anu-ano, then I'll be okay," pag-amin ko. Anak ng! Hindi na naman niya titigilan buong araw 'pag hindi ako nagsabi ng totoo.

"That's impossible," aniya sabay turo niya sa parating.

"How long do you plan to block the way?" Chase demanded.

Anak ng! Kasasabi ko lang! Sa tingin ko talaga, hindi magiging tahimik ang buhay ko sa iskwelahang 'to. Nuknukan ng dami ng letsugas, eh!

"Mauna na ako ha. Goodluck!" paalam ni Ellie at mabilis kaming iniwan.

"Bakit? Sa'yo rin ba 'tong daan?" I retaliated. Magkapag-demand ng sagot sa amin akala mo tagapagmana ng school.

"No, but is it yours at nakaharang ka riyan?" he countered.

"Gaano ba kalaking space ang kailangan mo para makadaan? Hindi naman pang bouncer 'yang katawan mo." I eyed him. "Patpatin," dagdag na bulong ko.

"Patpatin? Baka maglaway ka 'pag nakita mo tong katawan ko." He smirked and took a step nearer.

Asa! May kilala akong mas maganda ang katawan pero hindi ako naglaway, sa 'yo pa kaya? "Baka gusto mo tumungo pa ako habang dumadaan ka bilang respeto mahal na SC President?" I asked sarvcastically.

"Don't mind if you do," he replied.

Gumilid na lang ako at baka mawala na naman ako sa mood masapak ko lahat ng lumapit sa akin. Nakakapagod na rin makipagbalitaktakan. Ang aga-aga! Ano ba, bakit ba ganito ang umpisa ng araw ko? "Bakit hindi ka pa dumaan?" Tumabi na nga ako, nakatunganga pa rin? "Ano pang hinihintay mo, red carpet?"

"Nope," he shook his head, "tutungo ka, 'di ba? Bilang respeto?"

I was stunned... for a second, maybe. Ako? Tutungo sa isang gaya mo? Not even in a million years. Who the fvck do you think you are to ask that from me? "Eh kung sipain na lang kita para mas mabilis ka makarating sa room?"

"That won't work," he replied, leaning in closer to level with my gaze. "Eh kung maging akin ka na lang tapos sabay tayong maglakad papunta sa room?"

My eyes almost bulge out. The fvck he's saying?

"Oh, my god girls! Did you hear that?"

"Oo nga! I hate that girl pero nakakakilig 'yon. Yiieeee!"

"Me, too. Now I hate that girl even more."

Nagsimulang magbulungan ang mga babaeng nakakarinig sa usapan namin.

Great! Now they hate me more. As if I care!

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon