MD 70

930 35 5
                                    

Author's Note:

My Destiny Book 2 already published 💙

Link: https://my.w.tt/f8SpCBODzZ

Or visit my profile: ghiecolumbres

CHASE POV

Pagkakita ko pa lang kung sinong tumatawag agad na lumalim ang paghinga ko.

"Sunduin mo siya."

Nag-igting ang panga ko at naglaban ang mga ngipin nang makita ko si Yesha. Nakatali sa upuan, gulo-gulo ang buhok, namumula ang pisngi. Sigurado akong dahil sa pananakit iyon.

Halos magsugat ang sariling kamay ko sa pagkuyom ng kamao.

Pagbabayaran niyo 'to.

Napatungo siya nang makita ako pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga luhang umaagos sa mga mata niya.

Nagngingitngit ang kalooban ko pero hindi ko maitatanggi ang kaba at takot. Takot na baka may mangyari sa kanya.

"Ahh oo nga pala, dalian mo. Baka kasi hindi mo na abutan ang best friend mo."

Napamura ako nang tumambad ang isang lalaki. Duguan, hinang-hina, sira-sira na ang damit, at malamang humandusay na sa sahig kung hindi lang siya hawak ng dalawang tao sa magkabilang braso.

Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaharurot yun. Siguradong nasa parehong lugar sila. Hindi ko mapigilan ang galit sa nakita.

Tangina! Dalawa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko ang pinuntirya nila!

Hindi ko mapapalampas 'to. Magkakamatayan tayo, Javie oras na may mangyari sa kanila.

Wala na akong pakialam sa magiging kapalit basta mapatay lang kitang hayop ka!

Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko nang dumating ako sa lugar. Kita ko ang dalawang taong nakasalampak sa daan. Ang isa'y walang tigil sa pag-iyak. Ang isa nama'y hinang-hina na. Yakap-yakap ang isa't isa.

Mabagal akong naglakad patungo sa kanila. Pagkalapit ko ay agad kong niyakap si Yesha. Gusto kong magwala nang malapitan ko nang makita ang itsura niya. Magang-maga na ang mata sa pag-iyak, lalong namula ang pisngi at may mga galos sa braso.

"Si L-lucas." Takot na takot na aniya.

Halos mabaliw ako nang makita ang nangyari sa kanya.

Tangina, Javie!!

"N-nandito ka na. Take care of h-her."

Nataranta ako nang bigla na lang siyang bumagsak.

"Lucas!!" Sigaw ni Yesha.

"Kaya mo ba ang sarili mo? We need to take him to the hospital."

Tumango naman siya. Maingat kong binuhat si Lucas at sinakay sa likod ng kotse. Tinabihan siya ni Yesha.

Mabilis kong pinaandar ang kotse at walang tigil ang pagbusina.

"Lucas, please huwag mong gawin sa akin 'to. Ayoko. Please." Pagmamakaawa ni Yesha.

Ako man ay hindi ko mapigilan ang maluha.

Matagal na kaming walang pakialam sa isa't isa pero kahit kailan hindi na mababago na kapatid ko na siya.

Humigpit ang kapit ko sa manibela. Tangina! Tangina talaga!

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng nurse.

"Nabugbog po. Please, pakitingnan siya."

"Kami na ang bahala sa kanya. Hanggang dito na lang po kayo."

My Destiny (Book 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt