MD 49 - COMFORT

1.1K 52 22
                                    

Author's Note:

Naks! First time! Hahaha!
Dumadami po yung nag-aadd sa reading list nila ng My Destiny.. Thank you so much! Kilig much ako!

Pafollow and vote na rin my lovies!

And feel free to comment para mas maimprove ko pa yung story.

Thanks much! Happy reading everyone! Mwah!


| YESHA VERA |


"Akala ko ba kakain na, bakit nandito pa kayo?" tanong ko sa mga kaibigan nang bumaba ako at nakitang lahat sila nasa sala pa.

"Hinintay ka namin," si Kaiden ang sumagot.

"Bakit, nasa 'kin ba ang pagkain?"

Alanganing tumawa siya. I rolled my eyes. Ito na naman po kami. Akala na naman nila galit ako. Isa-isa ko silang tinignan. "Aayos kayo o lahat kayo gugulong palabas?" I faked a smile.

"Sabi ko kasi sa inyo tara na eh." Tumayo na si Dustin at pumunta ng dining.

"Ang bagal-bagal niyo." Sumunod na rin si Kaiden. "Masama pinaghihintay ang pagkain."

Everyone stood up and followed him... except for three people.

Chase. Lucas. Seb.

I turned to their direction. Si Chase ay tumayo rin pero prenteng-prenteng naglakad na akala mo nasa bahay niya. At sa mismong harap ko pa talaga siya dumaan. I still have the urge the throw him out. Letse siya!

"Kayong dalawa, ano pang ginagawa niyo riyan?" baling ko kina Seb at Lucas.

"Nakaupo," Seb replied.

Oo nga naman! Tama naman siya. Sa ganitong pagkakataon inasahan kong si Lucas ang sasagot nang pabalang pero hindi siya nagsalita at seryoso lang na nakatingin sa kung saan. Nakakuyom pa ang mga kamay niya.

Ano na naman problema niya?

"Kain na muna ta—"

"Sinundo ka lang namin," Lucas cut my words short.

Tumaas ang kilay ko. Whatever his problem is, don't tell me, damay na naman ako? "Pagkakatanda ko, si Seb ang sinabihan kong sumundo sa 'kin." Sasama-sama sa pagsundo tapos ganyan siya? Isa pang ang sarap sipain palabas.

"Gano'n ba? Sorry ha? Nakaistorbo pa ako. Maghihintay na lang ako sa kotse," aniya at tumayo.

"Lucas, ano pang ginagawa niyo rito?" Sumulpot si 'Nay Lucy. "Bakit hindi pa kayo sumunod? Kanina pa nando'n ang mga kaibigan niyo."

I laughed inwardly. Si Chase at si Lucas, magkaibigan? That's hilarious. Sa tuwing nagkikita silang dalawa, hindi nawawala ang palitan nila ng nakamamatay na tingin. If that's the definition of friends, then hell yeah, they're friends. Best of friends!

"Tita, sinusundo lang po namin si Yesha. Maghihintay na lang po ako sa kotse."

"Ayy anong maghihintay? Hindi! Kakain ka." Hinawakan na siya nito braso saka hinila. Wala na siyang nagawa. "Ikaw rin, Seb, kakain ka rito."

Seb followed them.

So, sa akin walang mamimilit? Sumunod na rin ako since wala talaga.

"Kain lang kayo ha? Huwag mahihiya, masarap lahat 'yan." Naglapag ng calamansi fish fillet si 'Nay Lucy.

"Mukha ngang masarap 'Nay!" excited na sagot ni Kaiden, hawak na ang kubyertos. Maglalaway na rin yata.

"Huy! Anong 'Nay?" tanong ni Niko.

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon