MD 66

871 36 9
                                    

CHASE POV

Buong araw ng Sabado nagkulong ako sa kwarto. Walang ganang kumain. Walang ganang tumayo. Kahit maligo, wala.

Parang pabor pang nasira ang phone ko. Walang nakakakulit sa text at tawag. Walang istorbo.

Maghapon lang akong nahiga. Pipihit sa kanan. Pipihit sa kaliwa. Pagulong-gulong. Parang tanga.

Hindi naman ako makatulog dahil sa tuwing pipikit ako, nagre-replay sa utak ko ang nangyari.

Tanginang yan!

Ni hindi ko alam kung paano ako nakatayo pagkatapos niyang umalis. Hindi ko alam kung paano ako nakapagdrive pauwi.

Naririnig kong nagtatanong sila. Nagsabing ihahatid ako pauwi pero hindi ko matandaan eksakto kung sino.

Naaalala kong kinausap ako ni Ellie tungkol sa sinabihan na kita dati pero hindi ko rin naintindahan.

May sugat din ako sa kamao pero hindi ko matandaan kung saan ko nakuha.

Naupo ako sa kama. Ginulo ang buhok na hindi ko pa nasusuklay. Bumuntong-hininga. Gusto ko siyang kumustahin pero baka galit pa siya.

Tinuktok ko ng dalawang beses ang ulo.

Malamang galit pa siya! Kahapon lang nangyari diba?

Ano bang gagawin ko? Hindi ko naman talaga intensyon ang makasakit. Alam ko ring invasion of privacy yun at sensitive ang issue na yun sa kanya... But I just can't bring myself to delete that video.

Actually, nang sinabihan ako ni Ellie, nagback up ako kaya kahit nasira phone ko may kopya pa ako nun.

Napahilamos ako sa mukha. Ano ba 'tong nangyayari sakin?! Am I really just using you? Am I really annoyed with you? Eh bakit ganito? Ayokong nakikitang umiiyak ka o kahit malungkot man lang. Gustung-gusto kong makita kang nakangiti kahit pa hindi ako ang dahilan. Gustung-gusto kong iniinis ka kasi...

Fvck!

Dumating ang araw ng Linggo. Ganun pa rin sana ako pero kinatok na ako ni Mommy sa kwarto. Binantaan na tatawagan ang mga kaibigan ko pag hindi pa ako lumabas. Wala akong nagawa. Ayokong malaman nila ang nangyari.

Pagdating ko sa dining area...

"Walang kain, walang suklay, walang ligo, malalim at maitim ang ilalim ng mata, mukhang wala ring tulog." Sambit ni Daddy.

"Mukhang zombie." Dagdag ni Hunter.

"Overall verdict. Brokenhearted." Usal ni Mommy na naglagay ng food sa plate ko.

"Basted?" Tanong ni Hunter.

"Nanligaw ba?" Tanong naman ni Daddy.

Peste! Pagkakaisahan na naman nila ako.

"Hmmm.. Kilala namin?"

"Yesha ang pangalan?"

Nabitiwan ko ang kubyertos at napapikit. Hindi pa ako nakakaisang subo, nawalan agad ng gana.

Tumayo ako at paalis na sana nang may marinig na pamilyar na boses.

"Hello? Tita Olivia?"

Napalingon ako. Mommy is holding her phone.

"Ah iha, may gusto lang sana akong--"

Inagaw ko ang phone at pinatay ang tawag. Bumalik ako sa upuan at tahimik na kumain.

Paalis na sana ulit ako pagkatapos kumain pero pinaupo ako ni Mommy.

"We don't know what happened but I'm sure hindi mo siya nililigawan kaya hindi ka nabasted. Hindi ko na rin itatanong kung anong nangyari dahil halata namang ayaw mo sabihin."

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon