MD PROLOGUE

2.2K 63 2
                                    


Sandali akong natigilan sa pagbabasa nang may tumayo sa harapan ng duyang kinalululanan ko. Sinulyapan ko ito saglit at agad ding binalik ang atensyon sa librong binabasa.

Madalas ay wala akong pakialam sa paligid ko. Kahit siguro may magrambol sa harap ko, hindi ko tatapunan ng tingin, basta huwag lang akong madadamay. Huwag akong papakialaman.

"Hoy!" anang nasa pinakaharap at bahagyang ginalaw ang duyan. Hindi ko sana papansinin dahil wala talaga ako sa mood ngayon, pero muli niyang ginalaw ang duyan at mas malakas na ito.

Inangat ko ang paningin sa kanila. Mga kalalakihang mukhang magbabarkada. Sa paglapit pa lang nila sa'kin masasabi ko ng dayo ang mga ito. Hindi nila kilala ang kaharap nila.

Muli kong ibinalik ang atensyon sa libro.

"Wooaahhh! Dinedma ka, bro," pang-aasar ng isa sa nasa harap ko.

Hinablot nito ang earphones na suot ko.

I tried to ignore but hey, wala akong magagawa kung gusto nilang mag field trip—sa ospital.

I looked at them, a look that would give anyone chills. Bahagyang natigilan ang nasa harap ko at humakbang paatras.

A smirk formed on my lips, a devilish one. "I am not in the mood. Better leave."

Ilang segundo pa bago sila nagtawanan.

"Wala daw siya sa mood, bro." One laughed

"Para namang may paki tayo." Another one laughed.

Tumawa rin ang nasa harap ko. "Eh ano naman kung wala ka sa mood?"

"Leave," utos ko at bumalik na sa pagbabasa.

"Minamaliit ka ata, bro."

"Hoy! Ikaw ang umalis. Gusto ko ang duyan na 'to."

"In case hindi mo nakikita, maraming duyan diyan." Tinuro ko ang mga bakanteng duyan ilang metro ang layo sa amin.

"Eh ayoko do'n eh. Gusto ko ito. May magagawa ka ba?" maangas na tanong niya sabay hampas sa librong hawak ko dahilan para lumipad iyon.

Bumuntong-hininga ako. "That's a new book," walang gana kong imporma. "Alam mo bang iniingatan ko ang bawat libro ko?"

"Alam mo rin ba na walang paki? Kaya umalis ka na diyan!" He pushed me.

"Ayaw ko rin na may humahawak sa'kin," I said coldly.

I gave them another devilish smile before everything got out of hand.



"What the hell!" hindi makapaniwalang ani Ellie saka napanganga habang nakatingin sa pitong lalaking namimilipit sa buhanginan. "Wala pa akong limang minutong nawala!" inis na dagdag niya.

"I told them I'm not in the mood."

"Hindi pa nga nakalalabas 'yong mga pinadala mo last week and now meron ka ulit ipapadala sa ospital!"

"They started it."

Napapikit na lang siya at nilapitan ang isa na tila may gustong sabihin.

"Ano?!" sigaw niya rito. "Kung bakit ba naman kasi sa dami ng pagtitripan niyo 'yang bruhang 'yan pa!" Turo niya sa'kin.

Dahil namimilipit pa rin ito sa sakit, hirap na hirap siyang itinuro ang dagat sa harap namin.

Nanlaki ang mga mata ni Ellie nang makita ang itinuturo ng lalaki. Mabilis siyang napatingin sa akin. "You did that?!" galit na tanong niya.

"Sabi niya kasi gusto niya 'yong duyan. So, I placed him in that ring floater and tied the 'duyan' that he likes around him. At least now, he can have it all by himself." I shrugged.

Nganga si Ellie.

"Inaanod na siya! And he could drown!"

"Then send flowers." I just shrugged again. As if naman may paki ako kung malunod siya.

Napapikit na lang siya upang kalmahin ang pataas na niyang galit.

"I'll go ahead. Sa hotel na muna ako. Ang daming bwisit dito baka may maipadala na naman ako sa ospital...or worse sa morge. Ubos na pera ko." I left the scene, unbothered by the men's groans of pain.

Rinig ko pang may tinawagan si Ellie sa cellphone niya. Must be lifeguard's office.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad hanggang sa maagaw ng pansin ko ang dalawang taong kumukuha ng picture. Mukhang mag-jowa.

Doon ko lang napansin na palubog na ang araw.

Tch! Why are they taking pictures with the sunset as their background? A lot of people find it beautiful, I don't. What's so beautiful about it when it only brings back painful memories?



"No!! Please! Don't leave me! No! No! No!"

Humahangos akong napabalikwas mula sa pagkakatulog. Nanginginig ang buong katawan. Pawis na pawis. Basa ng luha ang pisngi.

Niyakap ko ang mga tuhod at doon muling umiyak nang umiyak.

That dream again. It keeps coming back. Muli kong naramdaman ang pagsikip ng aking dibdib. Parang may nakadagan na kung ano na kahit anong gawin ko, ayaw maalis. Ang maliliit na karayom na tila tumutusok rito nang paulit-ulit at palalim nang palalim.

The pain is unbearable. I am so damn tired of feeling it. When will it stop?

Will it ever stop?



***

This is my first story so bear with me. May mga wrong grammar, wrong spelling at konting kabaliwan ng author. Unti-untiin kong ayusin.

If you like this story, pa-follow na lang for updates. (^_−)☆

Wattpad: iamghiemc

Twitter/IG/FB: iamghiemc

See you! 

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon