MD 43 - ABSOLUTELY EVERYTHING

1.1K 35 2
                                    


| LUCAS LEDESMA |


Napamura ako nang lumabas pa ang limang bata ni Alex. Nakalimutan kong mayabang nga pala 'to pag alam niyang may nagtatago siyang mga bata sa paligid.

Mag-isa lang ako. Hindi naman sa hindi ko kaya pero kailangan kong protektahan si Yesha. I looked at her. She was just looking at the guys in front of us. She's really different. Limang lalaking may hawak na dos por dos ang nasa harap namin at handang sugurin kami pero blangkong nakatingin lang siya sa kanila. Kahit konting takot wala akong makita sa kanya.

"Sa kaaway ka tumingin huwag sa 'kin." She suddenly spoke without looking my way. "'Pag nabangasan ka, sasapakin kita." Despite her warning, a smile actually formed on my lips.

"Taenang 'yan!" mapang-insultong tawa ni Alex. "Talagang nakuha niyo pang maglandian? Sugurin 'yan!" he yelled. Kanina pa dapat para lumayas na sila. Isa silang malaking hadlang. Gutom na si Yesha at dapat kumakain na kami.

Naiwasan ko ang unang sumugod at nagawang agawin ang armas niya. Pagkaagaw ko ay agad ko siyang hinampas sa tuhod. Napaluhod siya, kasabay no'n ang pasipa ko sa kanya.

Pinalibutan ako ng tatlo. Lugi talaga ako. Lima laban sa isa tapos may mga armas pa sila. But then, I smirked knowing damn well na lugi lang ako sa bilang at sa armas pero sa lakas at galing, sila ang lugi ro'n. Naging alerto ako, pinakiramdam ang susunod nilang kilos pero parang may mali. Bakit tatlo lang 'to? Nasa'n 'yong isa?

Nagpadausdos ako at mabilis na pinatid ang mismong nasa harap ko. Nang matumba siya ay agad kong binagsak ang katawan sa kanya, una ang siko.

Sumugod naman ang nasa likod ko. Bago pa siya makaabot sa 'kin, hinampas ko na siya. Tatlo na ang bumagsak, dalawa na lang. Susugod na sana ako sa susunod nang biglang may nagsalita.

"Ano kayang mangyayari kay Lucas 'pag nasaktan ka?" Nanlaki ang mata ko nang makitang sakal ng isa si Yesha. Dahil do'n ay nagawa akong mahampas sa likod ng isa pa. Bumagsak ako sa lupa.

"Bitawan mo siya!" sigaw ko pero inapakan niya lang ang likod ko. Itinayo ako ng isa pa at akmang susuntukin sana nang may pumigil sa kamaong dapat ay tatama sa mukha ko.

I looked up and saw her. Kumurap-kurap pa ako dahil baka namamalik-mata lang ako pero hindi. Siya talaga. Hindi ko alam paano niya natawid ang distansya namin. Kanina ay sakal-sakal siya ng isa. Paanong... Ni hindi ko namalayan na lumapit siya.

"Nakaisa ka na, okay na 'yon." She threw a cold-blooded stare at the guy who's supposed to attack me. Then, her gaze dropped to me. "Hindi ba't sinabi ko, sasapakin kita 'pag nabangasan ka?" she asked na parang mas magalit pa siyang natamaan ako kaysa sinakal siya ng hayop na 'yon.

"Yesh..." Words left me. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon. Iba kasi ang inaasahan ko mula sa kanya. I thought she would be scared or maybe crying pero hindi! Ito siya at pinapagalitan ako dahil natamaan ako! What the hell!

"Ikaw," turo niya sa lalaking humawak sa kanya kanina na ngayon ko lang napansing nakahandusay na sa daan at namimilipit sa sakit. Nalaglag ang panga ko. What happened to him? "Ayaw na ayaw kong hinahawakan ako ng kung sinu-sino lang." The guy continued clutching his stomach, rolling left and right on the ground. Seriously, anong ginawa ni Yesha sa kanya? Mas malala pa ang pagdaing niya kaysa sa sinikmuraan ko kanina.

"Yesh, please step aside," pakiusap ko. Maaaring napabagsak na namin ang apat sa kanila pero wala akong tiwala sa mga hayop na 'to. Baka may mga nakatago pa kung saan. At hindi na lang kahoy ang dala.

'Pag may nangyaring masama kay Yesh, baka maging kriminal ako nang wala sa oras. Just the thought of her getting hurt, already infuriates the sh*t out of me.

My Destiny (Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora