MD 31 - REALITY

1.2K 34 3
                                    


| ELLIE SANTILLAN |


"How's Yesha?" asked Lucas, worried. Kabababa ko pa lang ng kotse kaya nagulat ako na naghihintay pala siya. Sinundan ko muna ng tingin si Yesh, hindi siya nakita. Paanong makikita siya eh paghinto ko ng kotse, agad na siyang lumabas at dumiretso sa school.

Binalik ko ang tingin kay Lucas. "What happened?" balik-tanong ko sa kanya.

He frowned. "What do you mean what happened?"

"Anong ginawa mo?"

"What?! Wala akong ginawa kaya nga tinatanong ko kung kumusta siya."

I looked at him sternly. He was indeed telling the truth. Besides, nag-effort pa siyang maghintay para lang magtanong. It's so unlike him. Si Lucas na araw-araw kabangayan ni Yesh, hinintay siya ngayon para kamustahin. Wow!

"Something happened. Wala ka bang idea?" I asked again. Hindi naman aakto nang gano'n si Yesha para lang mag-inarte. He shook his head. Mukhang wala talaga siyang ideya. "She's been like that simula nang dumating siya kagabi," I informed him. "Walang emosyon. Walang kinakausap. Parang walang kasama."

"Ganyan din siya kahapon."

Muli kong tiningnan ang dinaan ni Yesh. Napabunga na lang ako ng hangin. Wala pa nga kaming isang linggo rito. "Lucas, kilala ko ang kaibigan ko, hindi siya magkakaganyan kung walang nangyari."

"Pero wala talaga ako ginawa," he replied softly.

Napangiti ako. He looked so worried, parang gusto na ngang sundan si Yesh at kausapin. Tingnan mo nga naman. Sinasabi ko na nga ba...

"I believe you," I said sincerely. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya. Yesh could use a new friend. Ang tagal nang malungkot ng kaibigan ko, maybe she just needed new people in her life to live it differently. "But something must have happened. Something might have triggered her pain." Gano'n naman lagi 'yon. "But don't worry, kakausapin ko siya. Sige, sundan ko na siya." Paalam ko at ngumiti.

"Wait," pigil niya. I halted and turned to face him again. "Kahapon habang naglilinis kami bigla siyang umalis. Pagbalik niya ganyan na siya. Sabi ni Chase—"

"Chase?"

"Yes, he was here, too, yesterday and he said he saw Yesha crying."

Ramdam ko ang pagkuot ng noo ko. That guy? I shoved my questions away. "Okay, maybe I'll ask Chase, too." Aalis na sana ulit ako nang pigilan na naman niya ako.

"There's more," he said.

 Meron pa? 

"Hinarang din si Yesha ng mga grupo ng mga kalalakihan—"

"What?!" I lost my calm in an instant. Anong hinarang? Anong kalalakihan? Takte! Hindi pwede!

"Umalis kasi siya bigla. Hinabol—"

"I told you huwag mo siyang iiwan!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses. Hindi pwedeng mapasama ang bruhang 'yon sa gulo lalo na sa gano'ng estado niya! I don't want to imagine...

"Sandali nga lang. She's not my responsibility," aniya. Napikon yata dahil sa pagtaas ng boses ko. "And besides, kita mo naman wala siyang kahit galos man lang."

"Hindi 'yon!" I argued.

"Eh ano?"

"You don't understand... never mind." I waved my hand dismissively. There's no point, hindi rin naman niya maiintindihan. "Kumusta naman 'yong mga humarang sa kanya?"

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now