MD 16 - WHAT CHANGED?

1.2K 43 1
                                    

LUCAS POV

"Ikaw may-ari ng school na 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yesha.

"Oo! Sa akin ang eskwelahang pinapasukan mo! Sa akin ang lupang tinatapakan mo!"

Ilang segundong natigilan ito at hindi nakasagot. Nakatitig lang na parang ang lalim ng iniisip. Malalim din ang gatla sa noo.

"Ano? Ngayon wala ka masabi? Nasaan ngayon ang yabang mo? Wala kang pakialam kahit ako may-ari, 'di ba? Eh bakit naestatwa ka na riyan?"

"Hindi naman. Nagulat lang ako. I just cannot process the information. I mean...you own a school and yet...shunga ka? Isn't that ironic?" seryoso talagang tanong niya.

My lips parted, beyond shock at her question.

'Yon lang? 'Yon lang ang reaksyon niya? Isa sa mga dahilan kaya takot sa akin ang mga estudyante dahil ako nga ang may-ari ng school at kayang-kaya ko silang patalsikin kung gugustuhin ko.

Tapos siya...

What the hell?!

Tawanan ang mga nanonood sa amin at hindi ko alam kung mabubwisit ba ako o matatawa rin.

"Kaya pala 'pag nasa garden tayo, lagi mo sinasabi sa 'kin na wala akong karapatang sabihan ka kung saan ka dapat uupo. Because you own the school."

"Oo kaya tumigil ka sa—"

"How much?" putol niya sa sasabihin ko.

Nangunot ang noo ko. "Ha?"

"I told you, bibilhin ko ang school pati na ang may-ari tumigil ka lang sa pangbubwisit sa buhay ko. So ano, magkano?"

Natawa ako. "How much? You're asking how much? Ang school at ako?" hindi makapaniwalang tanong ko. "You can't afford me, Yesha. Dream on!"

"Grabe ka naman! Kailangan ipagduldulan pa talagang hindi kita afford? Oo na ikaw na ang yayamanin! Akala mo naman gusto talaga kita bilhin. Marami na kaming pet sa bahay."

Pet?!

Magsasalita pa lang sana ako nang magtanong na naman siya. "But seriously, you're the owner?"

"Kailan ba ako nakipagbiruan sa 'yo?"

Bahagyang tinabingi nito ang ulo at ngumuso. "Hmmm...wala. Puro pambubwisit lang naaalala ko."

"Then I'm serious. I am the owner!"

"Nakapangalan sa 'yo?" hamon niya.

"I am the sole heir of the Ledesma's—"

"That's not my question. Ang tanong ko kung nakapangalan ba sa 'yo."

"Well, no. Sa daddy ko."

"Then you're not the owner. You're the son of the owner, but not the owner. Know the difference, Shunga."

Iniwan niya ako roong hindi pa napoproseso kung anong nangyari. Nakamaang lang ako habang pinapanood siyang maglakad patungo sa mga kaibigan niya.

Ibang klase talaga. At tinawag na naman niya akong shunga!



CHASE POV

Dumaan lang ako saglit sa SC Office para kunin ang ilang documents na kailangan kong pag-aralan sa bahay at dumiretso na sa canteen. Nasa entrance pa lang ako nang marinig kong may nagsisigawan. Napabuntong-hininga na lang ako. Sila na naman. Wala talagang pinipiling lugar ang dalawang 'to. May mga ibang estudyanteng nanonood na pero wala man lang silang pakialam. Ano na naman ba pinag-aawayan nila?

Lumapit ako at sinaway sila. At sa ugali nila, ako pa ang magmukhang masama sa pagsaway sa kanila. Gusto ko silang pag-umpugin na pagpila lang pala ang pinagtatalunan nila. Nakakaubos sila ng pasensya sa totoo lang.

Wala talaga akong kinakampihan sa kanila pero ayoko mang aminin, tama si Yesha. Ewan ko ba naman dito kay Lucas, pumipila naman 'to dati. Siguro isa na naman sa mga paraan niya para makaganti.

Ang childish!

Pinagsasabihan ko na si Lucas nang muling lumingon si Yesha. "Ikaw may-ari ng school na to?" she asked, shocked.

My brows knitted. Hindi niya alam? Kaya naman pala ang lakas ng loob makipagbangayan kay Lucas!

Well, that's what I thought at first not until she dropped, "You own a school and yet shunga ka?"

I want to burst out laughing! Lucas' stunned face was priceless! Sana nakuhanan ko ng picture nang may maipang-blackmail ako. O kaya na-record ko para ma-play sa graduation.

And their series of banters went on. At gusto ko ulit humagalpak nang sabihin niyang marami na silang pet sa bahay. What the heck! This girl surely knows how to annoy the hell out of you.

But one statement from her caught my attention: Kaya pala 'pag nasa garden tayo,...

Nagkikita sila sa garden?

In the end, Yesha won, I guess. I must say her closing was a powerful remark lalo na at sinamahan pa niya ng pag-alis, hindi na hinayaang makabawi pa ang kalaban.

Nganga si Lucas habang sinunsundan ng tingin si Yesha. Akala ko susundan pa niya at hindi papatalo but then, he smiled. Sa halip na magalit o mainsulto, mukhang bumilib pa.

"Haven't seen that smile for a while," I commented.

Biglang nawala ang mga ngiti niya at napalitan ng matatalim na tingin.

"I wonder why?" he asked sardonically.

I just shrugged. "Sarili mo 'yan. Why ask me?"

He clenched his fists. "Bakit nga ba?"

Nagsukatan kami ng tingin. Siya ring dating ni Kenji at pumagitna, hinarang ang mga kamay sa amin. "Walang pakialamanan," he reminded us.

"He started it." Lucas retorted without breaking our stares.

That sting of pain hit me again. Ako na ang umiwas ng tingin. "Next time pumila ka na para walang estudyanteng nagrereklamo."

"Hindi mo ako kailangang sabihan ng gagawin dahil alam ko."

"Alam mo? Kaya ba nagbabangayan na naman kayo?"

He scoffed. "Is this me not being a role model? Or me arguing with her?" Binigyang-diin niya ang salitang 'her.' "Sa pagkakaalala ko, wala ka naman pakialam dati kung may gawin man ako. You just give me detention, that's it. You don't meddle. What changed?" He, definitely was insinuating something. Hindi ako tanga para hindi makuha iyon.

"She is a transferee. Out of all the schools, dito niya piniling mag-aral. She must have seen something in here kaya huwag—"

"Nope," he cut me off. "She chose here because this is the nearest from their house," he informed me.

A smirked crept my face. "Akala ko magbangayan lang alam niyo. Nagkukwentuhan din pala kayo. You don't usually do that. Even before, you don't do that. What changed, Lucas?" Balik ko ng tanong sa kanya.

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon