MD 14 - SEATWORK

1.3K 45 2
                                    

LUCAS POV

"Do you have any idea?" tanong ni Yesha na akala mo walang nangyari. Ang nakakainis pa galit na galit na ako samantalang siya relax lang.

"Sorry. Hindi ko nahanap ang utak ko and it didn't grow either," sarkastiko kong sagot. She looked at me, tinging parang naaawa then she suddenly smiled.

Kumurap-kurap ako. She actually smiled...at me!

"Sorry, " she said sincerely.

Nangunot ang noo ko. Seryoso ba siya?

"Masakit talaga umasa. Lalo na sa bagay na alam mo namang imposible na talagang mangyari," she whispered.

Akala ko talaga sincere siya sa pag-sorry. Pambubwisit lang pala. Ano pa nga ba? Pero parang may kakaiba. Ang boses niya, hindi maipagkakaila ang lungkot sa mga iyon. And her eyes... they're shouting something...pain?

"Are you talking from experience?" Hindi naman sa concern ako pero iba talaga eh.

She stilled, took a few seconds before answering, "Not really. Umpisa na tayo. Marami na nasayang na oras sa kadadada mo." She changed tthe topic.

I smirked. May tinatago talaga ang war freak na 'to eh. Malalaman ko rin 'yan. Tingnan lang natin kung makabanat ka pa once na nalaman ko ang sikreto mo.

"Since wala kang utak—"

Tiningnan ko siya nang masama. Ayaw talaga tumigil ng babaeng 'to.

"I mean...wala kang idea..."

'Yan, ganyan dapat. Nakukuha ka naman pala sa tingin eh.

"...magsusulat ako tapos dagdagan mo na lang or edit things that you don't like."

"Ayoko. Bakit ako mag—"

"Eh di ikaw magsulat! Dami sinasabi." Ibinato niya ang papel sa' kin. Isang pad ng papel!

"What the hell? Bakit ka nananakit?! Kanina ka pa ah," asik ko.

"Baka nagpapalambing," singit ng isa naming kaklase.

Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin dahil kaunting-kaunti na lang papatulan ko na talaga ang babaeng 'to.

"Puro ka reklamo! Eh di ikaw mag-isip!"

"Sabi mo nga wala akong utak, 'di ba?!"

"You don't have to state the obvious!"

"Hindi pa ba tapos yang LQ niyo?" singit na naman ng kaklase namin.

"Shut up!" sabay naming sigaw sa kanya. Pareho pa kaming nagulat at nagkatinginan.

"Kailangan sabay pa?" tatawa-tawang sagot nito.

"Iba na yan ha! Uyyy!" buyo ng isa pa.

"Pumapag-ibig si Lucas," tawa ng isa pa.

"Enough! We only one hour for the seat work. Everyone back to work," utos ni Chase.

"Bakit, Chase selos ka?" pang iinis ko sa kanya.

"Kung sa war freak din lang na 'yan. Iyong-iyo na," sagot nito.

"Wow! Hiyang-hiya naman ako sa kagwapuhan niyo. Kung sa mga letsugas din lang na gaya niyo, magmamadre na lang ako," sagot naman ni Yesha.

"Gaga! Hindi mo bagay! Echoserang 'to," saad ni Niko.

"Nga naman, Yesh. Itatakwil ka nila ro'n. Baka nga nagsasabi ka pa lang hindi ka na nila tanggapin," pang-aasar din ni Johan.

"Bawal ang matigas ang ulo ro'n," dagdag ni Hailey.

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now