MD 67

1K 35 17
                                    

A/N:

Hi iAmnylaanne

Enjoy reading 💙

CHASE POV

"I miss you, my Princess."

Kitang-kita ko ang pagpikit at pagngiti niya habang nakadikit ang labi ng lalaking yun sa noo niya.

Naikuyom ko ang kamao.

Pagkatapos nun ay mabilis itong tumakbo patungo ng veranda at tumalon.

Sabay pa naming sinundan ito ng tingin.

"Sino yun?" Tanong ko.

Dahan-dahan niya akong nilingon at binigyan ng matalim na tingin.

"Ikaw pa talaga may ganang magtanong!" Sigaw niya. "Ano na namang ginagawa mo rito!"

"Sino siya?" Ulit ko.

Mamaya ko na iitindihin ang galit mo. Ang gusto kong malaman ay kung sino ang lalaking yun.

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako bago bumuntong-hininga at pumikit. "Hindi ba't sinabihan na kita?" She opened her eyes. "Matalino ka naman. Bakit kailangang paulit-ulit ako?" She said gritting her teeth. Umupo ito at huminga ulit nang malalim. Pilit nitong pinapakalma ang sarili na nauwi lamang sa pagpipigil niya ng iyak.

"Was that Captain?" Biglang sulpot ni Ellie.

Napatungo si Yesha at tinakpan ang mukha gamit ang palad.

"Wow! Now, you really got yourself in big trouble." Saad ni Ellie.

Big trouble?

"Nakaka-frustate ka. Alam mo ba yun?" Tanong ni Yesha sakin. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Huwag mo ugaliing manghimasok sa mga bagay na wala kang pakialam lalo na at may kinalaman sakin! Tang!na! Alin dun ang hindi mo naintindihan?!"

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo. Hindi sa lahat ng pagkakataon mapoprotektahan kita. Lalo na sa taong yun. Tangina naman, Chase." Frustrated niyang aniya.

"Tsk, tsk, tsk." Iling ni Ellie.

Pinalis niya ang luha. "Sige na, pumunta ka na sa kwarto mo."

"Ha?"

"Yung kwartong tinutuluyan mo dito."

"Hindi na. Uuwi na lang ako."

"Tangina! Sige lumabas ka! Tingnan ko lang kung makaapak kahit isang paa mo lang sa lupa! Argghh! Nakakairita!" Tsaka siya padabog na pumasok sa kwarto niya. Pabagsak din nitong sinara ang pinto.

Bigla na lang ay tumawa si Ellie kaya napatingin ako sa kanya. "She's so frustrated." Tumingin ito sa akin. "Don't you want to witness the sunrise anymore?"

Pinagsasabi nito?

"Sana sinabi mo agad para ako na ang gumawa. Si Captain pa talaga ang nais mo ah?" Natatawang aniya.

"S-sino ba yun?"

Tumawa lang ulit si Ellie. "Takte! Nagtanong pa ulit. Sawa ka na ba talaga sa buhay mo?" Nilapitan ako nito at tinapik sa balikat. "Itulog mo na yan at huwag na huwag kang lalabas ng bahay ha?"

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sa totoo lang halos hindi ako nakatulog. Iniisip ko ang sino ang lalaking yun. Tangina mas inisip ko pa kung ano siya ni Yesha kaysa sa kung gaano kadelikado na nakaharap ko siya.

Dumiretso ako sa dining area. Kumpleto sila maliban sa isa. Nagulat pa sina Tito at Tita nang makita ako.

"G-good morning po."

My Destiny (Book 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz