MD 6 - INTRODUCTION

1.6K 60 11
                                    

YESHA POV

Could this day get any worse? Napasama na nga ako sa grupo ng letsugas, ngayon naman napalabas pa ng classroom. Akalain mo nga naman. Ang gandang first day. 

Naupo ako sahig at ipinikit ang mga mata. Wala pa akong kalahating araw sa bagong buhay ko pero pagod na pagod na ako. Kunsabagay, matagal na akong pagod. Sa lahat ng bagay. Sa buhay.

Naantala ang paglalakbay ang isip ko nang maramdamang may nagpatong ng malabot na baghay sa binti ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at bumungad sa paningin ko si Shunga. Gusot na naman ang mukha sa inis pero anak ng...ang gwapo pa rin! At mukhang may kaibaitan rin palang natatago ang letsugas na 'to. Nilagay pala niya ang coat sa binti ko. Wow! Gentleman naman pala. Baka ito na ng sign na kailangan ko rin maging mabait. Malay mo naman magkasundo kami para naman mapadali ang pagbabagong-buhay ko.

Pero anak ng tinapa! Nginitian ko lang, kumulo na naman ang dugo. Padarag pa talagang tumayo at hindi na ako kinausap.

Isa kang malaking scam! Gwapo pero scam! Letse ka!

Pagkatapos ng mga sampung minutong nasa labas kami dumating si President Sungit. "You may go inside."

Nagmulat ako at tinangala siya. Kumunot ang noo nito nang makita ang coat sa binti ko tapos ay tumingin sa tatlo. At walang sabi-sabing pumasok na.

Ang weirdo ng mga tao rito!

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. "Salamat sa coat." Inabot ko pabalik ang coat kay Letsugas.

"Iyo na. Ayoko nang gamitin 'yan dahil nagamit mo na!" Sabay bangga niya sa balikat ko at pumasok na rin.

I scoffed. Nyemas na school 'to. Ang daming letsugas!

Tiningnan ko ang coat. Anong gagawin ko rito? Marami pa naman kaming basahan sa bahay. Pero infairness ang bango—manly but sweet. Kumapit na sa'kin ang amoy. Gusto ko tuloy maligo. Nakakatakot baka nakakahawa ang kashungaan niya.

Tinaas ko ang coat at tiningnang mabuti. Iba ang tela. Hindi ito yung telang ginamit sa mga uniform na benta ng school. Mas malambot at high quality. Mukhang pinasadya itong kanya.

Binasa ko ang nasa name plate.

Lucas Andres M. Ledesma.



"Siguro naman sa oras na binigay ko sa inyo sa labas eh napag-usapan niyo na mga pinagbubulungan niyo?" sermon ni Miss Castillo. "At siguro naman nagawa niyo na ang activity na sinabi ko."

Alin? 'Yong know a couple of things about each other? Mayroon naman. 'Yon ay ang kumukulo ang dugo niya sa'kin.

Nilingon ko si Shunga. Halatang wala pa ring balak makipag-usap. Para ngang kaya na niyang kumain ng limampung upuan. Bukas siguro mga isandaan na.

Sinampay ko ang coat niya sa likod ng upuan ko. Akin na raw eh. 'Yong white long sleeves na lang tuloy suot niya. Tinitigan ko siya. Bagay niya. He looks hotter in white. Sayang ka.

"Oi, Shunga nong pangalan mo?" tanong ko kahit nabasa ko na sa name plate niya.

"Don't talk to me," inis na sagot niya. Hindi man lang ako nilingon.

"First name mo pa lang ba 'yon? Ang haba ah."

"Wala kang paki!"

"Hmmm...I'm guessing that's you're last name? 'Don't talk to me Wala kang pake' nice name," pang-iinis ko pa.

"Will you shut up?!" He finally faced me.

"Ano naman 'yan? Nickname mo?" I stayed unfazed by his outburst.

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now