MD 8 - DETENTION

1.3K 44 3
                                    

YESHA POV

"Ang saya-saya naman nito. Para lang tayong nagbonding. Sa detention nga lang." Kaiden stated with eyes twinkling in joy. "Ang dami natin. Suggest naman kayo ng pwede natin gawin." He's hopeless. Siya lang ata ang masayang nasa detention.

"I have a suggestion." Seb raised his hand.

"Hindi ikaw ang kausap ko pero...sige pwede na rin. Ano 'yon?"

"Manahimik ka! Kasalanan niyo ng babaeng 'yan kung bakit nandito kami ngayon." Hindi pointed at me.

Nanahimik ako, sinali na naman ako.

Tiningnan ako ni Ellie, tinging nagsasabing 'huwag ka ng sumagot kundi malilintikan ka sa 'kin.' Nanahimik na lang ako at baka masermonan na naman ako.

"Maglilinis ka pa mamaya, 'di ba? So, anong oras ka na makakauwi?" Nanlumo ako. Hindi nga ako sumagot, may sermon pa rin. "Ano ba, Yesha. Nakikinig ka ba?" Wala na akong choice kundi makinig dahil hinila niya ang earphones ko. "Ano, dadalhan na ba kita ng kumot para dito ka na matulog?"

"Maglilinis lang ako, hindi ako magka-camping dito. Huwag kang OA."

"Sa dami ng lilinisan mo? Parang gusto mo pang sumali kanina eh. Sabihin mo lang para pati cabinet mo dalhin ko na rito." Ngumuso ako. Basta si Ellie talaga nanermon daig pa mama ko. Hindi 'yan titigil. 'Pag sumagot ako, dadami na naman sasabihin niya. Gaya ng dati, pasok sa isang tainga, labas sa kabila.

"Hoy ikaw!" Nabaling ang atensyon namin kay Kaiden. "Huwag mo nga dinadamay baby girl ko. Hindi niya kasalanan na masyado mo mahal 'yong sahig kaya hinalikan mo."

"Gago ka talaga! Gusto mo ng gagawin? Halika suntukan tayo para magkaalaman na." Pumorma si Seb.

Ito na naman po sila. Sinasabi ko na nga ba't may round 2 pa ang gulong 'to.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka na naman hahalik sa sahig."

At nagsimula na namang magkagulo ang lahat. Ayaw ko na sana mangialam pa dahil bantay-sarado ako ni Ellie kaya lang naiirita ako sa ingay. Tumayo ako at nilapitan si Chase. "Hoy, wala ka bang gagawin? SC President ka, 'di ba?"

"I am in detention, thanks to you, so, I am not in any position to do anything."

"Nasa detention ka lang. You were not strip off of your position."

"We are in detention. Meaning, we are all just students here. Including me."

"Fine. But you can stop them even if you're not the SC President," I argued.

"Is that so? Then why don't you do it yourself?"

I looked at him in disbelief. Seriously, paano nanalo 'to?

Nilingon ko ang mga kaklase namin na patuloy pa ring nagkakagulo. Except for one. Nilapitan ko siya. "Aren't you going to stop them?" I asked Lucas.

Tiningnan din niya ang mga ito. "Why? They look happy."

Okay, these people are hopeless. Fine. Kung ang SC President nga at kaibigan nila walang ginagawa, ako pa kaya. Bahala kayong magrambol diyan. Kung dedmahan din lang ang labanan, expert ako diyan.



CHASE POV

Pinapanood kong sermonan ni Ellie si Yesha, para siyang batang pinapagalitan ng nanay niya. Sa tapang niya, 'pag pinapagalitan ng kaibigan niya akala mo kung sinong maamong tupa. Ang daming sinasabi ni Ellie pero siya, halatang hindi nakikinig. Parang bata pa siyang ngumuso.

It's as if she has a different side when it comes to her friend.

Nalipat ang atensyon ko kay Kaiden. Nag-umpisa na namang magkagulo dahil sa kanya at kay Seb. Ito namang kasing si Kaiden kahit kailan napakaingay.

Nakita kong tumayo si Yesha. Halatang napipikon na rin sa gulong nangyayari.

Don't tell me makikigulo na naman 'to?

But it surprised me that she walked up to me at tinanong kung wala raw ba akong gagawin. Sinungitan ko siya at sinabing wala ako sa posisyon para gumawa ng kahit ano. Sa totoo lang, pwede ko naman sila patigilin pero ewan ko ba. Natutuwa akong makita siyang napipikon. Gusto ko rin makita kung ano gagawin niya.

Nang hindi niya ako napilit, si Lucas naman ang nilapitan niya pero wala rin.

Nadismaya ako nang makitang bumalik na lang ito sa upuan niya at dinukdok ulit ang ulo sa mesa. Ako naman lumapit sa kanya at naupo sa upuang nasa harap niya. Tinuktok ko ang ulo niya ng dalawang beses.

"Awww..." hawak niya sa ulo habang inaangat ang paningin.

Pinigilan ko ang sariling matawa. God! She's really so cute when mad.

"Ano na naman problema mo?!" inis na sigaw niya dahilan para lahat tumigil at napatingin sa'min.

"Aren't you going stop them?"

Nilingon niya sina Kaiden na bumalik na sa gulo.

"Why would I?"

"Because you're the reason why we're all here?" I coated my words with sarcasm.

"Gano'n ba? Saglit lang." Tumayo siya.

Hinawakan ni Ellie ang braso niya. "What are you planning to do?" she asked her.

"Kasalanan ko raw kung bakit tayo nandito eh."

"Takte naman. Give it a rest, will you?"

"Don't worry. Hindi ako makikigulo. Pagbibigyan ko lang 'tong President Sungit na 'to."

Pinanood ko siyang pumagitna sa kanila. "Sandali!!" Nilahad niya ang mga kamay. "Masyadong magulo."

Napangiti ako. Nagawa niyang patigilin ang grupo ni Lucas. Maging si Lucas nakuha ang atensyon niya.

"Malamang magulo. Gulo yan eh," ani Lucas. "Alangan namang maayos, 'di ba?"

"Pwede naman eh," she answered. Tiningnan niya sina Kaiden isa-isa. "Sinong gustong mauna?"

"Ha?" naguguluhan nilang tanong.

Ramdam ko rin ang pagkunot ng noo ko.

Si Ellie naman ay napa-face palm.

"Since kayo naman ang nag-umpisa," turo niya kina Kaiden at Seb, "kayo na lang mauna. Dito kayo sa gitna. Walang rules. Bahala kayo kung anong gusto niyong gawin. Kung gusto niyong below the belt, go lang. Kung gusto niyong lumpuhin ang kalaban, go pa rin. Start!" Mwestra niya sa kamay niya na parang referee.

Napapikit ako sa inis. I was expecting her to stop them, not to engage them in a boxing-like match!

Pasapak na si Seb nang biglang dumating si Miss Castillo. "Anong nangyayari rito?! Wala talaga kayong kadala-dala eh no? You," turo nito kina Kaiden at Seb, "you will join Mr. Ledesma and Ms. Vera in cleaning the gym today."

"Mr. Alcantara?" tawag nito sa akin.

"Yes, ma'am?"

"You will supervise them. Make sure wala nang gulong mangyayari. I know they're your friends but I trust that you know your duties. Oras na may gulo pang mangyari ikaw ang mananagot."

"Yes, ma'am."

Paglabas ni Miss Castillo, nilapitan ko si Yesha. "What the hell were you trying to do? Pagsabungin ang mga estudyante rito?" sermon ko.

"So, now you're concern?"

"You should have stopped them."

"Me?" Tinuro niya ang sarili. "Pasalamat ka nga hindi ako nakisali. And besides, ikaw ang president tapos ipapasa mo sa'kin trabaho mo. Wala akong maalalang nag-apply akong assistant mo!"

"Kung mag-apply ka man, hindi kita tatanggapin. Everyone back to your seats. You," turo ko sa grupo ni Lucas, "stay on the right side. Kaiden and Kenji on the left. And you," turo ko sa kanya, "in front along with your friends. And stay there until I say so!" sigaw ko sa mismong mukha niya.

She glared at me. "I don't take orders from anyone," seryosong aniya at naupo sa bandang likod.

Inis ko siyang sinundan ng tingin. Hindi marunong sumunod!

Such an annoying girl!

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now