MD 59

1.2K 50 14
                                    

A/N:

Happy 10k reads! Waaaaa... Thank you so much! Kenekeleg ako! Hahahahaha!

Yun lang! Masaya lang ako naka-10k reads na ang MD... Malaking achievement na sakin yun. Hehehe!

Happy reading!



Chapter 59

CHASE POV

"Paano ba yan? Ako na raw bahala sayo." Parang yung normal na Ellie na ulit pero bakit kinakabahan pa rin ako! Bakit pakiramdam ko katapusan ko na!

"Ohhh. Afraid, Chase Alcantara?" tanong niya habang dahan-dahang lumalapit at ako naman ay paatras nang paatras!

Hindi pwedeng ganito! Bakit ako aatras sa isang babae?!

Tinaas ko ang dalawang kamao at determinadong lumaban kahit anong mangyari!

"Anong ginagawa mo?"

"I am not going down without a fight!"

Tumawa siya nang nakakaloko, "pinagsasabi mo? Ahhhh. Akala mo tutuluyan na kita?"

"Bakit hindi ba?"

"Pisti! Ang layo ng narating ng imagination mo ah! Tutuluyan? Mauuna pa akong iburol kaysa magalusan ka. Ayusin mong sarili mo. Tara na. Ayaw ni Yesha ng naghihintay."

"Ha? Pero... hindi ba sabi niya ikaw na bahala sakin?"

"Oo nga pero ang ibig niyang sabihin eh kausapin kita. Akala mo talaga tutuluyan kita? Ganun ba kasama ang tingin mo sa amin? Nakaka-hurt ka ah"

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya.

"Nakaka-hurt? Baka nakakalimutan mong pinana mo ako kanina?!"

"Suss para yun lang."

"Ano?! Anong yun lang?! Pwede kong ikamatay yun!"

"Namatay ka ba?"

Pumikit ako sa inis, "bakit ba ganyan kayong magkaibigan! Hindi pwedeng mag-react hangga't hindi namamatay ganun?! Paano pa ako magre-react kung patay na ako!"

"Eh kaso hindi ka nga namatay. "

"Ewan ko sa inyo! Bwisit kayo!" inayos ko na rin ang sarili ko dahil mukhang matino naman na ulit siya.

Naglakad na kami papunta sa parking lot. Si Yesha ay nasa loob na ng kotse nila. Wala pa ring emosyon ang mukha niya at hindi man lang tumingin sa amin nung dumating kami.

"Hayaan mo na muna siya" napalingon ako kay Ellie. "May mga iniisip lang yan."

"Yung nangyari kanina?"

"Kung bakit nangyari yung kanina" pagtatama niya sa sinabi ko.

"Eh bakit nga ba ginawa mo yun? Nadaplisan yung braso niya. "

"May gusto lang akong malaman."

"Pinaulanan mo ng palaso ang best friend mo dahil lang may gusto kang malaman?!" hindi makapaniwalang tanong ko!

"Oh bakit? Anong masama dun?"

Anong masama dun? Gago talaga 'to eh!

"Alam ko naman hindi siya tatamaan ng mga yun. Para saan pa ang pagsasanay ko sa kanya kung tatamaan siya ng ganung kasimpleng atake"

Simple? Pinaulanan niya ng palaso tapos simple?!

"Nilagay mo sa bingit ng kamatayan ang buhay naming dalawa! Gago ka ba?! Kung may gusto kang malaman bakit hindi mo na lang tinanong?"

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now