MD 10 - DANGER

1.4K 48 4
                                    

YESHA POV

"Musta ang paglilinis?" bungad ni Ellie pagkauwi ko.

"I'm tired but I'm fine, Ellie. Thanks for asking," sarkastikong sagot ko. "May pagkain na?"

"Opo, mahal na prinsesa! Maaari na po kayong kumain. Ipaghain ko na po ba kayo?" she answered sarcastically too.

"Yes, please, Nanay Ellie."

She rolled her eyes before going to the kitchem. I followed.

"Yesha," tawag niya habang kumakain kami.

"Mmm?"

"Anong tingin mo sa bago nating school?"

"Uhmmm...mukhang maganda naman. Malaki, malawak, matibay ang mga building, complete facilities—"

"Letse! Hindi 'yan ang ibig kong sabihin!"

"Sabi mo anong tingin ko?"

"Hoy, bruha. Umaayos-ayos ka ng sagot. Baka nakakalimutan mo na ang gulong ginawa mo kanina?" She glared at me.

"Hindi nga ako ang nag-umpisa—" Kusa akong natigilan nang makitang kumuyom ang mga kamao niyang nasa ibabaw ng mesa kasunod ng pekeng ngiti. "Parang maraming bully. First day pa lang tingnan mo naman ang nangyari—siksik, liglig at nag-uumapaw: sermon, detention, punishment," maayos na sagot ko.

"Bakit naman kasi pinatulan mo pa?"

"Ellie, kilala mo naman ako."

"Oo nga pero 'di ba may rason kung bakit tayo lumipat dito?"

Napabuntong-hininga na lang ako. "I know," I said softly.

"Mukha ngang maraming matigas ang ulo do'n gaya mo. But I think this is still a good idea." Inis akong tumingin sa kanya. "What's with that face?" taas kilay niyang tanong. "Sige sabihin mong mali ako sa katigasan ng ulo mo."

I pouted. Akala ko pa naman nakaligtas na ako.

"Huwag mo akong dinadaan diyan sa panguso-nguso mo at nanggigigil ako sa'yo. Unang araw, Yesh. Takte!"

"Sa pangalawa pwede na ba?" I grinned.

Bahagya siyang tumayo at kinaltukan ako.

"Okay, fine." Hinimas ko ang ulo. "Hahabaan ko pa pisi ko...pero hindi ko maipapangako lalo na gano'n ang mga bwisit na 'yon," napilitang sagot ko. "Ano na naman? Hindi pa rin kuntento sa sagot ko?" reklamo ko nang nakatingin lang siya.

"Ayaw mo bang magpapasok ng mga bagong tao sa buhay mo?" She asked out of nowhere.

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "Are you referring to those two arrogant? Ellie naman, kung gagawin ko 'yan, mamimili ako nang matino."

"Yeah," she agreed. "Huwag 'yong gaya mong matigas ang ulo at malakas ang saltik." I rolled my eyes. "Maghugas ka ng pinagkainan. Good night." She left me in ther kitchen.

"Peste! May punishment na sa school hanggang bahay mayroon pa rin," reklamo ko habang naghuhugas.

After maghugas, naligo, at nagbihis lang ako at pasalampak nang nahiga sa kama.

Finally!

Sandali akong nakipagtitigan sa kisame at binalikan ang mga nangyari ngayong araw. Sa totoo lang, okay naman ang araw na 'to. Nagkaroon ako ng mga bagong kakilala. Siguro panahon na rin para magkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Mukha namang mabait ang apat na 'yon.

Sumablay lang talaga ang araw na 'to dahil sa mga letsugas na 'yon. Bakit ko nga ba pinatulan ang mga 'yon? Dati, hindi ko pinapansin ang mga gano'ng klase ng tao. Sayang lang kasi sa oras. Pero isang taon kong makakasalumaha ang dalawang 'yon. I smirked. Hindi ang tulad niyo ang magiging dahilan ng pag-uwi ko. Tingnan lang natin kung sino sa atin ang susuko.

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now